Chapter 24

2003 Words
Kaming dalawa lang ni Mama ang nasa hospital room nya because Papa have to work at asikasuhin ang mga papers ni Mama sa pag leave nya. Dumaan si Doctor Manuel, yung doctor na friend ni Tita El at ibinalita na ayon sa tests, Mama has no other injuries and she just need to rest dahil namamaga pa yung bandang balakang nya kung saan sya bumagsak. "Ma, do you need anything po?" tanong ko. She's at her laptop doing her unfinished works. Kanina ko pa nga pinagsasabihan na magpahinga at huwag munang magtrabaho but she's so stubborn. Aniya'y lalo syang matatambakan ng trabaho and it will be too stressful for her. Mas gusto nya raw iyon kaysa sa maya't maya syang natutulog. "Can you get me water, Haya?" aniya nang hindi inaalis ang mata sa laptop nya. Agad akong dumiretso sa lamesa't sinalinan sya ng tubig sa baso saka inabot sa kanya. Naka sandal lang sya sa hospital bed nya to prevent swelling saka to minimize her movement. Humiga ako sa sofa bed na nasa gilid. Wala naman akong ibang gagawin maligan sa bantayan si Mama. Kanina pa rin ako higa higa lang rito. Babangon lang kapag may ipapa abot si Mama o kailangan kong mag CR. Napa lundag ako sa hinihigaan ko nang biglang bumukas ang pinto. Kia and Ate Yuli came out of it na may dala- dalang mga paper bags. "Tita, kumusta po?" tanong ni Ate Yuli. "Ayos lang 'nak. I'll be discharged tomorrow. Napadaan kayo?" tanong nya. "Dito talaga sadya namin Tita. Nag luto sina Mama, for lunch daw po. Sabi mo raw po kasi kahapon hindi masarap yung pagkain rito," paliwanag ni Kia. Natawa naman si Mama. "Yes. The food here tastes bland. Para akong magkakasakit dahil wala akong malasahan." Tumayo ako't isa - isang nilabas ang mga tupperware sa paper bags. Amoy na amoy ko kaagad ang Tuna Salpicao,. Mayroon ding Chopsuey at Corn Salad. May kanin rin. Binuksan ko na agad iyon dahil nagugutom na rin ako. Naglabas ako ng disposable plates saka fork and spoon. "Kain muna tayo," sabi ko. Isinarado ni Mama ang laptop nya pagkasabi ko nun. Buti naman. Akala ko'y pipilitin ko pa syang tumigil muna. Pagkatapos kong ma hainan si Mama, nag kanya kanya na kami ng kuha nina Ate at Kia. Buti na lang ay hindi pa sila nakaka kain dahil hindi ko alam kung paano namin uubusin ni Mama yung pagkain ng kaming dalawa lang. "I've met Lukas' mother kahapon," ani ni Mama kina Ate Yuli at Kia. Sabay naman na dumako ang tingin nila sa akin. "She's a doctor here." Tumango ako. "Tinawagan ni Lukas yung Mama nya kahapon to check up on Mama. Kaso nga lang sa Pediatrics ang department nya kaya she just reffered Mama to her friend sa Orthopedics." "Kumusta? Anong sabi sa 'yo?" tanong ni Kia. "She was happy to finally meet me. Mabait si Tita El. Sa kanya yata na mana ni Lukas yung personality nya." After namin mag lunch, bumalik na si Mama sa pag harap sa laptop nya. Sina Ate nama'y naka tambay lang rin sa sofa tulad ko. "Hindi ba pupunta si Lukas ngayon, Haya?" tanong ni Kia. "Hindi. Sabi ko huwag na. Nandito naman sya kahapon. Ayaw ko naman sya abalahin araw- araw." Tumayo ako mula sa pagkaka upo saka bumaling kay Mama. "Lalabas po muna ako, Ma." "Saan ka?" tanong nya. "Mag iikot ikot lang po para hindi ako antukin." Tumango si Mama. Lumabas na ako ng room ni Mama at agad na bumungad sa akin ang abalang hallway ng hospital. Maraming mga pasyente at mga guardian ang nasa labas. May mga nurses at doktor rin ang panay papunta't parito. Hospital ang isa sa mga lugar na tuloy tuloy ang takbo 24/7. There's no such thing as closing hours and holiday break. I went on the elevator and pressed ground floor. Mayroon kasing maliit na garden sa gilid ng hospital. It's