Chapter 1

2562 Words
MARIING ipinikit ni Ashley ang mga mata nang maramdaman niya na umaangat na ang eroplanong sinasakyan niya. Mahaba pa ang biyahe kaya makakapagpahinga siyang mabuti. Sa halip na makatulog ay ginugulo ng masalimoot na nakaraan ang kanyang isip, the moment that her marriage has been broken. She was a busy person, and she didn't know that her husband was cheating on her. Napakasakit ng katotohanang matagal na pala siya nitong pinagtataksilan. Habang busy siya sa trabaho bilang photographer ng isang prestigious talent agency sa Los Angeles, busy rin pala sa pambabae ang kaniyang asawa. Though her marriage with Christian has been arranged, she just learned to love him since he's the one who knows her even her weaknesses. He's also been a good friend since their younger age. But he was changed. Magkaibigan ang mga magulang nila na parehong nagpapalakad ng malalaking movie production company sa US. They are both American-Filipino, so it's a significant factor for her. Nagkakaintindihan sila at walang naging problema sa pagsasama nila noon bilang mag-asawa. Noong ipagkasundo sila ng kani-kanilang mga magulang para sa isang kasal ay hindi siya tumanggi. Kaagad namang nahulog ang loob niya sa lalaki. Hindi naging hadlang sa kanya noon ang propesyon ni Christian na isang film director and an actor. Balewala sa kanya ang mga isyu na naili-link ito sa mga sikat na female artists and models. But the rumor was right. Nang mahuli niya mismo si Christian na may katalik na babae sa loob ng kotse nito ay wala siyang ibang naisip noon kundi pasabugin ang kotse nang magkagutay-gutay ang katawan ng mga ito. Pero napaisip siya, hindi niya dudungisan ng dugo ang palad niya nang dahil lang sa walang kuwentang lalaki. She took a picture of the cheaters and posted it using her dummy account on social media. Pagkatapos niyon ay binulabog niya ang mga ito, sinuntok sa mukha ang babae at tinadyakan. Nanilim na ang paningin niya kaya pati si Christian ay tinadyakan niya sa ari saka niya iniwan ang mga ito. Dahil mabait siya, hindi niya sinampahan ng kaso ang asawa pero walang patumpik-tumpik na nag-file kaagad siya ng divorce. Dahil sa masaklap na pangyayari sa buhay ni Ashley ay nawalan na rin siya ng ganang magtrabaho sa kumpanyang nagpahibang sa kanya bilang isang photographer. Aminado siya na may pagkukulang din siya bilang asawa. Halos wala na siyang panahon kay Christian dahil palagi siyang out of the country para sa malalaking projects. Ang matagal na nitong hinihinging anak ay hindi pa niya naibigay. Sa takot na matigil sa trabaho ay hindi muna siya nagpabuntis. Ni bihira siyang nagagalaw ng asawa niya. Tatlong buwan na ang nakalipas simula noong nakipaghiwalay siya kay Christian. At nang ma-approve ang divorce nila ay nagdesisyon siyang umuwi ng Pilipinas. Tinanggap niya ang trabahong inu-offer sa kanya ni Chesca, ang matalik niyang kaibigan na may-ari ng Vista Talent, Incorporated sa Maynila. Dalawang buwan din siyang walang trabaho at nakamukmok lang sa bahay niya sa LA. Nakapatay lahat ng contacts niya. After more than eighteen hours of travel, finally, Ashley smells the familiar air of Manila. She missed pollution and crowded places. May limang taon na rin siyang hindi nakababakasyon sa Pilipinas. Ang huling bisita niya rito ay noong namatay ang lolo niya sa mother side. Matagal na ring patay ang lola niya, bata pa siya noon. Naiwan ang property nila sa Capas Tarlac na pinangangalagaan ng caretaker na kaanak din ng kanyang ina. Malayo pa lang ay natatanaw na niya si Chesca na kumakaway sa waiting area. Hila-hila niya ang maliit niyang maleta. Kaunting gamit lang ang nadala niya dahil ayaw niya ng maraming bitbitin. Kaagad siyang sinalubong ng kaibigan at nagbiso-biso sila. "God! I missed you, Ash! You look stunning!" puno ng pananabik na sabi ni Chesca nang maghiwalay sila. Sinuyod nito ng tingin ang kabuoan niya. "You too! I missed you too!" Napaluha siya sa tuwa. Nagkataon lang ba napareho sila ng kulay ng damit? She's wearing a red blouse and skinny white jeans with three-inch red sandals. Ganoon din ang suot ni Chesca pero mas maluwag lang ang blouse nito. Pumayat ito, kaysa noong huling pagkikita nila sa Australia. "How's your trip?" tanong ni Chesca nang lulan na sila ng kotse nito. May sarili itong driver. Nakaupo silang dalawa sa backseat. "Okay lang. Sanay naman ako sa mahabang biyahe," sagot niya. Hindi siya maalisan ng tingin ni Chesca. Amazed na amazed ito sa kanya. "Grabe, sobrang ganda mo, best. Lalo kang gumanda. Hiyang mo ata ang pagiging single," nakangiting sabi ni Chesca. "You look younger than your age," dagdag pa nito. Natawa siya. Twenty-five years old na siya. Ikinasal siya kay Christian noong twenty-two-year-old siya. Magkaedad lang sila ni Chesca at simula high school ay magkaibigan na sila. Doon siya sa Pilipinas nagtapos ng high school pero sa US na siya nag-college. "Bolera ka pa rin talaga, best," aniya. Natawa si Chesca. "I'm just honest. I like your naturally curly hair with mahogany brown color. Mabuti hindi mo naisipang magpa-rebond at kulayan ng iba ang hair mo, kung hindi ay magtatampo ako," sabi nito. Ngumiti siya. Chesca was a bisexual pero nakapag-asawa ito ng Amerikano na siyang may-ari ng Vista Talent, Incorporated. Sinuwerte ito sa asawa. "Ayaw kong magtampo ka kaya hindi ko talaga pinakialaman ang hair ko. Humaba na nga hanggang baywang," aniya pagkuwan. Sinilip naman nito ang dulo ng buhok niya na naipit sa likod. Hanggang balikat naman ang buhok ni Chesca na tuwid at itim na itim. Maganda rin ito, tsinita at maputi kahit flat five ang heights. Siya naman ay five foot, six inches ang taas at balingkinitan ang katawan. Tinutukso nga siya ng boss niya minsan na mas maganda pa raw siya sa ibang model. Nahalikan niya sa pisngi ang boss niyang hunk model rin dahil sa appreciation na iyon. Modeling was one of her dreams, but she became addicted to her job as a photographer. She loves traveling around the world and capturing the beautiful nature's view. Alas-singko na ng hapon kaya dumeretso na sila sa isang restaurant sa Quezon Avenue malapit sa building ng VTI. Nag-dinner na sila since maaga siyang ginutom. Konti lang kasi ang nakain niya sa eroplano bago ang arrival. Filipino food talaga ang in-order niya. Na-miss niya ang panlasang pinoy na pagkain. Pagkatapos ng hapunan ay dinala na siya ni Chesca sa building ng VTI. Saktong pagpasok nila sa studio ay may nagaganap na photoshoot ng mga models. Nanood din siya ng fashion shows ng mga male model. Kinukuhaan ng video ang mga ramp model para sa endorsement ng mga bagong designs na damit. Honestly, she was not easily attracted to any of those male models. Siguro tumaas na ang standard niya since iba-ibang lahi na mga model ang nai-encounter niya. She's looking for something new. Most of the models in front of her had a drop of foreign blood. Prangka siyang tao kaya sinabi niya kay Chesca kung ano ang obserbasyon niya sa mga models nito. Nag-usap sila sa ospisina nito at tinalakay ang coverage ng trabaho niya. "Tumaas lang siguro ang standard mo, best," sabi ni Chesca nang sabihin niya rito na nakukulangan siya sa performance ng mga modelo nito. Nakaupo sila sa sofa at isa-isa niyang tinitingnan ang profile ng mga modelo ng VTI. Marami na rin palang produkto ang kumpanya na naging artista at international talent. Na-amaze siya nang matuklasan na may isa sa modelo ng VTI ang nakapasok sa kumpanyang pinaggalingan niya sa Los Angeles. It was Justine Haughter, na minsan na niyang nakasama sa Australia para sa photoshoot. "Impressive, best!" komento niya. "So, when we going to start the