THE BILLIONAIRE'S DOWNFALL CHAPTER 67 Third-personʼs Point Of View Kung mayroon lang siyang pagkakataon na ibalik ang panahon ngayon, babalik siya kahit ilang segundo, minuto, o oras lang. Gusto niyang balikan iyong araw at oras na pinagsisisihan niya. The time where he met them – those people who ruined his life. Pero hindi. Papaano? Malabo! Walang time machine sa panahon ngayon. Kung mayroon man, papaano niya iyon magagamit kung walang-wala siya. Dahil panigurado na kapag may time machine na sa panahon ngayon, may babayaran siya para magamit lang iyon. People will never let you used their things without paying back. Nothing in this world is free. Dilat na ang kaniyang mga mata. Masakit ang likod ngunit tinitiis niya, dalawang taon na rin niya itong tinitiis. Wala siyang magawa. Pa