filled with flowers and plants. It's like a little breather of fresh air sa isang lugar kung saan puno ng mga taong may mabibigat na dinadala. Umupo ako sa isang stone bench sa ilalim ng Mahogany tree. Sa hindi kalayuan, may isang teenager na naka upo sa bench. Naka tulala lang sya sa puno na nasa harap nya pero napansin kong she's constantly scratching the skin beside the nails of her left thumb with her right thumbnail. Maya maya'y may babaeng lumapit sa kanya. Must be her mother dahil nyang makita nya ang ale, her tears fell. I looked away. Hindi ko kaya maka kita ng ganoong eksena. Pakiramdam ko'y pati ako ay iiyak rin. Gusto ko lang namang magpahangin, hindi ang umiyak. Nang inilayo ko ang mata ko sa mag ina pero sa isang bata naman tumama ang paningin ko. A kid, probably only seven years old, has a bandage wrapped around his head. May naka turok rin na dextrose sa kaliwang kamay nya but despite of that, he's happily enjoying his ice cream on stick. He's too young... "A penny for your thoughts?" tanong ng boses sa likod ko. Inangat ko ang tingin ko at nagulat ako nang si Tita El iyon na naka lab gown. "Tita, hello po!" bati ko. Umusog ako sa kabilang side ng bench para bigyanng space na mauupuan si Tita. Kumpara kahapon na naka floral dress sya, naka black wide pants sya at blue na blouse. Nanatiling pa rin na malinis na naka ponytail ang mga buhok nya. Inabot nya ang isang canned coffee na hawak nya sa akin. "Hi, Haya. Anong ginagawa mo rito?" "Nagpapa hangin lang po, Tita. Inaantok po kasi ako roon sa kwarto ni Mama." Itinaas ko ang canned coffee. "Thank you po rito." Tumango si Tita. "How's your Mama?" Binuksan ko ang can sand sipped from it. "Ayos na po si Mama, Tita. She'll be discharged tomorrow but she'll continue to home rest." Tumango tango si Tita. Sinundan nya ang trail of sight ko kanina papunta roon sa bata sa ineenjoy ang ice cream nya. "He's so young," ani Tita na matiim na naka tingin sa batang lalaki. My thoughts exactly. He's too young and pure. He should be just enjoying the ice cream without any injuries. A person as young as him shouldn't be in a hospital. Dapat ay nasa playground sya, playing with his friends. "He reminds me of young Lukas," dagdag ni Tita kaya't nagkatinginan kami. "Si Lukas po?" medyo gulat na tanong ko. Tita sighed saka tumango. "Lukas was about that young and nang ma hospital sya because of dengue. Ako ang doktor nya noon. His fever are over fourty and his platelets are contiously dropping. Napaka delikado para sa isang bata. He was even placed to ICU. Delikado na ang lagay nya but do you know what he craved to eat every single day?" taong ni Tita. Na pa angat ako ng tingin sa bata and the answer popped in to my mind. "Ice cream po?" Tita nodded and smiled atmu correct answer. "His daddy promised him an ice cream kapag gumaling sya. A chocolate one dahil he can't eat dark colored food noon. And you know what? Days after that, his condition normalized." Nangiti rin ako. That's very Lukas. "Did he got to eat his ice cream po?" "Of course. The moment I said na he's free of the virus at makaka uwi na, ako mismo ang bumili ng ice cream para sa kanya. I was so thankful for him that he held out. He's such a fighter. Sabi ko sa sarili ko noon, I have to save him. I must do everything to save the child. But I feel like he saved himself." Tita El looked at the distance na para bang nag play sa isip nya ang mga ala- ala of that moment. It must've been hard for her to see her own son lying in a hospital bed in danger. Above being a doctor, ina sya ng batang nag de- deikado ang lagay. The young Lukas isn't much different from present