Jack Mag-a-alas onse na ng gabi pero papasok pa lamang ako sa medyo may kadiliman na daan, mukhang nakalimutan atang i-on ng guard ng subdivision ang mga street lights. Naiiling na lamang ako, pasalamat si Mang Kanor at kakilala ko siya dahil kung hindi ay baka matagal na siyang tinanggal sa serbisyo dahil sa pagiging makakalimutin nito. Hay, nasayang lang ang gabi ko, wala naman akong nakitang pweding ipalit kay Faye, kung hindi lang kaila--- "f**k!" Mariin kong tinapakan ang preno ng aking sasakyan ng may bigla akong maaninang na pumagitnang pigura ng tao sa madilim na kalsadang aking binabaybay. Huli na ang lahat, naramdaman ko na lamang ang malakas na pwersa na tumama sa unahan ng aking sasakyan. Kung minamalas ka nga naman! Sa ilang sandali ay nanatili lamang akong nakaupo sa ma

