After 1 year
“Ezra, check out na sa room nine zero six.”
“Copy!” Masiglang sabi ko sabay tulak ng push cart na dala ko. Dumiretso ako sa service elevator at pinindot ang button papunta sa ninth floor. First room of my shift, at masigla ako dahil off ko na bukas. Makakanuod ako ng mga movies buong araw.
One thing I really love about being a chambermaid in this hotel is the fact na hindi balasubas ang mga customer. Three-star hotel lang ito kung tutuusin pero once or twice a month lang ako maka encounter ng room na sobrang dumi o gulo kapag nag check out na sila.
Halfway ng shift ko ay pinatawag ako ng manager namin para itanong kung gusto ko mag duty bukas sa isang function. Apat na oras lang naman sana iyon at may thirty percent na dagdag kaysa sa regular na sweldo pero nanghihinayang ako sa pagpapahinga ko bukas.
Pero sa huli ay tinanggap ko pa rin. Mas sayang ang sweldo.
Alas nueve ng gabi hanggang alas sais ng umaga ang shift ko. Iilan lang kami tuwing gabi pero kasundo ko naman ang lahat ng mga katrabaho ko. Eight months pa lang ako dito pero nakapag ipon ako at nakabili na ng mga gamit ko.
Matapos ko mabayaran ang mga utang ko gamit ang pera na binigay ni Nick ay hindi na ako umuwi sa bahay. Nagpaka layo layo ako. Oo, nasaktan ako nang iwan ako ni Nick at ang pera nya pero hindi ako nahihiyang sabihin na tinanggap koi yon and it made my life better.
Gustong gusto ko malaman kung ano ang nangyari kay Jennica kaya patago na lang ako na umaaligid. Nabunutan ako ng tinik nang malaman ko na okay na sya at wala namang matinding damage.
That’s when I started looking for a job. Ayoko na maulit ang nangyari. Ginamit ko ng maayos ang natirang pera at nang magka trabaho na ako ay inilagay ko sa bangko ang natirang sampung libo para sa emergency funds ko.
Nag iisip rin naman ako na mag aral ulit. Nineteen pa lang naman ako, makakabalik naman ako sa pag aaral once na may funds na ako.
Linunok ko na lang ang guilt dahil sa tinanggap kong pera mula kay Nick.
Jennic probably felt disgusted at me the moment na nalaman nyang tinanggap ko ang pera. Pati ang parents nila na wala namang ibang pinakita sa akin kung hindi kabutihan.
I cried and had a few restless nights after that. Pero sinabi ko sa sarili ko na life must goes on.
“Pumayag ka na mag duty bukas sa function?” Si Liezl iyon. Tapos na ako mag linis ng ika limang room ko for my shift nang bumalik ako sa quarters.
Tumango ako. “Oo, sayang eh.”
“True yan ‘day! Kaya nga ako pati pangalawang function pinatos ko na din.” Inilabas nya ang compant make up nya na palaging nasa bulsa nya at tumigin sa salamin.
Tumawa ako. “Kuracha mode ka naman nyan. Wala kang pahinga. Daig mo pa may tatlong anak. Si Ate Merced nga day off kung day off.” Naiiling na sabi ko sa kanya.
“Eh jusko naman ‘day, single nga ako, yung mga kapatid ko naman sa akin naka asa lahat. Si Ate Merced naman, nagtatrabaho rin ang asawa nyan. Kaya daig ko pa talaga ang may pamilya na.” Hinawi hawi ni Liezl ang buhok nya.
Lalo akong natawa. “Eh akala ko ba naghahanap na ng trabaho yung sumunod sayo? Hindi ba at nagpadala ka pa ng pang apply nya.”
“Hayun, naligaw daw sya kaya pinang kain nya na lang at pinang inom yung pang apply. Mag padala na lang daw ako ulit.” Naiiling na sabi ni Liezl.
Napangiwi ako. “Grabe naman yan.”
“Kaya kayod para sa ekonomiya ‘day.”
Hindi ko alam kung paano nakakaya ni Liezl ang problema nya.
Well, halos nasa ganyang sitwasyon rin ako dati, mas malala pa nga. At sa awa ng Dyos, kahit na nasaktan muna ako bago ko makuha ang pera, kahit papaano ay iniisip ko na lang na meant siguro na mangyari iyon. Karma ko na rin siguro.
