I did my job in silence. Ganoon din si Nick na bumalik sa pagbabasa ng ilang files sa nakatambak na folders sa table nya. Minsan ay pumipirma sya. I watched him in silence.
I really can’t help but t admire his physical attributes. Namana nya sa daddy nya ang ilong at mata nya, pero sa mommy nya naman ang mga labi nya. His hair’s brushed in prestine manner. I could watch him all day but that would be wrong, so pinili ko na lang unahin linisin ang mga lugar kung saan naka talikod ako sa kanya.
Maya maya ay pinindot nya ang intercom.
“Alice, tell Fiona I’ll be there in thirty.” Mabilis at swabe na sabi nya.
“Copy, sir.” Mahinang sagot ni Alice sa kabilang linya.
Maya maya ay tumayo na si Nick. “I want my office clean when I get back. I’ll be out for about two hours so I’m hoping na tapos ka na by that time.”
Bahagya ko lang syang nilingon. “Yes, boss.”
Hindi na sya nagsalita. With just a few strides, he walked out of his office. Nakahinga ako ng maluwag. Pigil ko kasi ang paghinga ko kaninang nandito sya, thinking nab aka maingayan sya sa paghinga ko at mapansin pa.
I think of ridcoulous things when I’m nervous.
Table nya ang huling pinunasan ko. In thirty minutes more ay tapos na ako. Nagsabi ako kay Alice nang paalis na ako at tinanungan nya naman ako. Nakasalubong ko si Ellyn at ipinakilala nya ako sa dalawang janitor.
Kakatuwa na halos kaedad ko lang silang lahat. Si Anton at si James. Maya maya lang ay nag uusap na kaming apat na parang matagal na kaming magkaka kilala. Magdadalawang taon na daw pala silang tatlo dito, at wala daw sila balak lumipat dahil malaki ang sweldo, complete pa daw sa benefits.
Ipinatawag ni Mrs. Ortega si Ellyn bago kami mag lunch, at gusto ko na tapusin na ang ilang lugar na ima mop pa namin bago kami kumain. Nag volunteer si James na sya na muna ang sasama since kaya na daw ni Anton ang ibang gawain sa floor nila.
“Sabi pala ni Ellyn, hindi ka nanggaling sa agency. Alam mo bang sobra kaming nagulat? Siguro nasabi na sa’yo ni Ellyn na medyo praning yung boss natin. Gusto nya lahat ng empleyado nya-”
“Naka background check.” Natatawa na tapos ko sa sasabihin nya.
Tumawa kaming dalawa habang nagma mop sa maliit pero mahabang hallway papunta sa mga cubicles ng ilang empleyado.
“Pero totoo.”
“Kamusta naman pala syang boss? Strikto? Masungit?” Namalayan ko na lang ang sarili ko na nagtatanong ng tungkol kay Nick kay James.
“Medyo strikto at masungit pero nakakausap naman namin. Hindi nya kami sinisigawan. Prangka. Ganoon.” Kibit balikat na kwento nya. “Pero gusto ko yung ganoong katangian nya.”
Tumango tango ako. Mabuti naman at kahit papaano ay hindi monster boss si Nick. Baka sa akin nga lang dahil sa laki ng galit nya.
Tinuruan ako ni James kung paano mag linis ng mga glass walls ng ilang opisina, kung saan ginagamit ang ibang mga gamit na nasa bewang naming. Before lunch ay nag aasaran na kami.
Nang tapos na kami ay inaya na ako ni James na bumaba sa quarters. Malamang na hinihintay na daw kami doon nila Anton at Ellyn. Sabay sabay daw silang kumakain ng lunch sa karendirya two blocks from the building.
“Nung una nagbabaon ako kasi akala ko makakatipid ako. Na realize ko na malaki laki naman ang sweldo at barya lang din naman ang deperensya kung kakain na lang ako dito. Isa pa, mas masarap kung mainit init pa ang kakainin.” Explain nya pa habang naglalakad na kami papunta sa elevator.
I pushed the down button and we waited.
“Ganoon din ako actually. Eh sa dati ko namang trabaho, libre na pagkain kaya mas okay.”
“Sana nga libre na lang din dito.”
Tumawa ako. That’s when the elevator door opened at iniluwa si Nick na nakataas ang kilay na nakatingin sa amin.
Mabilis na nawala ang ngiti ko.
“Good afternoon Sir Nick.” Magalang na bati naman ni James.
Yumuko lang din ako.
Nagpalipat lipat ng tingin si Nick sa amin, hinarang nya ang kamay nya sa pinto ng elevator para hindi iyon mag sara.
“Where’s Ellyn? Isn’t she supposed to be here, not you, James?”
“Ay, Sir Nick, pinatawag po kasi sya ni Mrs. Ortega. Sinamahan ko na lang si Ezra at tinulungan para matapos nya agad ang trabaho nya.” He was smiling like he was proud of what he did.
Nick glared at James. “Next time, doon ka lang sa floor nyo. I assigned Ellyn here so she should be here, not you.”
Nawala ang ngiti ni James. I frowned. What is Nick doing?
“Tinulungan at tinuruan nya lang naman ako, boss.” Sabat ko.
Tiningnan ako ng masama ni Nick. “I’m not talking to you, Ezra.”
Napalingon sa akin si James na parang natatakot ang mukha.
“Now you’re talking to me.” I insisted.
Hinawakan ni James ang braso ko na parang sinasabi na huwag na ako sumagot. I saw Nick looked at James’ hand on my arm at kita ko na tumigas ang expression nya.
“Ezra, come with me to my office.” He stepped out of the elevator.
“Lunch time na po namin, boss.” Sagot ko sa kanya.
Gulat na naman na tiningnan ako ni James. Tumango ako sa kanya na parang sinasabi na okay lang ako.
“Don’t make me repeat what I said.” Mariin na sabi ni Nick, danger laced in his voice at mabilis na naglakad paalis.
“Ano ka ba? Bakit mo sinasagot sagot si Sir Nick?” Mahinang sabi ni James nang maka alis na si Nick.
“Okay lang yan.” Nginitian ko sya. “Mauna na kayo nila Ellyn at James mag lunch. Susunod na lang ako kung maabutan ko pa kayo.”
Wala nang nagawa si James kung hindi sumakay sa elevator.
Nag martsa ako papunta sa office ni Nick. Ni hindi na ako nilingon ni Alice kahit na tumayo ako sa gilid nya para sana magpaalam na papasok na ako kaya pumasok na ako.
Nakaupo na ulit si Nick sa swivel chair nya. His chin on his hands at masama ang tingin na binigay sa akin.
“What do you want?” Angil ko. I seriously can’t find a reason kung bakit ganoon sya ka rude kay James. Ako yung naaawa sa tao. Tinulungan nya lang naman ako.
Come to think of it, baka iyon nga ang dahilan. He wanted me to suffer kaya nagalit sya kay James for helping me. If that’s the reason, the more I want him to know na ayoko madamay ang ibang tao sa galit nya sa akin.
“Feisty, aren’t you?” Walang emosyon na sabi nya sa akin.
I sighed and stood in front of his desk. “I can’t believe you’re stooping this low. Pati ibang tao idadamay mo sa galit mo sa akin. James adores you.” Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa sabihin iyon. “And you talked to him like he did something wrong.”
He curled his arms into his chest and looked at me. “I don’t tolerate employees flirting with each other within the premises of my company.”
My jaw dropped when I heard him.
“Wow. You’re unbelievable.” Naiiling na sabi ko. Nakikipag flirt? Seriously? How is talking flirting? This guys really think of things para mas magalit pa sya sa akin.
He got a card from his wallet, put it on the table and slowly pushed it towards me.
“Buy me a coffee. Americano, grande. And buy your self something to eat. Be back in twenty minutes.” Imbes ay parang bored na sabi nya.
“Janitress ako dito, hindi mo ako personal alalay.”
“Well then, are you quitting?” Kunot noo na tanong nya.
Napalunok ako. “Hindi.”
“Then what are you waiting for? Get me my coffee.” He glared at me.
Gusto ko man magwala sa harap nya ay pinili ko na lang na kunin ang credit card nya at sundin ang utos nya. Is this going to be like this everyday?
I got him his coffee pero pera ko ang ginamit kong pambili ng lunch ko sa katabing fast food chain ng coffee shop. In fifteen minutes ay paakyat na ako sa office nya. Kagaya kanina ay diridiretso na ang pagpasok ko dahil hindi na ako pinansin ni Alice.
Naabutan ko sya na may kausap sa telepono.
“You heard me. I don’t care how much it’ll cost just buy me stocks in that damned company.” He was gritting his teeth.
Inangat nya ang ulo nya nang mapansin nya na dumating na ako. Inilapag ko sa table nya ang kape at card nya at akmang tatalikod na ako nang tawagin nya ako.
“Stay.”
Nilingon ko sya. Nakatakip ang isag kamay nya sa telepono at nakatingin sya sa akin, kunot ang noo.
Itinuro ko ang dala kong pagkain, meaning, kakain din ako.
Imbes ay tinuro nya ang couch at coffee table sa opisina nya. What, he wants me to eat here? With him?
Umiling iling ako.
He mumbled something bago nya tinanggal ang kamay sa telepono na hawak nya. “Kyle, let me get back to you later. Wait for my call.” At agad na binaba ang telepono sa awdotibo.
“I have to go. Matatapos na ang lunch break ko.” Reklamo ko sa kanya.
“Dito ka na kumain.” He commanded.
Nasapo ko ang noo ko. “Wow. You really like torturing me. Tingin mo makaka kain ako ng maayos dito?” Punong puno ng sarcasm na tanong ko.
“May choice ka ba?” He then asked, his fingers playing with his shining parker pen. He enjoys controlling me.
Nagdadabog na naglakad ako papunta sa couch. Inilapag ko ang paper bag na dala ko. I started eating without looking at him. Muntik pa ako mabilaukan kakamadali. Habang sya ay nakatutok sa ilang documents na nasa lamesa nya habang panaka naka ang pag simsim ng kape.
In six minutes ay naubos ko na ang pagkain ko. Hindi ako mapakali kaya binilisan ko na ang pagkain ko. I still don’t know why dito nya pa ako pinakain. Ugh!
“I’m done.” Sabi ko sabay tayo. Naayos ko na rin ang mga pinagkainan ko at honestly, sa bilis ko kumain at gumalaw ay baka pwede na akong maka Sali sa Guiness Book of World Records, just to get away from Nick.
Sinulyapan nya lang ako at tinanguan bago muling yumuko ang nag focus ulit sa binabasa nya.
I rolled my eyeballs in annoyance then marched towards the door.
The next few days ay naging successful ako sa pag iwas sa kanya. Or maybe masyado lang syang busy para I bully ako. Either way, naging mas maayos ang mga sumunod na araw para sa akin.
One week of working at Magnum Finances, nakapag adjust naman na ako sa oras ng pagtulog at pagtatrabaho. Nag I enjoy naman ako dahil kasundo ko sila Ellyn, James at Anton. Magkakasama kami kumain ng lunch at sabay sabay kung lalabas na pauwi.
Dahil off ko bukas at off din nila Errol at Liezl that night, nag aya sila na lumabas kami. Nag volunteer pa ang dalawa na sila na ang susundo sa akin at mula sa office ay didiretso na kami sa pupuntahan namin.
Namimiss ko naman sila at sigurado ako na gusto nila ako kamustahin sa bago kong trabaho. Kaya pinauna ko na ang tatlo dahil tatambay muna ako sa quarters para hintayin ang text ni Liezl o ni Errol na nasa baba na sila.
Pero si Errol na lang daw ang susundo sa akin dahil na stuck sa traffic si Liezl at sa pupuntahan na lang namin sya kikitain. Sumaglit ako sa comfort room para ayusin ang sarili ko.
Naghihintay na sa lobby si Errol nang makita ko sya.