SIMULA

1133 Words
THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL – SIMULA LUNA’S POINT OF VIEW “HOY! SASAKAY KA BA?!” sigaw ko sa babaeng kanina pa nakatingin sa loob ng jeep na nakaparada rito habang hawak nito ang kaniyang cell phone sa kaliwang kamay. “KUNG SASAKAY KA, ANO PANG HINIHINTAY MO! SAKAY NA!” “Kakasya pa po ba ako?” tanong niya. Tumawa ako at hinila ang kaniyang braso at pinagtulakan papasok sa loob ng jeep. “Ayan, kasya ka na! LARGA NA!” sigaw ko pa at pinukpok ng malakas ang jeep. Umandar na ito agad na umalis. Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang putting bimpo na nasa aking balikat at saka tinanggal ang sumbrero sa ulo ko upang gamitin itong pamaypay sa sarili. Araw-araw, ganito palagi ang scenario sa buhay ko. Sa lansangan kung saan ako naninirahan, kasama ko ang mga katulad kong pulubi na wala ng matirhan pa. Kami iyong mga taong kinalimutan na ng gobyerno pero hindi naman namin iniaasa sa kanila na gawin nilang maganda ang buhay namin. Huwag lang din nilang asahan na iboboto ko sila sa darating na eleksiyon. “Oh, magtubig ka muna.” Lumingon ako rito at nakita ang isa sa kasamahan kong barter dito sa may terminal ng mga jeep. Kinuha ko ang iniabot nitong supot na may lamang malamig na tubig. “Wala bang soft drinks?” tanong ko habang iniinom ang tubig ngunit masamang titig lang ang nakuha kong sagot sa kaniya. “Kakarampot na nga lang ang kinikita natin dito, maghahanap ka pa ng soft drinks? Bumili ka kung gusot mo!” dadag pa nito at tinalikuran na ako. “Nagbibiro lang, eh.” Ngunit hindi na nito narinig pa ang sinabi ko. Simula pagkabata ay sa lansangan na ako nakatira, natutong mamuhay na kailangan pang kumayod muna upang may agahan, pananghalian, at hapunan. Minsan pa nga’y wala pang makain sa umaga at tanghali. Mahirap ang buhay pero habang nabubuhay tayo rito sa mundo, kailangan nating magpatuloy. Naniniwala kasi akong balang araw ay may darating na maganda sa buhay ko. “Kung ano-ano na naman siguro ang pumapasok sa isipan mo, Buwan.” Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Tikboy, isa sa mga kasama kong namumuhay sa lansangan. “May raket ka na naman ba?” Tiningnan ko siya at pinaningkitan ng mga mata. Mukha siyang drug addict dahil sa sobrang payat niya at sa isang tingin pa lang ay hindi na talaga siya mapagkakatiwalaan. “Wala, eh. Mayroon ka bang alam?” Bigla siyang napaisip at may inilabas na papel sa kaniyang bulsa. Iniabot niya ito sa akin kaya agad kong tiningnan ang nakasulat. Isa itong pinunit na papel na galing sa parte ng diyaryo. May nakasulat na bagong balita rito kung saan may gaganapin na launching sa isang malapit na hotel. Isa sa mga pumukaw sa atensiyon ko'y ang kwintas na may mga diyamante. “Ano raw sabi?” tanong ni Tikboy. Kaya iniangat ko ang tingin sa kaniya. Ipinaliwanag ko kung ano ang nakasulat sa papel dahil alam ko namang hindi niya ito nababasa. Sa aming lahat na nasa lansangan, ako lang ang tanging nagkaroon ng pagkakataon na makapasok sa eskuwela hanggang elementarya lang naman dahil iyon lang ang kaya ng mga kinilala kong mga magulang. Pero kahit ganoon ay nagpapasalamat ako dahil may kakaunti akong alam lalong-lalo na sa pagbabasa. “Ano, game ka ba?” tanong ko habang may ngisi sa aking labi. Hindi na maitago ang excitement at kaba na nararamdaman