Lukas ayon sa mga kwento ni Tita. "He probably saved himself for the ice cream po," biro ko to make things light. Tita's lips formed into smile. Buti naman ngumiti si kahit paano sa joke ko na corny. "After nyang halos mag agaw buhay, the answer he wrote on every 'what do you want to be when you grow up' questions is that he's going to be a doctor." Namilog ang mukha ko sa nabalitaan. "Talaga po?" I always thought na Architecture is the only course Lukas has considered lalo na nang malaman ko na Engineer ang daddy nya. Mukha kasing ang architecture and him are match made in heaven. "Hmm," tumango si Tita. "That was until first year of college." "Bakit po? Anong nangyari?" tanong ko. "A sudden change of heart? It's like that. He was supposed to take Medical Technician as his pre- med course. Nagulat na lang kami nang ipa kita nya sa amin ni Daddy nya ang registration form nya na imbis na Nursing, he enrolled in Architecture." "And yet you still supported him," sabi ko as a matter of fact. "We want to support him with everything." "Hindi po kayo na galit?" tanong ko. Madaling iniling ni Tita ang ulo nya. "Of course not. Nagulat kami pero hindi nagalit. Ever since he became an adult, we gave him the right to decide for his life. And that was the first thing he did. Proud kami na ginawa nya iyon." "Akala ko po he had always wanted Architecture. Para po kasing he really belong in that field. It's like he's ought to be a great Architect someday." Tita El sipped in her canned coffee na unti unti ng lumalamig. "He is. You see, Haya, there's a fine line between what you want to be and what you're supposed to be. There's nothing wrong with choosing either of those. In Luke's case, he chose what he's supposed to be." "He looks so happy and contented with his choice po." "And that's what truly matters to us." I have nothing but admiration to their family base sa mga kwento ni Tita El. Napaka swerte ni Lukas to grow upwith a family that is so loving. Kaya rin siguro napaka giving ni Lukas sa pagmamahal. Because he has so much love to give. Muling tumunog ang phone ni Tita El na nasa loob ng lab gown nya. Saglit nya iyong dinukot para tingnan ang message. "Haya, I have to go," paalam ni Tita saka tinungga maski ang huling patak ng iniinom nyang kape saka itinapon sa malapit na basurahan. "Sure po, tita. Salamat po uli sa kape." Sinabayan kong tumayo si Tita. She caressed my right arms ng marahan. "I hope to see you soon, Haya. Bumisita ka sa bahay when you have a time ha?" Tumango ako. "Oo naman po." Hindi na nagtagal si Tita't tuluyan na syang lumakad muli pa pasok ng hospital. Umupo ulit ako sa bench. It's so nice to have that conversation with Tita. I learned something about Lukas. Bumaling ang tingin ko sa direksyon ng batang lalaki kanina at saktong sinundo sya ng nurse na marahil ay in charge sa kanya at saka inalalayan syang makabalik sa hospital. Nag tagal muna ako ng ilang minuto pa sa garden bago tuluyang nag desisyon na umakyat na ulit sa kwarto ni Mama. Hindi ko namalayan na I've been here for so long already. Malamang ay nagtataka na yung mga 'yun kung nasaan na ako. "Saan ka galing?" tanong ni Kia pag balik ko na ganun pa rin ang posisyon sa sofa pag alis ko kanina. Lumingon ako kay Mama na hindi na hawak ang laptop nya and she's already having a nap on her bed. Buti naman at naka idlip sya. "Sa may garden, naka salubong ko si Tita El. Nag kwentuhan lang kami saglit." Tumango lang sila't wala namang ibang sinabi kaya't umupo't sumandal na lang ako sa sofa saka ipinikit ang mga mata ko at sinubukan ring umidlip sandali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD