Arci P.O.V
hindi ko namalayan na almost 2 weeks na akong nag luluksa..
yes para akong namatayan..
puro iyak,tulog,iyak at tulog lang yung ginagawa ko..
hindi na ako kumakain dahil hindi ko talaga nararamdaman yung gutom ni hindi na nga rin ako naliligo..pag inom lang ng tubig at alak yung ginagawa ko..nag aalala na sakin yung magulang ko..
ewan ko ba kahit sinasabi na nila sa akin na baka magka sakit ako pag hindi kumain parang wala na akong pake alam.. kahit mamatay na ako ok lang din sakin wala na akong pake..Mas OK na siguro yun para matapos na Tong pag hihirap ko...
anak gising..
may naririnig akong nag sasalita..
si mama..
anak gumising ka please...
humahagulgul na si mama..
di ko maintindihan kung bakit siya umiiyak at tinatawag ako..
gusto kung sumagot at sabihing
"ok lang ako ma" pero di ako makapag salita. ramdam kong di ko maibuka yung bibig ko..gusto kong imulat yung mata ko pero hindi ko rin ito mamulat..
anak.....
umiiyak na ng umiiyak si mama hanggang sa narinig ko na rin ang boses ni Daddy natatarantang tumatawag ng ambulansya..
mamamatay na ba ako?
patay na ba ako?
bigla akong nagising na nasa isang kwarto...
nasa hospital ako..
ang Sama ng pakiramdam ko..
si mama at nasa tabi ko hawag yung isa kong kamay habang mahimbing na natutulog ng naka upo si Daddy naman nasa sofa tulog din.. ang Sama kong anak..sarili ko lang iniisip ko hindi ko na isip Yung mga magulang ko na nag aalala sa akin..
hinaplos ko dahan dahan yung buhok ng mama ko at bigla siya nagising...
oh..buti naman anak gising ka na..
sabi ko sayo eh pwede kang magka sakit sa ginagawa mo sa sarili mo..tingnan mo nangyare sayo ngayon..jusko naman anak papatayin mo kami sa nerbiyos ng Daddy mo.. buti na lang pumasok ako sa kwarto mo baka kung na Late pa ako ng dating baka nawala ka na talaga samin ng Daddy mo..anak naman wag mo naman pabayaan yung sarili mo please...
please naman anak magpaka tatag ka makaka hanap ka rin ng ibang pwede mong mahalin jan wag lang yang bwisit na lalaking yan ang isipin mo isipin mo din kami ng mama mo..
biglang sabat ni papa na maluha luha..
sorry po ma,dad sarili ko lang inisip ko..napaka maka sarili ko..sorry po talaga di na maulit..
niyakap ko ng mahigpit ang mga magulang ko..napaka tanga ko..hindi ko naisip na nasasaktan na nga yung mga magulang ko sa mga nangyayaring kamalasan sa buhay ko, pinapa bayaan ko pa ang sarili ko..
pipilitin kong bumangon muli para sa mga magulang ko..
halos 1 linggo na akong nandito sa hospital sobrang naiinip na ko..feeling ko naman malakas na ako..gusto ko ng umuwe..
nag lakad lakad muna ako palabas ng Building ng hospital..gusto kong magpa hangin..
aray!!
Naka simangot kong tingin sa naka bangga sa akin..
sorry miss nag mama dali kasi ako eh..
sagot ng lalaking naka bangga sa akin..
ok ka lang ba? nasaktan ka ba?
natataranta niyang tanong..
ok lang ako..sige na umalis ka na..
sorry talaga ha..
tumango at ngumiti na lamang ako sa kanya para maka alis na siya..
ngumiti rin siya habang patakbo na umaalis..
Ano kayang meron?
bat kaya nag magmadali siya?
sana wala namang patay nuh..
jusko wag naman po sana..
usap ko sa sarili ko habang nag lalakad papunta sa garden ng hospital.
aaahhhh.... ang sarap gumalaw sa malawak na lugar..na miss ko to.. parang ang tagal kong naka kulong..
umupo ako sa isang bench habang pinapanood ang mga matatandang nag lalakad...
naisip ko bigla yung mgaagulang ko..konting panahon na lang yung nalalabi sa buhay nila pinapa bigat ko pa yung nararamdaman nila..ang Sama kong anak..
biglang may tumulo na namang mga luha galing sa mga mata ko..
kakalimutan na kitang hinayupak ka..panira ka ng buhay..hindi ko alam kong bakit ba ko nag tiis sayo ng matagal samantalang ilang beses mo na akong niloko.. maka hanap ka sana ng katapat mong tarantado ka...
naka yuko kong sambit sa mga salitang gusto kong sabihin sa harap niya habang umiiyak..
umiiyak ka nanaman gf...
biglang may nagsalita sa likod ko..
si Donnalyn ang gf ko..
kamusta ka na? ay..bat ko ba tinanong eh oviuse naman na hindi ka pa ok...gf naman eh..ang payat payat mo na oh..Para ka ng buntot balat..Yung mukha mo lubug na Yung pisngi mo...ano ba yan gf eh... pa galing kana miss na kita eh...please....
Oo na mag papa galing na po talaga ako...
Wag mo nang isipin yung taeng yun ha..
anong Tae? kadiri ka gf pinag sasa sabi mo baka may maka rinig sayo sabihin ka babaeng tao ang panget ng lumalabas sa bibig ahahaha..ang baho naman ng tawag mo sa kanya..
oh diba napa tawa kita?
kahit tawagin ko pang tubul yung hinayupang na yun mapatawa lang kita eh wala akong pakealam sa sasabihin ng iba pake ko ba sa kanila wala naman silang ambag sa buhay ko..
ai...ano ba ambag ko sa buhay mo?
tamod... anak mo ko diba gf?
hoy kadiri ka gf yung bibig mo kung ano anong lumalabas...eiiiwwww...
ahahaha ok lang yan maganda naman ako eh..
luh san banda??
luh..magka mukha kaya tayo kaya maganda ako nuh...
san banda ako lang ang magand di ka kasale..
edi wow..
ahahaha Naka nguso na ang gf ko sarap talaga netong asarin ang bilis mapikon eh..
Tara na sa room ko..
ok Tara na..
sabay abot ng kamay niya...
holding hands while wolking ahahaha
oh..
Napa tingin ako sa lalaking naka upo sa isang upuan sa tapat ng katabi kong room..naka yuku siya..
nilapitan ko..
kamusta?
naka ngiti kong tanong
ok lang...
omg.....
biglang Napa lingon ako kay Donna na nasa likod ko parang naka kita ng multo...
Ano ba yun?
tanong ko sa kanya pero parang wala siyang narinig at automatikong dumeretso sa lalaking kausap ko..
Kaye Cal??
sambit niya
tumango lamang ang lalake..
Ahhhhhhhh...
nagulat ako at ang mga taong dumadaan sa pasilyo ng hospital..
omg pa picture naman at pa autograph please..
ha? sino ba tong kausap niya artista ba to at may picture at autograph pa tong gf kong nalalaman..
ah sige..
gf Picturan mo kami daliiii...
parang naiihi sa kiling tong gf ko habang inaabot sakin yung phone niya..
ok..1,2,3 click*
isa pa gf isa na lang daliiii
ok..1,2,3 click*
wait wait autograph pa kuha lang akong papel sa rool ng gf ko wait lang ha..
sabay takbo ng gf ko sa rool ko at nag hagilap ng papel at ballpen..
ok lang ba?
tanong ko sa lalaking kaharap ko..
ok lang..
naka ngiti niyang tugon..
ang pogi niya naman..artista nga siguro to..
sino palang dinadalaw mo dito? kamag anak mo?
bigla kong tanong sa kanya
hindi isa sa mga masugid kong taga hanga..
wow! ang Taray naman dinadalaw niya yung fans niya na may sakit.. ang baeeeetttt..
anong sakit niya??
Cancer.
maikli niyang sagot..
ikaw anong sakit mo?
sakin sa puso.
sabi ko
eto na ang papel at ballpen....
pa takbong sulpot ni Donna palabas ng kwarto ko at sabay abot ng papel at ballpen..
Thank you..
sabay tawag naman sa kanya ng Doctor na nasa loob ng kwarto ng dinadalaw niya..
bye...
pag papa alam namin.
bye..pa galing ka
sabi niya at pumasok na sa kwarto ng dinadalaw niya.
pag pasok namin ng kwarto ko..
waaaahhhhhh
sigaw ni Donna
Ano ba gf wag ka nga maingay baka pagalitan tayo ng mga nurse hindi sounds proof tong kwarto ko nuh..
i don't care gf..kinikilig ako eh..