Dire-diretso siyang naglakad patungo sa akin. Nagulat ako ng hawakan niya ko sa pulsuhan at hinila palabas ng kwarto. "Anong...!" Nasambit ko sa pagkabigla nang hawakan niya ko. Natigilan at parang natulala naman si Wade sa pagkagulat rin sa ginawa niya. "I'll show you something!" Mahinahong sabi ni Max. "Ha?" Kunot noo akong tumingin sa kanya. Napapaisip ako kung ano ang ipapakita nya na kailangan pa niya akong hilahin ng ganito. Paglabas ng kwarto ay dinala niya ko sa glass wall. "Look at the dolphins!" Sabi niyang nakatingin sa dalawang dolphin sa ibaba habang nagpapasirko sa artificial lagoon na kasinlaki rin ng swimming pool. May lalakeng nakatayo sa gilid at pinapakain rin sila. "Wow! alaga niyo?" Sabi kong hindi maalis ang tingin sa dalawang dolphins. Katamtaman lang ang mga

