THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 36 Third-person’s Point Of View Nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Pakiramdam niya’y napawi lahat ng pagod na nadarama. He wanted to hugged her tight, but this isn’t the right time. Panaka-naka lang siyang nakatingin dito’t pinag-aaralan ang mukha ng babaeng kaniyang kaharap. Walang kaduda-duda na kamukhang kamukha nito ang kaniyang Ina at ang mga mata nito’y kakulay na kakulay ng sa kaniya. “My future daughter in law is beautiful, right?” tanong ng kaibigan, sakay na sila ng kotse nito at ito ang nagmamaneho. Hindi siya sumagot. Hanggang ngayo’y tumatakbo pa rin sa isipan niya ang mukha ng dalaga. Kay tagal niya itong hinahanap. Araw araw ay nananalangin sila na balang araw makita nila ito. And finally, they found her, but he wasn’t sure yet.

