"Mahal mauuna na ko sa'yo ha. Alam mo namang hindi tayo pwede magsabay na pumasok sa hotel dahil baka matsismis tayo. Mga marites yung mga receptionist sa front desk, si Ms. Dara ang leader nila. Sigurado pag uusapan nila tayo kung makikita tayong magkasamang dumating." Sabi ko nang maisip kung gaano ka-marites ang mga empleyado ng hotel. Ang alam ng isa ay alam na agad ng lahat kaya kailangan naming mag ingat sa aksyon namin. Siya ang may ari ng hotel samantalang OJT ako. Alam pa nilang naging boyfriend ko si Wade. Siguradong pagpi-pyestahan kami kaya para walang issue ay iiwas na lang kami. "Claire, okay lang naman kung malaman nila. Hindi naman forbidden act sa hotel ang ganito. Si Ms. Jasmine na board member, boyfriend yung bellboy, and there's no problem about that. Marami lang tsism

