-------- ***Carliegh’s POV*** - “Happy 2nd week as my wife, baby!” Kagigising ko lang at ito agad ang sumalubong sa akin—ang malawak na ngiti ni Hendrik habang nakatayo sa tabi ng kama, may hawak na tray ng breakfast in bed. May bouquet pa ng mga bulaklak na nakalagay sa gitna ng kama, parang maingat na inayos para mas maging espesyal ang umagang ito. Ilang segundo akong nakatulala sa kanya habang pilit kong pinoproseso ang eksenang nasa harap ko. Minsan malamig siya. Minsan naman sobrang sweet na tulad sa nangyayari ngayon. Pero alam ko naman kung bakit. Hindi dahil masaya siya na umabot ng dalawang linggo ang kasal namin. Kundi dahil gusto lang niyang pagtakpan ang ginawa niyang kataksilan kagabi. Paumaga na siya nakauwi. Naamoy ko pa ang alak sa hininga niya nang dumating siya

