"Nasa bag na 'yong camera mo. Hinanda ko na nga rin pala 'yong powerbank in case na malowbat ang phone mo. Tapos, 'yong airpods mo naman ay nasa keychain ng susi ng motor, okay? Ano? May nakalimutan ka pa ba?"
"Wala na po, girlscout." Kung ginising niya lamang siguro ako kahapon ng maaga para nakasabay ko siyang pumasok ay hindi ako ganito kaaligaga ngayon. Kailangan kong bumawi ng serbisyo sa kaniya.
"For your information, Ben Julian, noong elementary lang po ako girlscout. Dalaga na ako ngayon, ano." Nakanguso kong tugon.
Oh no! Hindi ko na lang dapat sana sinabi 'yon. Nanlaki ang aking mata nang hawakan niya ako sa bewang at marahang isinandal sa shelf. He cupped my chin and was about to kiss me. "Julian, don't... mahuhuli na tayo sa klase." I was hesitant before breaking the lingering eye contact.
"Dalaga na pero takot." Ito ang paraan niya ng pang-aasar sa akin. Ngunit sa kabila nito, alam niya ang kaniyang limitasyon bilang isang kasintahan lamang kahit na nasa iisang bubong kami.
"I am not. Nagugusot kasi ang uniform ko." Paliwanag ko habang inaayos ang pleats ng aking skirt. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay kapag hinahawakan niya ako sa aking katawan. Magmula kasi noong magsama kami sa iisang bahay ay mas naging maingat ako.
Para maiwasan ang awkwardness ay kinuha ko na lamang ang spray ng halaman. Binigay niya ang aster flower na ito sa akin bilang regalo noong lumipat kami dito. Hindi ko ito magawang pabayaan. Malusog at mas marami na itong bulaklak kumpara noon.
Palagi akong nauunang lumabas ng pintuan dahil siya ang nagkakandado ng bahay tuwing magsasabay kami papunta sa school. Nasanay na rin akong naghahanda ng kaniyang mga gamit habang siya naman ang nagdadala ng aking backpack. Nangungupahan pa lamang kami dito sa Kalye Asuncion kung saan kakaunti lamang ang mga student boarders. Ayaw kasi nito ni Julian ng may maiingat at makukulit na kapitbahay. Angat sa buhay ang pamilya niya at kilala sa kanilang bayan pero hindi ko alam kung bakit mas pinili niyang manirahan sa masikip na apartment kasama ako.
"Twelve ang vacant ninyo 'di ba? Sasabay ka ba sa akin mamaya maglunch?" I asked him. Kabisado ko ang schedule niya.
"Alam ko namang hindi ka makakakain kapag hindi ako kasabay eh." Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil totoo ang sinabi niya o maaasar dahil niyayabangan niya ako.
Magdadalawang taon na kaming magkasintahan. Naging official kami noong lumipat ako dito sa syudad galing probinsya para magsenior high school. I met him way back in the province when he was doing his research paper. Nineteen years old na ako ngayon at thirty three years old naman siya. Isang buwan pa lamang kaming magkasama sa iisang bahay. He's independent and since he has a stable teaching job, he told me it would be better for us to live together. But I think he's just concern about me. Alam niyang wala akong ibang mapupuntahan dito sa syudad, dahil wala rito ang aking mmagulang para gumabay sa akin sa pagpapatuloy ng apat na taon sa kolehiyo.
Pinanuod ko lamang siya habang inilalabas sa garahe ang motorsiklo, "Ginny, lumapit ka rito." Utos niya na agad ko rin namang sinunod.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya habang isinusuot sa akin ang kulay dilaw na helmet. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Tumingkayad pa ako para mas masinghot ko siya. Ganito ang amoy ng mga natitiklop kong mga damit niya.
"Tsk, huwag ka masyado malikot, hindi ko maikabit." Pagalit nito sa akin. Sumakay na ako sa motorsiklo. Hmph! Sungit. I pouted as I wrapped my arms around his waist. "Kumapit kang mabuti. Aandar na tayo." Hindi ko alam kung naiintidihan ba niya na nagpapacute ako sa kaniya tuwing nginungusuan ko siya. Hindi kasi siya yung tipo ng lalaking guguluhin ang aking buhok. Hindi rin siya yung tipong pipisilin ang aking pisngi. Basta, iba kasi ang trip niya.
Hindi sang-ayon ang karamihan sa ideya na magkasama na kami sa iisang bahay dahil hindi pa naman kami naikakasal. Dinaig pa raw namin ang mag-asawa. But I don't think there's something wrong about it. And I don't feel like I am limiting myself to do things for my own good... because when I come home, I can easily forget about everything because I have found the reason to feel complete. Nawawala ang lahat ng kagustuhan ko sa buhay basta ba magigising ako sa umaga at makikita si Julian sa kaniyang paboritong t-shirt at sabay kaming makakatulog sa gabi. He's Ben Julian Lorenzo. His friends call him Ben. His mother calls him Julio. I call him Ben Julian. He's a full time professor teaching the course of Photography and Multimedia Arts. Habang first year English major student naman ako. Kabilang ako sa mga freshman na hindi pa sigurado sa kinuhang kurso.
Tahimik lamang ako hanggang sa makarating kami sa university, "What were you thinking?" He asked when he parked the motorcycle in a secluded and private lot. Walang makakakita sa amin dito.
"Huh? Ah, wala naman. Nagmuni-muni lang. Bakit?"
"Himala kasi, ang tahimik mo bigla."
"Mamaya sa bahay na lang ulit ako mag-iingay, okay?" Napangiti siya.
Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay. Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo... sa pisngi at pababa sa aking labi. "Julian, not here..." pigil ko sa kaniya.
Wala siyang pakialam sa posibilidad na may dumaan at may makakita sa aming dalawang magkasama. Palagi siyang kampante sa lahat ng kaniyang ginagawa. At isa 'yon sa mga katangian na nagustuhan ko sa kaniya.
"Uhm, Ben Julian?" I muttered under my breath. He rested his forehead on mine, his lips lingering on my slightly open mouth.
"Yes, Virginia?" Sinuntok ko siya ng mahina sa dibdib, "Don't call me that."
My name is Virginia Cruz. Everyone calls me by my name. He calls me Ginny... and I have always liked it.
"What is it, babe?" Nararamdaman niya ang aking pangamba at ramdam ko naman ang pag-aalala sa kaniyang tono.
"Uuwi ka ba ng maaga mamaya? Gusto mo ba na ipagluto kita?" Gusto ko siyang pagsilbihan. It's also my way of saying thank you because he's always there for me to the point that I've become dependent.
"Uhm, no. The faculty will be having a drink. But you know I don't drink that much. Only a few shots."
"I trust you. Sabay pa rin ba tayo sa pag-uwi?" Mahina at namamag-asa ang aking boses.
Kung hindi siya makakauwi ng maaga mamaya ay mag-isa akong kakain ng hapunan. Hay, Ben Julian.
"Ihahatid na lang kita hanggang sa bus stop." He's always doing me the favor. Samantalang ako ay ilag na ilag pa sa mga simpleng hawak lamang niya. I wonder if he ever notice that?
"Julian, do you think I am unfair?" I grabbed his sleeves, waiting for his answer.
"What do you mean?"
"Because I cannot give in to you..." Hiyang hiya pa ako sa aking tugon. Hanggang halik pa lamang ang naibibigay ko sa kaniya. He's a man and I know he has the needs.
Nagtama ang aming paningin at agad naman siyang ngumisi, "Iyon ba ang iniisip mo kanina kaya ba tahimik ka?" Umiling na lamang ako.
"Don't worry about it, you're my Virginia, after all." Panunuyo nito sa akin. His hand landed on my waist, supporting my body for a quick forehead kiss. Nagtama ang aming paningin. Hinaplos niya ako sa pisngi, pinipigilan akong bumitaw ng tingin.
It's not that he makes me uncomfortable, it's just that... I cannot handle the way he looks at me. I'm trembling.
He handed me my bag and put my twin braids around my shoulders. "I want you to stop thinking about that stuff, Ginny. I don't feel less like a man kahit na hanggang dito pa lang ako..." And he just leaned forward to kiss my lips.
"I'll see you later at lunch, okay?" Nagpaalam na siya sa akin. I can't speak like a normal person so I just nodded.
Kumaway ako sa kaniya nang tuluyan siyang makalayo sa akin.
...
"Asan 'yong boyfriend mo? Bakit hindi mo kasabay pauwi?" Tanong ni Hazel habang nagliligpit kami ng mga libro sa locker. Kasali siya sa girls' volleyball team ng university kaya naman madalang siyang magsuot ng school uniform, and besides, hindi rin naman 'yan nag-aaral dahil mas matagal pa ang practice time niya kaysa study hour.
"Pinapauna na niya ako dahil may tinatapos pa siya sa office."
"True ba 'yan? Baka naman may ibang babaeng kasama." Napalakas ang pagsara ko sa pinto ng locker. Magaling siya magpa-overthink. Ako naman ay madaling mabiktima. Minsan nagtataka na lang talaga ako kung paano gumagana ang friendship namin.
"Grabe naman ang trust issues mo sa lalaki. Masaya kaya kami ni Julian."
"Ganiyan din kami noong una... pero tingnan mo ang nangyari sa amin ngayon."
"Tigilan mo nga ako, Hazel. Wala kaming problema ni Julian. Hindi niya lang talaga ako maihahatid ngayon." Hanggang ngayon ay apektado pa rin pala siya ng break up niya six months ago.
"Keme lang. Tara na lang gumala tutal wala kang bantay ngayon, 'di ba?"
"Pero kailangan ko pa rin umuwi ng maaga. Maghahanda pa ako ng hapunan eh."
"Ay si gaga. Career na career mo talaga ang pagiging housewife, ano?"
"Maybe next time, Hazel. Pretty please?"