ko. Alam kong delikado ito ngunit ito lang ang tanging paraan para magkaroon ng malaki-laking kita. Sa lansangan, kung hindi ka gagawa ng paraan para magkaroon ng pera ay mamamatay ka. Para kang nasa isang laro na kailangan mong makipaglaro sa iba para maka-survive ka. Kaya isa sa mga paraan namin upang magkaroon ng pera, bukod sa pagiging isang barter sa terminal, ay ang manloko at magnakaw. Alam kong bawal ito sa batas at kung mahuhuli kami ay sa kulungan ang bagsak naming lahat. Ngunit maingat kami sa lahat ng bagay, lahat ng ginagawa namin ay pinagpaplanuhan namin. At isa pa, ito lang din ang alam kong mabilis na paraan para kumita. Ayaw ko namang magbenta ng laman o maging isang bayarang babae dahil tandang-tanda ko ang sinabi ni momma na huwag na huwag kong gagamitin ang katawan ko para lang magkapera. “GAME!” Napangisi ako nang marinig ko ang sagot ni Tikboy. Nakipag-apir pa ako rito at saka inabala ang sarili sa pagkain. - Gabi na at nasa may hideout kami, sa ilalim ng tulay kung saan kami nagkikita ng mg kasamahan kong sindikato. Lahat kami ay sa lansangan nakatira at lahat kami ay masasama. Dahil lahat kami ay gagawin ang lahat para lang kumita ng pera. “Sino ang papasok sa loob?” tanong ng lider namin, Carding. Siya ang pinakamatanda sa amin at siya rin ang bumuo sa grupo namin na may sampong miyembro. Ako lang ang tanging babae sa kanila. “Sino pa bang magaling magpanggap sa ating lahat kundi ang nag-iisang Luna?” Lahat sila’y napatingin sa puwesto ko, maging si Carding na mukhang sang-ayon din sa gusto ng lahat. “Ano ba ang plano?” tanong ko na naging dahilan ng kanilang sigawan at ilang sandali ay nagsimula na kaming magplano. Simple naman ang gagawin, papasok ako bilang isang bisita sa loob habang ang iba sa amin ay waiter. Maglilibot kami sa lugar upang maghanap ng mga bagay na puwede naming nakawin. At kapag nagkaroo ng tiyempo ay papatayin ang ilaw at doon magsisimula ang nakawan. Planado ang lahat, detalyadong-detalyado ang bawat gagawin ng isa sa amin. Kailangan lang naming gawin ay ang tamang tiyempo sa lahat ng bagay at kung magka-aberya man ay palagi kaming Plan B. Lahat kami ay matutulog na kabisado ang gagawin. Bukas na bukas ay pupuntahan namin ang lugar upang tingnan ang kabuuan nito. Bago namin sisimulan ang plano. Nang matapos kaming lahat sa pag-uusap ay agad akong pumunta sa isang lugar kung saan ako nagpapahinga, isa itong abandonadong building malapit sa isang construction site. Kung hindi dahil sa iilang ilaw na tumatama rito ay sobrang dilim nitong lugar ngunit nakatulong ang malalapit na buildings para magkaroon ng kahit papaano'y liwanag dito. Pagdating ko'y dumiretso ako sa rooftop ng building at naupo sa isang nakatakip na drum habang nakatingin sa syudad. May iba't ibang ilaw na nagbibigay liwanag sa buong lugar. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang kaibahan ng lahat. Nagtataasang building habang sa ibaba ay wala na halos makain. Ganito ba talaga ang buhay? Hindi na ba magbabago? Hindi ba puwedeng lahat ay pantay-pantay, walang nagugutom at walang naghihirap? "Momma, gagawin ko po ang lahat matupad ko lang ang ipinangako ko sa 'yo noon. Aalis ako sa lugar na ito at magbabago," bulong ko sa hangin habang nakatingin sa kalangitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD