Lovely's POV
I'm here at the mall now. Hehehehe sinusundan ko kasi si kuya. Ewan ko ba dyan kasi.
Narinig ko kasi siya kanina na parang galit tapos may kausap sa phone.
*FLASHBACK*
Pababa na sa ako sa kusina ng marinig ko si kuya sa may bandang pintuan parang may kausap?
Lumapit ako nang konti para marinig yung sinasabi niya. Sino kaya 'to? Hmm.
"Fvck you. Wag niyo siya gagalawin. Ako makakalaban niyo." Sigaw niya. Ha? Sino kaya? Girlfriend kaya niya yun? Hihihi gusto ko siyang makilalaaaaaaa.
"Damn. Fine, fine. I'll do what you've said. Just don't hurt her." Her? So babae nga? Hehehehe i'm so exciteeeeeed. Sana pakilala siya sakin ni kuya. Hihihi
Pero wait? Galawin? What did he mean by galawin thingy?
"Damn. I said fvck off. I'll be there in a minute. Don't hurt her!" Natigil ako sa pag mumuni muni ng marinig ko yun kay kuya.
Nag tago ako sa may paso, para hindi ako makita ni kuya. Halaaaaa? San pupunta yun?
Dali dali akong lumabas mula sa pinag tataguan ko at kumuha nang blazer sa kwarto. Susundan ko si kuya. Hehehehehe para makita ko jowa niya.
*END OF FLASHBACK*
Kaya nandito ako sa mall. Dito kasi nag punta si kuya. Idedate niya ba yung jowa niya? Halaaaaaa. Dapat hindi niya ako makitaaaa.
Pero wait. Lalaki yung kausap niya?
Lumapit ako nang konti para marinig ko yung pinag uusapan nila. Pero syempre nag tago ako. Hehehehehe mahirap na, baka makita ako ni kuya e. Papagalitan nanaman ako non.
Bumili din pala ako ng cap kanina tapos ng salamin. Ayo'ko naman gamitin yung salamin at cap ko don sa bahay kasi makikilala talaga ako ni kuya don. Hehehehe kaya here, i'm wearing my new glass and cap.
Nag tago ako sa nag bebenta ng shake dito sa mall para marinig yung pinag uusapan nila kuya.
"Miss bibili ka ba?" Ano kaya pinag uusapan nila 'no? Pareho silang hindi umiimik. What the hell?
"Miss? Bibili ka ba?" Naputol yung pag iisip ko sa pinag uusapan nila kuya ng marinig ko yung lalaking nag tanong?
Baka paalisin ako dito neto pag hindi ako bumili. Nakikitambay pa naman ako.
"Yes, 1 large please." Sabi ko. Nakatalikod na ako kila kuya ngayon.
"Where the hell is she?" At sa wakas, nag salita na din si kuya. Sino kaya yung hinahanap niya sa lalaki 'no? Hehehehehehe well, i'll find out.
"Ops, too fast, Rion." What the fv—- okay, okay. Bakit surname tawag niya kay kuya? Haller, he has a name.
"Where's the five million? Give me the money, and i'll give her to you" what? Five million?
"Here, keep it. Now, where is she?" Damn. Who's that freaking girl? Bakit kailangang gumastos ni kuya ng five million para lang sa babaeng yan?
"Miss, here's your order. Kanina ka pa tulala." Sabi nung lalaki. Aba, wala siyang pake. Nakikinig ako sa usapan nila e.
Binayaran ko nalang yung shake ko saka ako humigop. I still can't belive na kayang gumastos ni kuya ng 5M para lang sa isang babae? At sino yun?
"Nasa Sitio Glave siya." Sabi nung lalaki sabay alis.
Wth is happening?
***
Hindi ko na sinundan si kuya papuntang Sitio Glave, umuwi na ako agad.
Hindi pa rin ako makapaniwalang gumastos si kuya nang ganon kalaki para sa babaeng yon. Kung dati gusto ko siyang makilala, ngayon prang ayaw ko na. I don't even know what's happening on earth. Crap!
Pag dating ko sa bahay dumeretso agad ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.
I still don't get it.
Sino ba talaga yung babaeng yon? Bakit kailangan gumastos ni kuya ng ganon kalaki? Yeah, i know na makulit ako. Nakailang tanong na din ako. Pero wtf lang diba? Hindi naman porket mayaman kami, sasayangin nalang niya nang ganon ganon nalang yung pera namin.
Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko, hanggang sa makaramdam na ako ng antok.