Nerd 2

1268 Words
Empress Rain POV Maaga ako gumising ngayon at pagtingin ko sa wall clock ko ay 5:45 am na ng umaga agad naman ako nagpalit ng damit ko at nagpalit ako ng sports shorts at tube lang . Agad naman ako bumaba ng secret gym ko dito sa baba ng kwarto ko. Lagi ako nagtrain para sa hindi mawala ang lakas ng katawan . Ilang oras din na pala ang tinagal ko dito at tinignan ko kung anong oras na at napansin kong 6:45 na pala agad naman ako umakyat sa taas ng room ko. Naghubad ako ng walang pakialam sa mundo dahil wala naman pumapasok sa room ko dahil pinagbawal ko ang mga maid namin dito at isa lang ang hinahayaan ko pumasok dito walang iba kundi ang butler kong si Jhon. Pagkapasok ko ay binuksan ko ang shower at hindi ko ininda ang lamig dahil sanay naman na ang katawan ko. Tok ! Tok ! Tok ! "Young lady inihanda ko na ang mga damit na susuotin mo"sabi sakin ni Butler Jhon . "Ok"cold kong sabi dito sabay patay ng shower at balot sa katawan ko. Pagkalabas ko ay nakita kong nakatayo si butler Jhon sa harap ng pinto ng cr ko. "Young lady naka ayos na po ang lahat"nakayukong sabi nito sakin. "Hmm lahat lahat? Sige you may go"uto ko na lang dito at hindi ko na hinintay pa na sagutin nito ang tanong ko dahil obvious naman. Agad kong sinuot ang nerdy glasses ko at ang malaking tshirt at leggings na pinabili ko. Humarap ako sa salamin at nakita ko ang nasa harap nito ay ang babaeng cold ang na walang buhay ang mga mata . Agad ko naman inalis ang tingin ko sa salamin . Sabi dati ng lolo ko kung sino man ang makakakita ng totoo kulay ng mata ko ay siya ang taong para sakin talaga. Pero iniisip ko na mukhang hindi rin totoo dahil 19 years na akong nag eexist sa mundo pero wala pa din nakakakita ng totoong kulay ng mga mata ko. "Young lady malapit na po magsimula ang first day of school mo sa Lyver University"biglang sabi ni butler jhon. "Nasearch mo ba na kung sino ang may ari nun?"cold kong tanong dito. "Yes young lady and for sure na medyo magugulat kayo kung sino ang may ari nun"nakangiting sabi nito sa akin. "Wag mo na sabihin kung sino dahil halata naman kung kanino pangalan pa lang halata na"cold kong sabi dito at nakita ko naman natigilan ito saglit. "Sige po young lady lalabas na po ako"sabi nito sabay yuko sakin at labas ng room ko. Lyver ha? Hmm let see Lyver University ang pamilyang nagmamay ari nito ay ang isang pinagkakatiwalaan talaga ng pamilya ko. Dahil bata palang sila ay magkakaibigan na sila. Sa pagkakatanda ko kasing age ko lang ang anak nila at kasing birthday ko pa. Bigla ko naman naalala ang sinabi ni lolo bago siya umalis ng bansang ito nung nakaraang 3 taon. F L A S H B A C K "Apo tandaan mo ito ang lahat ng sasabihin ko sayo ay totoo at wag na wag mo kakalimutan ito"seryosong sabi sakin ni lolo. "Yes lolo"cold kong sabi dito. "Ang tao para talaga sayo ay ang nakakakita ng totoong kulay ng mata mo"sabi nito sakin sabay ngiti. "What do you mean lolo?"cold na tanong ko dito. "Ganto kasi yan apo lahat ng Lacus Family ay may kanya kanyang kulay ng mata at iyo ang pinakaespesyal sa lahat"paliwanag nito sa akin at tinuloy agad nito ang sasabihin. "Ang dad ko ang totoong kulay ng mata niya ay red na may halong green, dahil sa anak ako ay namana ko ito pero red na may orange naman ang akin at ang sa dad mo naman ay ang red na may black at dahil ikaw lang ang nag iisang anak ng daddy mo ay namana mo