AGAD kong nakita si Max at Val sa airport pagdating ko. Nasabik akong makita si Max kahit nainis akong naghintay ako hanggang gabi sa kanya. Umuwi rin ako sa bahay kagabi dahil pinacheck up ni Mama si Papa dahil sumasakit ang tyan. Nagtext ako kay Max para sabihin 'yun at sinabi ko pang pumunta siya sa bahay namin pag uwi niya pero hindi naman siya dumating. Wala rin siyang text kaya nag alala rin ako hanggang makatulugan ko na lang ang paghihintay sa kanya. Paggising ko kanina nabasa ko ang message niya na na-lowbatt ang cellphone niya kaya hindi niya nabasa ang message ko. Lasing din siya kaya natulog na lang raw siya pag uwi niya at nabasa lang ang message ko nang magising at maicharge ang cellphone. Ngumiti siya sa akin nang makita ako kaya nginitian ko na rin siya. "Hi girls!" Bati