"Ano naman ang laban ko sa asawa mong teacher?"
"Huwag ka na magtampo, Hazel. Babawi ako, okay? And he's not my asawa... yet."
"Kilig ka naman sa word na asawa. Basta, sabi mo 'yan ha. Ilibre mo ko sa susunod."
Hazel supports me with my decisions. Wala akong natanggap na violent reaction sa kaniya noong nalaman niyang sa iisang bahay na kami titira ni Julian. She also keeps the secret.
Sabay kaming nagcommute pauwi, nauna siyang bumaba dahil mas malapit ang kaniyang bahay. Bumaba naman ako sa Kalye Asuncion at naglakad papasok hanggang sa makarating ako sa aming apartment. Binuhay ko ang ilaw para magkaroon ng sigla ang bahay.
Julian said he'll be home late since may lakad pa ang faculty members. I guess I'll do the cooking later. Maybe I'll take a quick shower first to freshen up.
Hinubad ko muna ang aking uniform at pumasok ng bathroom. Whenever he's not here, I walk around the house, completely naked. Pero kapag nandito naman na siya ay para akong tupa sa sobrang ilap at hiya. As the water gushed down on my body, I saw the wine red blood trickling down my thighs.
Shit!
I didn't realize na magkakaroon ako ng period ngayon. That's why I was a little emotional today. Argh! I hate red days.
Hurriedly, I finished taking a bath. Then, I wore on a comfortable lacey night gown. It's time to make supper. Sinipat ko ang orasan. It says 8:44 already.
Hindi ganito ang oras ng hapunan namin. Usually, we eat around at 7 pm. Depende na lamang din sa schedule niya sa trabaho.
Inilabas ko na sa refrigerator ang karne para matunaw mula sa pagkakafrozen. I was in the middle of washing the vegetables when I heard a knock. Wait, he's home already. Of course I know the way he knocks at the door. Kabisado ko na siya.
Hinihintay ko na lamang na pumasok siya dahil hindi ko naman nilock ang pinto. Pero bakit ang aga naman yata niya ngayon? I was expecting him to come home before midnight.
"Ginny? Baby?" I heard his voice, calling me... that was his drunk voice. He's completely drunk! He told me he won't get drunk!
Tumigil ako sa aking ginagawa at akmang papunta na sa sala nang maramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran habang ang kamay niya naman ay nasa aking bewang na. Ambilis niya talaga sa mga ganitong eksena.
Pilit akong kumawala sa yakap niya. Amoy alak at sigarilyo siya. "Hmm... stay." He muttered as he cornered me against the sink.
"Ben Julian? Come on, anong nangyari?" Takang-taka ako. Paano ko siya kakausapin ngayong wala naman siya sa katinuan?
"Why are you drunk? Sabi mo hindi ka maglalasing! Sinong kasama mo mag-inom? Bakit hinayaan kang malasing ng faculty? May babae ba kayong kasama? Kakasimula ko pa nga lang magluto—" He shut me up, kissing me. Napapikit na lamang ako at hinayaan siyang dalhin ako sa bawat halik niya. His mouth tastes like alcohol, mint, and cigarette... and I hate it because I am kinda liking it.
I let out a soft moan when I felt his big hands on my butt, carrying me all the way to the counter.
"Uh, Julian?" Nanginginig kong tawag sa kaniyang pangalan sa pagitan ng aming paghahalikan.
"You're drunk. You don't know what you're doing to me." I hold him on his shoulder as he lower down his kisses, exploring my weakening body.
"Not really, babe."
I am scared. It all just happened unexpectedly. No matter how I wanted to stop, my body keeps on responding, giving him every touch he needs.
Marahan niyang ibinaba ang strap ng aking damit, dahilan para bahagyang lumabas ang aking dibdib.
Oh no. I am not ready for this... but I want it. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko ay namumula ako sa sobrang tensyon. He's seeing my bared chest for the very first time.
He smiled at me, then, I figured, he is still sober. He exactly knows what he's doing.
Malinaw na malinaw sa kaniya ang nangyayari sa amin ngayon.
"Please, Julian." Napasabunot ako sa kaniyang buhok nang damhin niya ang aking dibdib. Nakakakiliti ang maliliit niyang halik dito.
He treats me like a fragile doll. And that drives me crazy knowing he'll always be capable of doing this to me.
He started untangling the laces of my nightgown, "Stop. I'm on my period... I'm sorry, Julian." I just cannot give myself to him right now. That would be very embarrassing. I love Julian, I really do. Hindi pa lamang ako handa. Mas lalong hindi ngayon.
"I don't think I can do this. Natatakot ako, Julian." Habol hininga kong pakikiusap sa kaniya. Tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha.
"f**k. No, I'm sorry, Ginny. You're right. I didn't know what I was doing." He shook his head as he touched my face, wiping the tears away. Inayos niya ang aking damit na para bang walang nangyari.
He kissed me on my shoulder, one last time, as he whispered, "You're mine, yes?" I nodded many times, wishing I could hear those words again one more time.