ito at alam ko ang kulay ng mata mo ay red na may dark brown. Kaya sinabi ko sayong special ang napunta sayo dahil namana mo ang mata ng great grand father ko sa side ng daddy ko"paliwanag pa nito. "Ok then bakit hindi nakikita ng ibang tao ang kulay ng mata natin?"cold kong tanong pa din dito. "Dahil iisa lang ang sagot dyan at iyon ay ang kung sino man makakakita ng totoong kulay ng mata natin ay siya para sa atin at siya na ang makakasama natin habang buhay plus pa na kasabay pa ito ng birthday mo"nakangiting sabi nito. "Alam mo kung sino ang taong iyon apo kilala mo na siya"habol pa nito sa akin. E N D O F F L A S H B A C K Hindi iyon nawala sa isip ko dahil hindi ko alam kung siya ba talaga kaya ako umuwi din dito sa pilipinas para mahanap ang taong iyon. "Young lady it's already 7:35 na"sigaw ni Butler Jhon sa akin. Bumaba na agad ako at napansin kong hinanda na nito ang kotse ko pero dahil sa nagpapanggap akong nerd ay hindi ako sumakay. "Young lady?"takang tawag nito sakin. "Ilabas mo ang bike ko"cold kong utos lang dito. "Yes young lady"sabay alis nito sa harap ko. Agad naman nito nilabas na ang bike ko at agad akong sumakay. "Butler Jhon yung pinabibili ko sayong small apartment na malapit sa L. U na bili mo na ba?"cold ko pa rin natanong dito. "Yes young lady" "Ok iayos mo na yun alam mo na kung anong ayos at dalhin mo ang mga importanteng mga gamit ko lalo na ang mga babies ko"utos ko dito sabay alis na at pinaandar ko ng mabilis ang bike ko. Pagkarating ko agad sa Lyver University ay pinagtitinginan agad ako ng mga stupidyante. Kita sa mga mata nila ang pandidiri dahil may nerd na nakapasok dito . "Eww bakit may nerd na nakapasok dito?" "Yuck bakit sila tumanggap ng mga basahan dito" "Pare mukhang may mapapagtripan nanaman tayo" Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi nila dahil wala namang kwenta at naglibot agad ako dumiretso ako sa garden pagkakita ko palang dito at nakita kong may puno umupo ako dito at sinimulan umidlip. Ilang minuto pa lang ako nakakapikit ay naririnig kong may mga nagtitiilian at bigla na lang huminto ng may nagpaputok ng baril. Pero hindi pa din ako dumilat ilang minuto lang may narinig akong naglalakad kung saan ako nakaupo . Dahil naramdaman ko na tinititigan lang ako nito ay dumilat na ako at napansin kong nagulat ito na nakatingin sa mata ko at mahahalata mo na titig na titig ito sa mata ko. Naaninag ko naman sa mga mata nito na yung mata ko ay lumabas ang totoong kulay nito. Dahil sa nakatitig lang ito sa akin ay nagsalita na ako. "Miss staring is rude you know"cold kong sabi dito. "Tss"tanging sagot lang nito sabay talikod sa akin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko matagal ko ng kilala ang babae na yun. Ring ! Ring ! Ring ! Nagbell na hudyat na time na para sa oras ng klase agad naman ako dumiretso sa room na nakaassign sa akin. Pagpasok ko ay napatingin ang lahat sa akin. Yung prof naman ay nakangiti lang sa akin. "Miss you may sit now"sabi nito sakin sabay turo sa tabing upuan nung babae na tumingin sa akin kanina. Napansin ko nanaman na nakatingin nanaman ito sa mata ko pero hindi ko na lang pinansin at may iba din akong nararamdaman sa kanya. Ewan ko ba ang bilis ng t***k ng puso ko sa simpleng tingin lang niya sa akin at para tinutunaw ako ng dark brown niyang mga mata. ------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD