Pagkatapos maligo ay naglinis na sila ni Kate. Panay sigawan at tawanan ang dalawa habang naglilinis dahil ayon kay Lori, kailangan magpakaingat dahil sa tagal ng panahong walang naninirahan sa bahay ay malamang sa malamang baka kung ano-anong mga wild animals ang nakatira roon.
Hating-gabi na nang matapos sila at agad na nakatulog dahil sa pagod.
Kinaumagahan ay kunot-noong napabalikwas sa kama si Lori dahil sa tilaok ng manok. Nasa sahig na si Kate na malamang ay nahulog dahil sobrang kulit matulog.
“Bwisit! May mga manok nga pala rito na nakaset na tumilaok ng alas-quatro ng umaga!”
Inis na tumayo sa kama si Lori at sinipa pa sa braso si Kate habang binabasa ang message ng kaniyang ina.
“Hoy, gumising ka na Kate. Hindi pwedeng ako lang ang gising!”
“Grabe naman. Kailangan talagang mandamay. Puyat ako.”
“Wow! Puyat ka pa niyang lagay na yan eh ako nga itong hindi halos makatulog dahil sa kakulitan mo matulog.”
Nakangusong bumangon si Kate at kinusot-kusot pa ang mga mata.
“May pupuntahan ba tayo?”
“Oo. Kanina pang three nagchat si Mama na pumunta na raw ako roon para tumulong sa pagluluto.”
“Hindi naman pala kasalan ang pinunta mo.”
“Iba talaga ang kalakaran sa probinsiya. Lalo pa at kamag-anak. Sige na mauuna na ako maligo.”
Ngumisi naman si Kate at parang batang tumalon sa kama.
“Take your time.”
“Hoy, Kate. Wag ka na matulog.”
“Two hours ka naliligo, sayang pa yon. Sige na.”
Napaikot ang mga mata ni Lori at nagtungo na sa banyo para maligo.
At dahil mahigit tatlong oras ang naubos sa paghahanda, tirik na tirik na ang araw nang lumabas sila sa kalawanging gate ng bahay.
“Ayos to! Yong mas bongga pa ang attire ng bisita sa bride! Ikaw ang ikakasal te?”
Sarkastikong tanong ni Kate habang chinecheck ni Lori ang kotse.
“Shut up, Kate. What’s wrong with my attire? Mainit, so what do you expect me to wear?”
Irap ni Lori sa kaibigan saka itinaas ang suot na sunglasses.
Kasalukuyang nakasuot ng dilaw na wide brim hat at yellow backless maxi dress.
“Sabi ko nga.”
Iiling-iling na sabi ni Kate at binuksan ang pinto ng passenger’s seat.
“Teka lang Kate, mukhang may problema tayo.”
“Ha? Anong problema?”
“Flat ang gulong ko.”
“Totoo? Eh di magsimula na tayong maglakad. Malapit lang naman ata. Tamang-tama, makakaexperience maglakad sa probinsiya.”
“Seryoso ka, Kate? Paglalakarin mo talaga ako sa lagay kong ito?”
“Eh sino ba naman kasi ang maysabi na magheels ka?”
Napairap na lamang si Lori at tumanaw sa malayo para tingnan kung may paparating na tricycle.
Pero sa hindi mapaliwanag na kadahilanan, parang sadyang kay liit nang mundo nang matanaw niya ang isang mala kalesang sasakyan na hinihila ng isang kalabaw.
“Oh my gawd! Hindi ko naman akalain na may iinit pa pala ang probinsiyang ito! Hi Jacob, good morning!”
Tuwang-tuwang bati ni Kate nang tumigil ang mala-kalesang sasakyang ito kung saan sakay si Jacob at ang isa pang lalaki.
Nakasando si Jacob samantalang ang isang lalaki ay topless. Nagniningning ang mga mata ni Kate habang sinisipat ang abs ng kasama ni Jacob.
“Mukhang may lakad kayo?”
Walang ganang tanong ni Jacob habang nakatingin kay Lori.
“Ah oo!”
“No thanks! Hindi namin kailangan ng tulong.”
Mataray na sabat ni Lori.
“Hindi naman ako nag-aalok ng tulong. Nagtanong lang ako.”
Sagot ni Jacob at sumigaw na para patakbuhin ang kalabaw
“Ay wait! Sorry! Wala lang sa mood ang prend ko. Na-flatan kasi kami. Pero may lakad sana talaga kami. Kung hindi naman kamalabisan, baka pwedeng makasiksik na kami. Ok lang ako tumayo sa tabi ni Kuya sa likod.”
Nagpapaganda pang sabi ni Kate.
“Hoy Kate! Talaga?”
“Te, 29 na ako. Sorry ha. Nangako ako kay Mama na bago ako mawala sa kalendaryo, hahanapan ko na siya ng manugang.”
“Single naman si Leo.”
Sabat ni Jacob na nagpalaki pa lalo sa ngiti ni Kate.
Sabik na sumakay si Kate at kilig na kilig na nakipagkamay kay Leo.
“Oh ano? Hindi ka ba talaga sasakay? Kung suswertehin ka, mga alas-deis may daraan ditong tricycle.” Sabi pa ni Jacob kay Lori.
Napapikit si Lori at inis na ibinaba ang tatlong maleta saka hirap na isinakay sa unahang parte ng sasakyan.
“Let me know kung magkano ang abala namin sa inyo dahil wala akong balak na magkautang na loob.”
Sabi pa ni Lori nang makaupo sa tabi ni Jacob habang kandong-kandong ang pinakamaliit sa mga maleta.
“Saan ba ang punta niyo?”
“Ipapatigil ko na lang dahil hindi ko naman gaano katanda ang lugar.”
Tumango si Jacob at pinalakad ang kalabaw.
Para namang mauupos sa kinauupuan si Lori dahil sa bagal ng kalabaw. Idagdag pa ang malalanding tawa ni Kate sa likuran.
Makalipas ang mahigit thirty minutes ay laking gulat ni Lori nang akma pa lamang siyang papara ay siyang pagtigil na talaga ni Jacob.
“Dito na lamang kami. Saan ba kayo?”
Tanong ni Jacob nang tumalon pababa ng sasakyan.
“Ah dito rin kami.”
“Teka, aattend kayo ng kasal ni Jennie?”
Tumango si Lori.
“Kilala mo si Jennie?”
“Oo. At ang buong pamilya niya. Ako ang supplier nila sa kanilang restaurant.”
“Ah ganon ba? Pinsan ko siya.”
Tinulungan siya ni Jacob na ibaba ang mga maleta at kasunod naman siya dahil sa taas ng kaniyang heels, imposibleng makatalon siya pababa.
Binuhat siya nitong parang prinsesa.
“Ay gusto ko rin ganon, Leo!” Tuwang-tuwang sabi ni Kate.
“Salamat. Hindi mo naman na kinailangan pang gawin yon. Kaya ko namang bumaba. Magkano pala?” Sabi ni Lori habang inaayos ang shades at sumbrero.
Umismid lamang si Jacob at sinimulan nang ibaba ang mga kahon sa likuran ng sasakyan.
“Oh andito na pala si Lori!”Sigaw ng kaniyang Tiyo Raul na sumalubong para tulungan sina Jacob sa pagbababa ng mga kahon.
“Tiyo, si Mama po?”Tanong ni Lori.
“Pasok ka na lang, Lori. Andon na sila sa kusina.”
Hila-hila ang dalawang maleta habang si Kate sa isa, hirap na hirap na naglakad si Lori papunta sa bahay nina Jennie.
“Dito ka na lang. Puntahan ko lang si Mama.”Sabi ni Lori kay Kate pagpasok ay sa sala habang malakas ang t***k ng dibdib dahil hindi alam ang sasabihin sa oras na magkaharap na sila ni Jennie at Phillip.
Pagpunta sa kusina ay agad na naramdaman ni Lori ang pagbigat ng aura nang ang maingay na tawanan at usapan ay parang bulang naglaho nang makita siya ng mga ito.
“Oh sobrang ganda ko ba kaya natahimik kayo?”Pabiro pang sabi ni Lori nang lumapit sa kaniyang lola at nagmano.