NILIBOT ko ang paningin sa bahay pagpasok namin. Maliit lang 'yun at may isang kwarto. Parang pang couple lang na nagha-honeymoon. Natigilan ako nang maisip na para sa mga honeymooners ang bahay na 'yun. "You love me, right?" Mas natigilan pa ako sa tanong niya. Napatingin ako sa kanya na namumungay ang mga mata habang papalapit sa akin. "Ha?" Sambit ko. Nagtataka ako kung paano niya 'yun nasabi at paano niya nalaman. Masyado na bang obvious sa kilos ko kaya niya nalaman. "I heard you say habang nasa jetski tayo." Bigla kong naalala ang mga sinabi ko kanina sa jetski. Napakamot ako ng ulo na narinig niya pala ang sinabi ko. "Bakit mo narinig? Ang hina lang kaya nun." Bigla akong nagblush sa hiya. "Pinakinggan ko!" Sagot niyang namumula rin. Napasandal ako sa tokador nang lumapit pa

