THE BILLIONAIRE'S DOWNFALL CHAPTER 69 Third-personʼs Point Of View Mabilis siyang umalis sa lugar na iyon nang makita niya ito. No matter how many years has been passed, he couldn't forget her face. Siya ang dahilan kung bakit nangyayari ngayon ito sa kaniya. Kung hindi sana niya ito nakilala. Hanggang ngayon, malaki pa rin ang galit niya rito. Hanggang ngayon, kinamumuhian pa rin niya ito. Kung mayroon lang siyang lakas ngayon para ipakulong silang lahat, matagal na sana niya iyong ginawa. Ayaw niya itong makita, dahilan kaya siya umalis. Nagpapasalamat na lang siya dahil mahaba ang buhok niya, madungis ang mukha niya't mahaba rin ang balbals niya. Sa tingin niya'y hindi siya nito nakilala. Ngunit bakit ganoon siya nito tingnan kanina? Umiling siya. Malabo! Imposibleng makikilala

