------- ***Carleigh’s POV*** - Warning: Contain Mature Scene! - “Ano ba, Hendrik. Ibaba mo nga ako,” pasigaw kong sabi kay Hendrik. Kinarga kasi niya ako in bridal style habang papasok kami sa mansyon niya. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin, na para bang wala akong karapatang kumawala. Gusto kong kumawala mula sa kanya at tumakbo, pero kahit anong gawin ko, hindi naman ako makakatakas sa kanya. Kaya kailangan ko na lang tanggapin ang kapalaran ko, kahit gaano pa ito kabigat sa dibdib ko. “Ito ang ginagawa ng mga bagong kasal, Carleigh,” aniya, nakangisi habang diretso ang tingin sa akin. “Ito ang ginagawa ng mga bagong kasal na nagmamahalan, at hindi tayo ganoon, Hendrik,” mariin kong sabi sa kanya, pilit pinatatag ang boses ko kahit ramdam ko ang panginginig nito.

