THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 56 Luna’s Point Of View “Ikaw at ako na lang ang hinahanap nila…” Hanggang sa makauwi ako ng bahay ni Sir Khalil, ‘di nawala sa isipan ko ang mga sinabing iyon ni Jerome. Kami na lang ba talagang dalawa ang natitira? Nagsasabi ba talaga si Jerome ng totoo? Hindi ko alam! Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya o hindi. Isa pang gumugulo sa isipan ko’y nang malaman ko ang resulta kanina sa clinic. Ayaw kong maniwala pero Doctor na mismo ang nagsabi sa akin. Dumaan ako sa proseso at buntis ako, ayon sa lumabas na resulta. Ang hirap paniwalaan. Buntis ako’t si Khalil ang ama nitong dinadala ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipaalam kay Khalil. ‘Pag sinabi ko bang ako ang nagnakaw ng mga mamahaling gamit niya at buntis ako’t siya ang ama, mawawala

