Nerd 7

1365 Words
Queen Sky POV Maaga akong pumasok ngayon at kasabay ko ang pinsan ko. Doon na din siya nakatira sa mansyon ko dahil nakakabagot na daw sa condo ko. Habang si grandma ay bumalik muna sa Canada yung mga my so called parents naman ay nasa bahay na nila. Pagpasok ko ng room ay hinanap agad ng magandang mata ko ay si cold nerd. Pero wala man lang ako nasilayan na nerd sa room kundi mga malalanding stupidyante lang . Nang makaupo na ako ay biglang bumulong sa akin ang pinsan ko. "Hinahanap hanap kita"pakantang sabi nito sa akin. "Baliw"sabi ko dito sabay bato ng tissue pero ang loka loka naiwasan agad. "Hi Empress, Hi Jill"biglang sabi ni pinsan at namula pa ito. "Hi Hon and Hi Queen"nakangiting bati nung pinsan ni cold nerd. "Hello"medyo nahihiyang bati ko dito dahil sa pagsuntok na ginawa ko dito nung time na nagselos ako. Umupo naman sa tabi ko si cold nerd at yung pinsan niya ay sa tabi ng pinsan ko. Nakita ko naman na parang kinikilig ang pinsan ko sa pagtabi ni Jill ata yun dahil yun ang narinig ko. Ring ! Ring ! Ring ! Nagbell na agad at nagsipasukan na din ang iba pang mga kaklase namin dahil dadating na ang prof namin. Kompleto na ang lahat doon na din pumasok ang prof namin sa filipino. "Magandang umaga"masayang sabi nito sa amin . Nang sasagot na sana kami ay biglang may pumasok at nakita kong si tita ito. "Mrs. Espirito sorry to disturb your class but i have some announcement to make"rinig namin na sabi ni tita dito. "Ayos lang po maam"sabi nito sabay paalam kay tita at nakita ko naman na ngumiti ito. "Okay class i have special announcement to make this morning"umpisa na sabi nito at ng sisimula na nito sabihin ay bigla akong tumayo . "Ano nanaman ito tita?"naiinis na sabi ko dito. "Oh hi mga mahal kong pamangkin"nakangiting bati nito sa akin. "Hi too tita"nakataray na bati ni Sunny dito. "Bakit ka nandito"naiinis na sabi ko dito. "Ehem"kunwaring ubo ni cold nerd at napatingin naman kami sa kanya ni Sunny. "Upo muna kayo baka may importanteng sasabihin lang ang principal"sabi naman nung pinsan ni cold nerd. Kahit labag sa loob namin ay umupo na ako pero nagulat ako biglang hawakan ni cold nerd ang kamay ko. May naramdaman nanaman akong sparks at yung heartbear ko ang bilis ng t***k nito. "Kaya ako nandito ay para ibalika sa inyo na malapit na ang school festival meaning may ibang magaganap dito"pag uumpisa nito. "Ano pong ibang magaganap?"tanong ng isang classmate namin na mukhang clown dahil sa sobrang kapal ng harina. "May makakalaban kayong ibang school at iyon ay ang sumunod sa school natin na magaling sa larangan ng sports" "What?"sigaw ko dito na nanggagaliiti. "Sorry pero ang mga magulang mo ang nagsabi nitong pagbabago"nakayukong sabi nito may kung ano ako naramdaman na galit . Wala silang karapatan pakialaman ang school ko sariling pera at pagod ko ang puhunan ko para magkaroon ako ng sariling business. "Bes"nanginginig na tawag sakin ni Sunny at tinignan ko ito ng masama at bigla itong nag iwas. "Get out all of you"galit kong sabi sa kanila sabay hagis ng upuan ko at nagmadali naman silang lumabas maliban sa mga katabi kong nakatingin lang sa akin. "Di ba sabi ko lumabas kayong lahat?"galit na sigaw ko sa kanila. Tumayo naman agad yung dalawa at nagmadaling lumabas habang si cold nerd at prenteng nakaupo lang at nakatingin sa akin. Hindi ko na siya pinansin at sinimulan ko ng sirain ang mga upuan . Galit at hinagpis ang nararamdaman ko . Anong karapatan nilang pakialaman ang school ko ako ang nagpagawa nito at hindi ko ginamit ang pera nila kaya wala silang karapatan na baguhin ang gaganapin sa school festival ko. "Here"biglang abot sakin ng isang malamig na tubig ni cold nerd. "Thank you"nahihiyang sabi ko dito at nakaramdam naman agad ako ng pagod na dahil halos wasakin ko na ang room namin. Magpapalit nanaman ako ng bagong mga gamit dito sayang nanaman sa pera pero ayos lang marami naman na ako nun. Hindi ko alam kusa na lang ako napaupo sa sahig at naramdaman kong may tubig na pumatak sa mga mata ko. "Shh tahan na Sky"pag aalo sa akin ni cold nerd. Bigla na lang ako yumakap dito at mahinang umiyak sa balikat nito. "Rain ang sakit sakit na bakit nila pinakikialaman ang school ko sariling pagod at pagpupuyat ang ginawa ko para lang mapatayo ang school ko na ito . Yung mga magulang ko ginawa lang nila sa buhay nila ay magpayaman ng magpayaman at lagi nilang dahil para daw yun sa future ko at para hindi ako maghirap. Sa totoo lang ayaw ko ng pera gusto ko lang isang pagmamahal at pag aaruga ng mga magulang pero pinagkait nila sa akin iyon"naiiyak na sabi ko pa rin dito. "Rain please don't leave me"naiiyak na sabi ko dito. ----- Empress Rain POV "Rain please don't leave me"naiiyak na sabi nito sa akin sabay yakap ulit. "Yes Sky hindi kita iwan"sincere na sabi ko dito at hindi ko alam bigla ko itong hinalikan sa labi at tumugon naman agad ito sa paghalik ko. "Rain"rinig kong ungol nito at hindi ko alam bigla akong napangiti dahil doon at mas ginanahan ako dahil doon . Pinutol ko agad ang halikan namin dahil baka kung saan pa mapunta mahirap na at nasa school pa kami. "Sky labas na tayo, palit ka ng damit ang baho mo na"pang aasar ko dito at bigla akong natawa dahil bigla itong nagpout. "Ang bad mo Rain"nakapout pa rin nitong sabi sakin at bigla itong yumakap sakin. "Karga mo ako"namumulang sabi pa nito ulit at napangiti naman ako dahil doon. "Okay buti na lang ang gaan mo"nakangiting sabi ko dito sabay karga sa kanya kayo na magimagine kung paanong karga. Paglabas namin ay pinagtitinginan kami ng mga tao at nagbubulungan na rinig mo naman. "Omg bakit karga nung nerd na yun si Queen" "Eww anong karapatan ni nerd hawakan ang Queen natin" "Humanda sakin ang nerd na yan sa pag kargang ginawa niya kay Queen". "Kainggit si nerd buti pa siya nahawakan na niya si Queen" Mga walang kwentang bulungan nila . Papunta na kaming parking lot ng mapansin kong tulog na pala si Sky at napagdisyon kong dalhin na lang siya sa apartment ko na malapit sa school na ito. Dahil bike lang dala ko at tinawagan ko sila Cherry para sumama na din sila at doon na lang kami maglunch. Makukuha ko na sana sa bulsa ko yung phone ko ng biglang yumakap lalo sa akin si Sky at nararamdaman kong parang hinahalikan ang leeg ko. Nanginginig naman ako dahil sa ginagawa nito. Nakuha ko agad ang phone ko ay dinial ko agad ang number nun. Ring ! Ring ! Ring ! "Hello cousin"hyper na sagot nito sa kabilang linya. "Where are you"cold kong tanong dito. "Sa school garden why?"takang tanong nito narinig ko pa ang boses ni princess sunny. "Puntahan niyo agad ako sa parking lot ngayon na"cold kong sabi dito sabay baba ng phone ko. "Hmm ang bango bango naman Rain"sabi ni Sky na parang nanaginip at nagulat ako biglang parang sinisipsip nito ang leeg ko at biglang nakatulog ulit ito . Anong ginawa niya sa leeg ko puno ng laway niya pasalamat siya special siya sa akin kundi binugbog ko na ito. "Empress"sigaw ng dalawang babae sa akin at alam kong kilala niyo kung sino ito. "Cousin bakit mo karga yan?"tanong nito sa akin. "Wala kana doon"naiinis na sabi ko . "Okay okay . Ano kailangan mo?"tanong nito ulit. "Hatid mo kami sa apartment ko at doon na tayong apat maglunch"cold kong sabi dito sabay lakad na sa car nito. Pagkapasok namin ay inayos ko ng pagkakahiga buti na lang nasa back seat kami at nagulat ako biglang humarap sa akin si Princess sabay sabi ng "Nice hickey by the way"natatawang sabi nito at tumawa din si cousin sa akin. "WHAT?"tanging nasabi ko na lang. Kakaibang babae talaga nito lagyan ba naman ako ng mga pula sa leeg ko. Pero napangiti din ako ng wala sa oras dahil doon sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD