Kabanata 2

448 Words
Jack Sa labas pa lang ay maririnig na ang musika na pinapatugtog sa naturang club. Ipinark ko ang aking kotse sa may bakanteng lote at agad lumabas at nagtungo sa entrance ng club kung saan may dalawang lalaki na naglalakihan ang mga katawan na nagbabantay, hindi naman nila ako hinarang ng pumasok ako dahil sa regular customer naman ako sa club na 'to. Pumwesto ako sa may gilid at maiging pinagmasdan ang mga tao sa loob, sinuyod ko ang bawat parte ng club, naghahanap ng ipapalit ko kay Faye. As of now wala pa akong nakikitaan ng potensyal, halos lahat ng nakikita kong babae ay puro mga mukhang social climber, o-order ng mamahaling drinks at pagkatapos ay ilalabas ang kanilang cellphone na gawang Apple Inc. at kukuha ng maraming pictures. Susunod nilang gagawin ay magpopost sila sa lahat ng social media platform with a caption, 'Just chillin' here at the club.' "Malungkot ka ata pogi?" Napatingin ako sa aking gilid at mula roon ay may isang babae na may dalang drinks ang nakangiti sa akin, maikli ang suot nitong dress na halos lumuwa na ang malalaking dibdib nito. "Kanina malungkot ako, pero noong makita kita ay okay na ako." Pambobola ko sa babae na mukhang epektibo naman dahil bigla itong namula. "Lilian is the name." Pagpapakila nito at iniabot sa akin ang isang baso na may lamang alak, malugod ko naman itong tinanggap. "Marco." Pagpapakilala ko rito, not giving her my real name. Ganito ang ginagawa ko tuwing pumupunta ako sa club na 'to, ang mga taong nakakakilala sa akin dito sa club ay kilala ako sa pangalang Marco. "Very typical name for a very handsome man." Komento nito na nagpangisi naman sa akin. Mukhang hindi lang ako ang magaling mambola rito. Tinitigan ko ang kabuuang itsura ni Lilian, maganda naman ito, nakakapaglaway ang hubog ng kanyang katawan, bonus na rito ang malulusog niyang dibdib, pero hindi pa ako sigurado kung pwedi siyang ipalit ko kay Faye. "So, may kasama ka ba rito Lilian?" Tanong ko at tinungga ang alak na ibinigay nito. "Sad to say but I'm alone." Tugon nito at umaktong nalulungkot. Hmm, nakikitaan ko ng potensyal ang babaeng 'to. "Bakit hindi na lang natin samahan ang isa't isa? Magpakasaya tayo, atin ang gabing ito." May himig pang-aakit na saad ko rito at tila tinablan naman si Lilian sa pang-aakit ko dahil tila nagpipigil ito ng kilig. "I love that." Saad nito at idinapo ang kamay sa aking bisig pagkatapos ay pinisil pisil niya ito, napangisi naman ako ng wagas habang unti unting nabubuhay ang bagay sa ilalim ng aking brief. "Do you want to go to a more secluded area?" Tanong ko at kumindat dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD