"Bakit bigla ka na lang umalis noon sa car? hinanap kita nung magising ako dahil baka hindi ka pa nakakalayo pero hindi na kita nakita. Hinanap kita sa socmed pero Claire lang ang alam kong pangalan mo. Why didn't you wake me up? Bigla ka na lang umalis!" Nasa tinig niya ang nagtatampo sa akin. "Ha? Kasi....!" Natigilan ako at napaisip kung bakit nga ba ako umalis na lang noon. Ang alam ko lang kasi bigla akong nagsisi na binigay ko ang sarili ko sa lalakeng hindi ko kilala at ang masama pa ay meron akong boyfriend. "Tapos makikita na lang kita sa penthouse ko na holding hands with Wade!" Lumamlam bigla ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Umiwas na ako ng tingin sa kanya at bahagyang nilayo ang katawan kong nakadikit sa kanya. "Kaya ako umalis na lang noon dahil naisip ko siya

