Camille's POV 3 days to go bago ang kasal. At paalis ako ng bahay para kitain ung mga kaibigan ko. 2 days kaming lima ang magkakasama ngayon tapos isang araw bago ang kasal, sa bahay ako nila Mama matutulog. Gusto ko lang silang makasama. Wala akong bridal shower dahil un ung hiling ko. Basta gusto ko lang makasama ung mga importanteng tao sa buhay ko. Ayos na lahat para sa kasal at ung araw na un na lang ang inaantay. Excited ako na kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit. Hahaha "Jan Keith!" Sigaw ko sa pangalan ng asawa ko pagbaba ko, napatingin naman sya sakin at nakakunot ang noo. Hahaha "Jan Keith?! Kelan mo pa ko tinawan sa buong pangalan ko my dear Camille Faith?!" Tanong nya sakin ng makalapit ako. "Ngayon lang. Ganda kaya ng pangalan mo. Ayun kaya ipangalan natin sa anak natin

