“Wat the hell are you doing there?!” Salubong ang kilay na tanong ni Nick nang lumabas ako mula sa dilim. “U-umihi ako.” Lies! Hinila nya ako. “O-okay na ba kayo ni Jennica?” Pinilit kong huwag ipahalata na galing ako sa pag iyak. “I don’t know. I already talked to her pero hindi ko alam.” Mahinang sabi nya. “There you two are!” Mula sa gilid namin ay nakita ko si Tita Roxanne. He was holding a glass of champagne. Medyo hindi na sya straight maglakad but he can still walk. “Mommy? Are you drunk?” Sinalubong ni Nick si Tita na mabilis inubos ang laman na champagne ng baso na hawak nya. “I need to talk to you two.” Imbes ay sabi nya at inakbayan kaming dalawa. Hinayaan lang naming dalawa ni Nick si Tita. Inakay nya kami sa bandang dalampasigan. Malamig ang hangin pero hindi na nam

