THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 31 Luna’s Point Of View Kahit kailan ay magulo talaga ang lalaking ‘yon. Pagkatapos ako nitong pagalitan dahil na-late ako at muntik pa akong patayin dahil lang sa sinabi ko. Ngayo’y magyayaya ng dinner sa labas? Hindi ko alam kung ano’ng tumatakbo sa kokote niya. At sino ba naman ako para tumanggi? Pagkatapos kong magbabad sa swimming pool ay agad akong umakyat sa aking kuwarto. Nagbanlaw lang ako’t sinuot na rin ang puting roba na nakalagay sa cabinet dito sa banyo. Lumabas ako pagkatapos at saka binuksan ang malaki’t mataas na cabinet dito sa loob. Tiningnan ko ang mga damit na naka-hanger; lahat ng ito’y bago pa. Dahil hindi ko naman talaga sila sinusuot, maliban sa mga underwear. Mas gusto kong suotin iyong maong na pantaloon at saka isang plain

