Keith's POV "Maniwala ka sa hindi. Yan din ang gusto kong gawin dun sa babaeng un." Sabi ko kay Harold. Pagkatapos kasi namin mag usap sa phone akala ko okay na pero hindi ata nakuntento at pumunta pa dito sa condo. Tss! "Gusto kong sugurin ung babaeng yun pero baka makasuhan ako! Matanggal pa lisensya ko. Nung nakita ko ung pisngi ni Krystal pag uwi ko ng condo. Nang gigil ako!" Sabi nya sabay hilamos ng hilamos ng mukha. "Gusto kong sumigaw pero nakita ko pa lang ung ngiti nya kahit namumula ung pisngi. Kumalma na ko! Taina! Di ko alam ganto pala mainlove!" Sabi nya at parang nagsisisi na nainlove sya. Hahahahaha "Hahahaha. Hindi ka nag iisa. Ako kanina nagwawala. Pinagsisipa ko ung gulong ng kotse ko, pinigilan lang ako nung mag asawa eh. Tapos nasigawan ko pa si Nicole. Hahaha. Pero

