INAYOS ko na ang kama, paggising ko at nagpasya ng bumaba. Maayos na ang pakiramdam ko dahil nakatulog ako ng mahaba haba. Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ang boses ni Clark. Ang aga aga bunganga niya ang naririnig ko! Natigilan ako nang makarinig pa ng isang pamilyar na tinig hanggang bumungad siya sa paningin ko na nakaupo sa couch. "Good morning!" Nakangiting bati ni Max pagbaba ko ng hagdan. Wala pang 8am. Bakit ba ang aga niyang nandito?! "Good morning, aga mo ah!" Saglit ko siyang tinapunan ng tingin. "Wala naman akong gagawin sa penthouse and sa office kaya pumunta na kami rito!" "Kami?" Pag-uulit ko sa sinabi niya. Kunot noo akong tumingin sa kanya. May kasama siya? "Ang sipag naman pala ng robot na 'to eh!" Tumatawang sabi ni Mama paglabas sa kusina kasama si Knight.