outdoor photoshoot for rainy season?" pagkuwan ay tanong niya. Tiniklop niya ang makapal na libro kung saan nakapaloob ang profile ng mga models. "Yap, good question. We will start this coming first week of June in Boracay. May beach resort kami ng mister ko room, so no worries about the accommodation. Maayos na ang lahat ng kailangan maging mga models. Ikaw na lang talaga ang kulang, best," masigang tugon nito. "Oh, great. Well, I'm ready," she said with full of excitement in her voice. "You should take a rest first," sabi naman ni Chesca. "Gusto ko doon na magpahinga sa Boracay. I missed the island too. Should I?" aniya. Napaisip pa si Chesca. "Hm, okay. Magbo-book kaagad ako ng plane ticket natin. Naroon lang sa resort ang mister ko, alam mo na, may edad na kaya ayaw nang bumiyahe madalas." She giggled. Thirty years nga pala ang gap ng edad ng asawa ni Chesca nito. Not bad; love is all of the matter, and age doesn't matter too. Sobrang bait ni John na asawa ni Chesca. Tanggap naman ni Chesca na may isang anak na lalaki si John sa unang asawa nito sa US. Nasa custody ng babae ang anak nito. "How's John, anyway?" she asked. "Uhm, he's good. He loves the ocean, so he stayed in Boracay, you know, American's nature," she replied happily. "What about you? Are you okay after your divorce from Christian?" balik tanong nito sa kanya. Napalis ang ngiti niya saka bumuntong-hininga. "Yeah, I'm fine, I guess. I have to move on, best. Ayaw kong magsayang ng panahon sa lalaking 'yon," sagot niya sa malamig na tinig. Ngumisi si Chesca. "I know you can. You're the bravest person I'd ever met, you know?" anito. "Pero sana nagpabuntis ka muna," hirit pa nito. Natawa siya sa sinabi nito, but deep inside, naghinayang din siya. Pero dahil sa pananakit ni Christian sa puso niya, nawalan na rin siya ng interes sa lalaki at lalo na sa pakikipagrelasyon. Magkakaanak din naman siya kahit walang lalaki. Uso na ang artificial insemination at madali lang iyong gawin sa US dahil may mga lalaking boluntaryong nagdo-donate ng semen sa mga ospital. Kumibit-balikat lang siya nang wala siyang maisip na isasagot kay Chesca. PANGALAWANG araw ni Ashley sa Boracay ay na-enjoy niya nang sobra ang beach. Kahit papasok na ang raining season at pasukan ay marami pa ring turista sa isla. Malawak din ang SandCrest Beach and Hotel na pag-aari nila John at Chesca. Mayroon itong five-story hotel, beachside bar and grill, restaurant, and elegant functional facilities. Marami siyang nakasalubong na local artists sa resort mismo ni Chesca. Maaga namang dumating sa resort ang mga male models ng VTI para sa photoshoot. Nagsisimula na ring ulanin ang isla pero napanak-naka lang. Hinintay ni Ashley na pumatak ang ulan bago pinapunta sa beach area ang featured male model nila para sa proyektong iyon. Kinukuhaan niya ng litrato ang model habang may bitbit na surf board at naglalakad sa pampang ng dagat habang inaalon ang mga paa. Jack was a Phil-Am model, guwapo, matangkad at maganda ang katawan. Matagal na raw itong talent ng VTI pero para sa kanya ay kulang pa ang karanasan nito para masabi niyang papasa na sa standard niya. Sa umpisa ay ganado siya, pero habang tumatagal ay bigla siyang tinamad. Sinubukan din niya ang ibang modelo. Hindi pa rin siya nasiyahan. Saktong lumakas ang buhos ng ulan nang pagpahingahin niya ang mga modelo. Nilapitan niya si Chesca na nakaupo sa isang mesa sa beach front restaurant. Walang siglang umupo siya sa tapat nito. Inalok siya nito ng potato fries pero tumanggi siya. "What's wrong?" curious na tanong nito. She sighed. "I don't know. Nawala na ata ang drive ko sa trabaho ko since I quit my job," aniya. Ngumisi si Chesca. "I can't please you, best. Just take your time. Wala, eh, sadyang mataas ang standard mo sa mga modelo. Just take a break and relax. Marami pa naman tayong araw," sabi nito. "You're right. Uh, may I excuse?" paalam niya. Chesca nodded and let her leave. She explores the beachfront restaurant. It was open facilities which guests could view the beautiful ocean while enjoying the classic foods. Makulimlim ang paligid dahil sa ulan. Hindi na ito kasing lakas kanina na halos matakpan ang view ng dagat. Tumambay siya sa exit ng restaurant na nakaharap sa dagat. Kinukuhaan niya ng litrato ang dagat na may malalaking alon. May iilang tao na naglalakad sa pampang at naliligo sa ulan. Karamihan sa mga ito ay mga dayuhan. She took a deep breath as she focused her lenses on the center of the beach. She never stops taking pictures of the wavy beach. Na-distract siya nang may lumitaw na bulto ng lalaki sa pampang ng dagat. He was half-naked, stunning while walking under the rain, and his masculine hand combed his wet inches, clean-cut hair. Tumingala pa ang lalaki tila ini-enjoy ang bawat patak ng ulan sa mukha nito. He only wore a black swimming trunk. Ashley cleared her throat and saw the guy facing her direction while his left hand touched his masculine chest. Kitang-kita niya ang six-pack abs nito na hitik na hitik. Kumikintab ang katawan nito dahil sa tubig-ulan. He's not a pure-blooded Filipino, maybe a half-blood mixed with European, like Italian, Spanish, or whatever. Hindi namamalayan ni Ashley na kanina pa click nang click ang kamera niya. As far as she knows, her eyes caught him accidentally. Accident lang din ba ang panunuyo ng lalamunan niya habang titig na titig sa basang lalaki? He just a meter away from her, so posible na mahuli siya nitong nakatingin dito baka isipin pang pinagnanasaan niya ito. Naisip niyang itigil ang ginagawa pero huli niya. Namalayan na lang niya na abot kamay na niya ang lalaki, habang nakatutok pa rin dito ang kamera niya. Kung hindi pa ito tumigin sa kanya ay hindi niya ibababa ang kamera niya. The guy curiously staring at her. Nataranta siya. "Uh... h-hello!" naiilang na bati niya rito. His facial expression seemed like asking something or accusing her of something malicious activity—his light brown curious eyes explored and studied her body. Tila nagtataglay ng apoy ang mga mata nito at sa bawat hagod ng tingin nito sa katawan niya ay nag-iiwan ito ng nakakapasong init. Lalong nanuyot ang lalamunan niya. Saka niya naalala na nakasuot lang pala siya ng black bikini bottom na hindi masyadong fit sa kanya. Ang kanyang scarf ay nakapulupot sa baywang niya. Nasa Boracay siya kaya okay lang na mag-bikini. Sanay naman siyang magbandera ng katawan. Proud siya sa vital statistic niya na thirty-six, twenty-six, thirty-six. Makinis din ang balat niya, maputi at walang peklat. Ang sabi ni Chesca, mukha raw siyang porn star sa katawan niya. "Hi, Ma'am!" sagot ng lalaki na kamuntik nang magpalambot sa mga tuhod niya. Pilyo ang ngiti nito. His baritone voice echoed in her ear. It sounds like a soundtrack of her life. Damn it, Ashley! What happens to you? Sita ng kanyang isip. The guy was thoughtfully staring directly at her eyes. His curiosity faded away, and he gave her a sardonic smile. Humakbang ito palapit lalo sa kanya at iniunat ang kanang kamay patungo sa kanang balikat niya. Kumislot siya nang walang babala na itinaas nito ang strap ng kanyang bra na bahagyang bumaba. Nasagi lang ng daliri nito ang balat niya tila pinitik siya ng mainit na sensasyong kaagad na dumantay sa bawat himaymay ng kanyang ugat at laman. "You're a photographer. It's obvious because you are handling the camera professionally. I wish you didn't take me a stolen shot. I hate stolen shot, anyway," he said thoughtfully. Magsasalita sana siya pero bigla siya nitong iniwan. Nasundan na lamang niya ng tingin ang papalayo nitong pigura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD