Napatingin ako sa leeg kong may kiss mark habang nagpapahid ako ng makeup sa locker room ng hotel at naalala ko na naman ang pangyayari kagabi. Napaka shunga ko talaga na hinayaan ko na naman na maulit ang pangyayari noon. Nagpakalasing ako at nawala sa wisyo kaya nangyari na naman ang pagkakasala ko. Napakalabo man sa alaala ko ang pangyayari kagabi pero ramdam na ramdam ko ang lahat at ang nakakainis ay ginusto ko 'yun. Bumuntung hininga ako at pinahiran ng liquid foundation ang kiss mark ko kaso kitang kita pa rin dahil nasa bandang harapan ng leeg ko. Masyado siguro akong pinanggigilan ni Max kaya tinadtad ako ng kiss mark sa katawan. Nagising ako kaninang umaga na nakayakap siya sa akin sa kama at kagaya ng naramdaman ko noong una ay pagsisisi uli ang naramdaman ko. Umalis ako sa p

