FRUIT OF LOVE

346 Words
Hindi matatawaran ang kasiyahan ng mag-asawang Bernard at Rita ng malaman nilang positibong may laman na ang sinapupunan ng babae. Mahigit dalawang taon din ang kanilang hinintay mula ng sila'y makasal bago kinumpirma ng kanilang family doctor na totoong nagdadalantao na ito. Nang malaman ng kanilang mga magulang, mga kamag-anak at pati na mga kaibigan ang magandang balita ay nagdaus kaagad sila ng isang magarbong pagdiriwang para sa mag-asawa dahil madadagdagan na naman ang lahi ng mga Lopez sa kanilang angkan. Kilala ang pamilyang Lopez sa Lungsod ng Negros bilang isang pinakamayamang may-ari ng mga planta ng tubo at ang may pinakamalaking lupa sa buong probinsiya. Ang kanilang hasyenda ay napakalawak at maraming mga manggagawa ang sa kanila ay umaasa. Si Bernard Lopez ang panganay sa dalawang anak nina Don Sergio Lopez at Donya Matilde. Ang kanyang bunsong kapatid na si Rafael ay matagal ng nananatili sa US bilang isang tanyag na doktor dahil simula't sapul ay pinangarap na nitong makalayo sa kanilang lugar. Hindi lang nila inakala na sa ibayong bansa ang mararating nito sa kagustuhang makalayo sa sinasabi nitong walang ka challenge-challenge nilang lugar. Sa pag-alis nito ay napasa sa kanya ang lahat ng responsibilidad ng kumpanya lalo pa at tumatanda na ang kanyang ama. Ang napangasawa niyang si Rita Villamor ay nag-iisang anak naman ng mag-asawang Don Sébastian at Donya Freda, na isa ring hasyendera. Kung ihahambing sa yaman nila ay napakalaki ng kanilang lamang kesa sa pamilya ng asawa ngunit hindi naman kayamanan ang naging basehan ng kanilang pag-iibigan dahil tunay na mahal na mahal nila ang isa't isa at buong-pusong namang tinanggap ng bawat pamilya ang kanilang relasyon hanggang sa sila ay maikasal at bumuo ng pamilya. Hindi nga nagtagal ay dininig ng Diyos ang kanilang taimtim na panalangin at iyon ay ang biyayaan sila ng kahit man lang isang supling. Ang pagkakaroon kasi ng panibagong miyembro ng pamilya ay isang napakalaking biyaya para sa mga ito dahil narin sa paniniwala nila na ito ay kusang pinagkaloob ng Diyos upang may bagong mag-aalaga sa lahat ng pinagpaguran nilang yaman sa mundo.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD