Trina Makalipas ang ilang sandali ay biglang tumunog ang elevator at dahan-dahang bumukas ang pintuan, nagmadali akong lumabas at tiningnan ang number na nakaukit sa may susi, nakalimutan ko kasi iyong room number na sinabi ng babae kanina dahil sa mga pinagsasabi sa akin ni Ethan sa loob ng elevator. "Room 403." Mahinang sambit ko sa aking sarili at agad na hinanap ang sign patungo sa room 403 dahil may ilang hallway kasi rito sa third floor na nagko-cross, sobrang laki ng motel na 'to na parang ang hirap paniwalaan na isang room na lang ang bakante. Hindi rin nagtagal at nahanap din namin ni Ethan ang room namin, agad ko iyong binuksan at pumasok sa loob. Isang tipikal na motel room lang ito, may isang kama na kasya ang dalawang tao, may isang kulay puting towel, sabon, toothbrush at