Hindi na ako umuwi matapos ng shift ko. Pwede naman kami matulog doon sa ganitong mga pagkakataon. Kahit malapit lang ang inuupahan ko ay medyo nanghihinayang ako sa pamasahe at sa oras ng byahe. Itutulog ko na lang.
Nagpa alarm ako para magising ako after three hours. Tamang tama na power sleep na iyon.
Before lunch ay dapat nakapag set up na. Pito kaming naka duty sa function na iyon. May dalawang function hall sa hotel at nandito kami sa pinaka malaki. Singkwenta katao daw ang invited sa event, launching ng isang product.
Bago mag alas dose ay nagsimula nang dumating ang mga tao. Si Liezl ang nasa entrance at nakatayo naman ako malapit sa buffet table para kapag may kailangan ang mga guest ay aattend agad ako.
“Ezra, dyan na ba pwesto mo? Dun ka na lang sa gilid ng stage. Ako na dito.” Siko sa akin ni Errol.
Tumawa ako. “Hindi na. Ako na dito. Mag ikot ka na muna since marami pa naman hinihintay.
“Tatabi na lang ako sayo.” Nakangisi na sabi nya.
“Sira. Bawal. Sige na.” Bahagya ko syang tinulak para umalis na sya.
Tumatawa na iiling iling na umalis sya.
Si Errol ang pinaka sikat na staff sa Crisanto Hotel at iyon ay dahil sa gwapo na nga sya ay friendly pa. At hindi rin naman sikreto na pinopormahan nya ako, pero paulit ulit ko naman sinasabi sa kanya na wala ako panahon.
Pero dahil sa pangungulit nya ay naging close kami.
Bumabati ako sa mga dumadaan na guests. May long table sa stage at apat na upuan. Patuloy ang pagdating ng mga tao. Nakaramdam ako ng pag banyo kaya nagpaalam ako sa kasama ko. Nagmamadali na lumabas ako sa function hall at nagpunta sa banyo.
Inayos ko na rin ang make up ko at patakbo na akong naglakad.
Sarado na ang pintuan sa function hall at nag aayos na si Liezl sa table.
“Start na?” Tanong ko.
Tumango si Liezl. “Maya maya pa, pero kumpleto na sila. Pasok ka na, hinahanap ka na naman ni Errol.”
“Ilang minute lang ako nawala, eh.”
Tumawa si Liezl. “Alam mo naman yun. Sige na.” Nginuso nya na pumasok na ako sa pintuan.
Kumatok ako ng mahina at bumukas ang isa sa double door. Si Errol. Sya pala ang tumoka.
“Saan ka galing?” Takang taka na tanong nya.
“Nag banyo lang, nagpaalam ako kay Elisa. Start na ba?” Luminga linga ako sa paligid nang tuluyan na akong makapasok.
“Nagriready na. Pwesto na tayo.” Sabay kaming naglakad ni Errol nang maatigil ako halfway dahil parang nalaglag ang puso ko nang makita ko si Nick na nakaupo sa isa sa apat na upuan na nasa stage.
Nanlalaki ang mga mata ko na sinigurado na si Nick iyon. Mas lalo akong hindi nakagalaw nang lumingon sya sa kinatatayuan ko at nagtama ang mga mata namin.
Gusto kong umiwas ng tingin but I just stood there. Agad na nagtagis ang mga bagang nya. His jaw tightened. He instantly recognized me amidst my shorter hair.
“Tara na!” Nakaiwas ako ng tingin kay Nick nang hilahin ako ni Errol.
“S-Sige.” Pinigilan ko na ang sarili ko na mapagawi sa stage ang tingin ko.
Tumayo na kami ni Errol sa dulo ng long table kung saan naka handa na ang buffet. Kaunting speech lang naman daw kasi at kakain na sila kaya maaga naihanda ang mga pagkain.
May nagpakilala na emcee. Dahil ka level namin ang stage ay fortunately na sa mga tao kami nakaharap. Ipinakilala nya isa isa ang mga guests, pang huli si Nick na ipinakilala as CEO ng Magnum Finances. I flinched.
The memory of the past flooded my mind. It wasn’t that long. Halos isang taon pa lang ang nakakalipas. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. I am more than grateful for Nick’s money, sya ang reason bakit buhay pa ako at patuloy na nabubuhay. Dahil sap era nya na sa masakit na paraan ko nakuha.
But there’s also longing inside of me. Kamusta na kaya ito? Although halata sa itsura nya na lalo syang naging dashing, parang gusto koi to lapitan at tanungin kung ano baa ng bago sa kanya, pati si Jennica.
Tumawa ako ng mahina. As if. Ako ang huling tao na gugustuhun nyang makita, for sure. I also remembered the way his jaw tightened a while ago when he recognized me. I am asking so much kung gusto ko makipag kamustahan sa kanya.
“May gagawin ka ba pagkatapos nito?”
Nilingon ko si Errol na bumulong sa akin.
“Uuwi at magpapahinga. Bakit?” Mukhang aayain na naman ako nito na kumain sa labas, na ni minsan ay hindi pa ako pumayag na kaming dalawa lang.
Ay tiwala ako sa kanya, pero baka kasi umasa si Errol kahit na malinaw naman ang sinabi ko na wala syang aasahan sa akin.
“Magvivideoke kami nila Liezl. Isa o dalawang oras lang, pang tanggal ng stress. Sama ka?” Lumalapit sya kapag may binubulong sya at ako naman ang lumalapit kapag sumasagot ako.
“Titingnan ko, kung hindi pa ako inaantok mamaya.” Masaya naman sila kasama, but I want to save my time.
“Sige. Sabihin mo lang agad. Sana makasama ka. Ikaw lang yata ang may hindi sintunado na boses sa amin.”
Napahagikhik ako. Hindi naman ako maririnig o mapapansin dahil bukod sa malakas ang mic ng emcee ay madilim banda sa amin.
“Hindi naman yun singing contest kaya pwede kahit sintunado.” Sabi ko na lang.
“Asus, ang humble ng bata. Oo na po. Sana makasama ka.”
Nag thumbs up na lang ako sa kanya.
Tungkol sa pera ang pinag uusapan. Financing, investment, etc. Nahihilo ako sa mga figures na hinahalimbawa nila. Apparently, mga businessmen at mga balak mag business ang mga tao na nandito.
Formal ang mga suot ng mga guests na tutok na tutok sa speaker na nasa harap ng stage.
When it was Nick’s turn to talk para mag bigay ng kaunting speech ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumingon sa stage. Swabeng swabe ang bawat kataga na lumalabas sa bibig nya.
Napalunok ako.
Umiwas ako ulit ng tingin at yumuko.
Nang matapos na syang magsalita ay ang emcee na ulit ang may hawak ng mic after a few arpund of applause para sa mga speaker. Then it was announced na pwede nang kumain.
Nakita ko na hindi pa rin tumatayo si Nick sa kinauupuan nya. Nakikipag usap ito sa mga kasama nito sa mesa na nasa stage. He’s the youngest. And the most dashing.
Maya maya ay nilapitan sila ng emcee at sabay sabay silang naglakad papunta sa back stage. Malamang na para sa kanila ang table na naka set up sa backstage.
“Ezra!”
Mula sa kung saan ay sumulpot si Liezl.
Napakurap ako. “Bakit?”
“Sumama ang tyan ni Elisa. Ikaw na muna ang pumalit sa kanya sa back stage. Nandoon na yung mga guest.”
My jaw dropped. My hands and knees started shaking.
“B-bakit ako? S-Si Errol na lang…”
Nagsalubong ang kilay ni Liezl. Malamang nagtataka bakit ako nanginginig.
“Okay ka lang ba? Ako kasi in charge as coordinator. Ayaw ako tigilan nung organizer kakatanong.”
Napalunok ako. Anong gagawin ko?
“ Sige na, Ezra. Mas hindi ka nga mapapagod doon. Apat lang naman sila.” Kibit balikat na sabi pa ni Errol.
Tiningnan ko ang saradong pinto ng back stage. Anong gagawin ko? Nandoon si Nick. Ipapahiya nya ba ako? Sisigawan?
Leizl nudged me. Napakurap ako. “Ano? Punta ka na.”
Nanginginig pa rin ako, but I told myself that this is work. Na wala akong dapat gawin o asahan. Nick might be mad at me for what happened to his sister pero alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama o hindi ko sinadya ang mga nangyari.
“Sige.”
Ngumiti at tumango si Liezl.
I started walking towards the back-stage door.
FOLLOW ME ON MY SOCIALS!
instagram.com/taleswithelle
twitter.com/taleswithelle
facebook.com/taleswithelle