Trina Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, napangiwi na lamang ako nang biglang rumehistro sa aking katawan ang sakit lalo na sa may bandang gilid ko, para akong dinaganan ng sampung demonyo. "N-Nasaan ako?" Mahinang tanong ko sa aking sarili, nang maimulat ko na ang aking mga mata ay hindi ko mapigilang mapakunot-noo dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Makalipas ang ilang sandali ay biglang nanlaki ang aking mata nang parang kidlat na nagbalik sa aking ala-ala ang lahat ng mga nangyari, bumilis ang t***k ng aking puso at nagsisimula na ring manginig ang aking kamay sa sobrang kaba. "N-No, I didn't do it, i-it wasn't my fault!" Pagkumbinsi ko sa aking sarili at napailing-iling na lamang. Inilinga-linga ko ang aking paningin sa paligid para alamin kung nasaan ako per

