Chapter 19

3083 Words
"Do you want to wear this?" Itinaas ni Kia ang isang elegant champagne rhinetone strapped satin short dress na backless. "Or this?" Itinaas nya sa kaliwang kamay nya ang isang fiery red asymmetrical bodycon dress with thin strap. I pondered about what to wear for my 21st simple birthday dinner party mamaya. Mama prepared a simple backyard dinner party for me with family and friends. Iilan lang rin naman ang bisita ko since I'm not really close with other people aside from Ate and Kuya's circle. "Ito na lang." Pinili ko ay iyong champagne dress dahil parang ang over na kapag iyong red. Mas bagay iyon sa mas formal at bonggang party. Si Kia ang punong abala ng dinner party ko. Sya ang namili ng mga fairy lights, mga balloons na ikakalat, at mga lanterns na isasabit sa branches ng puno pati na rin ang mga bulaklak at candles para sa table centerpiece. This party was supposed to be just casual dinner pero Kia insisted na we should do something after the dinner instead of just inuman lang. So, I decided to have a movie night with them. I asked for my cousins' help to set up a little movie area sa backyard rin. We're gonna use projector to watch and I opted to place a huge mat on the ground where we could sit or lay down saka may mga pillows and blankets everywhere for our comfort. Pag uwi namin kahapon galing Uni, ito ang pinagkaabalahan namin ni Kia Ang mga DIY na decors. Gusto ko kasing mukhang cozy at homey and dating ng party. Napaka perfect ng ganoong set up para sa climate ngayon because it's March and it's getting almost warm. "Pikit ka," ani ni Ate Yuli na yumuko para lagyan ako ng eyeshadow. Again, this is supposed to be simple and casual pero the girls got excited kanina habang namimili ng susuotin ko. "Hindi ba sobrang pagpapa ganda na 'to ate? Sa backyard lang naman tayo?" "Ano ka ba. Sa backyard o sa palasyo man yan, you should doll up. It's your birthday!" sab nya. In the end, hinayaan ko na lang si Ate na gawin ang gusto nya sa mukha ko. She even curled my hair. I looked at the mirror at para akong may pupuntahang mahalaga. Ate Yuli really did a good job on my hair and make up. Mukha rin naman syang proud dahil kanina pa sya picture ng picture sa akin. "Ang ganda ganda mo, Haya!" papuri ni Kia na nagbibihis na rin para sa party. Hinintay ko na lang rin na matapos sina Ate at Kia na magbihis para lalabas na kami because everything's ready. Hinihintay na lang ang mga bisita. "Tara na!" sabi ko nang matapos na si Ate. Tumayo ako sa pagkaka upo at ini- straight iyong dress ko. "Anong tara? Maiwan ka rito. Mahuhuli kang lalabas dahil ikaw ang bida rito ngayon!" kastigo ni Ate saka lumakad sila ni Kia palabas ng pintuan. "Teka!" pigil ko bago pa tuluyang ma sara ni Kia ang pinto. "Paano ko malalaman kung lalabas na ako?" Napa isip si Ate sa tanong ko. "Basta may kakatok rito't susunduin ka." Lumabas na sila ni Kia ng tuluyan at ako nama'y abala sa kaka papunta't pa rito sa loob ng kwarto ko. I feel kind of nervous yet excited. Ngayon lang kasi ako mag ce- celebrate ng birthday with both family and friends. Dati'y parents ko lang o di kaya ang mga kaibigan ko lang. Well, si Camila lang din naman kasi ang kaibigan ko talaga roon. Hinawakan ko iyong kwintas ko, na naging habit ko ng gawin tuwing kabado o nag pa- panic ako. Ewan ko but the Narinig ko na ang katok mula sa pinto ko at medyo nanginginig kong binuksan iyon. "Kinaka-" naputol ang pag sasalita ko nang hindi sinuman sa mga pinsan ko ang kumatok para sunduin ako. "Happy Birthday, Hayabear," ani ni Lukas na masayang naka ngiti sa harap ko ngayon. Lukas is wearing a black and white long sleeved polo tucked in a dark maong pants. Naka hati sa gitna ang buhok nya't naka suot sya ng specs. He handed me the bouquet of white daisies which is my favorite flower. Hindi ko alam kung galing ba sa kanya o kasama sa bulaklak na in- order ni penny. "Thank you Lukas," medyo gulat ko pa ring sabi. Bakit sya ang nag sundo sa akin? "Kararating ko lang din halos nang kalabitin ako ni Yuli na puntahan raw kita rito," aniya. He must've seen the confusion in my eyes kaya kinuwento na nya kung bakit. Tumango ako. "Ah..." "Shall we?" He offered me his arms. I linked my arms with him saka iginaya nya ako pa labas sa backyard namin. "Let's welcome our celebrant, Helena Ysabel!" sabi ni Kia na nagsilbing host namin. Natawa ako dahil bakit ba sya nag ho- host eh hindi naman 'to formal party? As soon as I stepped in the backyard, sumalubong sa akin ang isang long table that is filled with all dining ware and all the DIY decors that Kia, Ate and I made. Sa di kalayuan, may table rin na lagayan ng pina cater na food and drinks ni Papa. Sa gilid nun, ay mini snack bar for the movie night. Okay, maybe this really isn't a simple dinner. It's totally obvious na we kind of went overboard. Kaunti lang naman. Dahil it's completely dark outside, bukas na rin ang mga ilaw at ang mga fairy lights and lanterns na naka sabit sa puno. On the table, kumpleto ang mga taong inaasahan kong dadalo ng party ko. Mga kamag anak at pinsan ko, sina Ate Amelie at Roan, si Kuya Jonas, si Penny, at si Lukas. Sayang at wala si Cami rito. It would be really perfect kung kasama sya. Umalis si Lukas sa tabi ko at ako na lang ang natira sa harap. Biglang tumugtog iyong happy birthday. I clapped my hands and smiled for my visitors. Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you. Nagpalakpakan ang lahat nang matapos ang pagkanta ng happy birthday sa akin. Lumakad ako papuntang kabisera ng lamesa kung saan ako pu- pwesto. Mauupo na sana ako pero pinigilan ako ni Kia. "Wait lang, ito naman. Can we get some message from you bago tayo maupo? How do you feel today? Anong masasabi mo sa birthday mo?" aniya. "Interview ba 'to?" biro ko kay Kia. Paano ba naman kasi napaka papparazzi- like ng tono ng boses nya. "Biro lang." I inhaled and exhaled saka mabilisang nag isip kung anong sasabihin ko. Hindi naman kasi ako nakapag prepare ng speech ko. I didn't even think I'd be having a speech. "Uh... Good Evening to all af you. First I wanna thank you all for gracing my small party. Sa mga tumulong sa akin to have this, sina Ate Yuli at Kia, of course my parents, thank you so much. Hmm... I hope you enjoy the night. Thank you." Bago pa man ako maka upo Mama reached out to me saka binigyan ako ng isang beso at maliit na yakap. Papa kissed my forehead bago ako hinayaang maupo. Nasa gitna ako't nasa magkabilang side ko sina Mama't Papa. May nag pi- play rin na violin songs from the speakers to set the mood right. Dinner is being served. Everybody's praising us na we did a good job decorating the place, they also complimented the food. Ang sarap naman kasi ng food. Lahat ng naroon ay puro paborito ko. They're also saying how look I good. Syempre, mas masaya pa si Ate Yuli sa akin. This is because of her kaya mukha akong tao ngayon. Dahil ako ang nasa kabisera, kitang kita ko ang lahat ng mga bisita ko. They're all smiling and enjoying the vibe. Kita ko ang pag kuha ni Ate Yuli ng mga pictures and videos sa phone nya, kita ko na giliw na giliw si Tita Emma kay Ate Roan, kita ko na nagdadaldalan na si Kia at Penny. That's a relief. They're having their fun. Nagkatinginan kami ni Penny at kumaway sya sa akin. I smiled at her saka kinuha ko ang atensyon ni Mama. "Ma, that's Penny pala." Turo ko kay Mama kay Penny na kumakaway. "Penny? Penelope? Ah. Right! Your friend na kasabay mo mag review?" Oh. Uh oh. "Hi, Penelope! Nice to meet you hija." sabi ni Mama kay Penny. Nanlaki ang mata ni Penny. Hindi dahil pinansin sya ni Mama. Iyon ay kundi tinawag syang Penelope. Uhm... Hindi naman siguro nya aawayin si Mama no? Akala ko mag re- react pa si Penny pero ngumiti lang sya at magiliw na binati si Mama. "Hello po Tita, nice to meet you po sa inyo, sa inyong lahat po. Thank you for inviting me." "Of course! Kaibigan ka ni Haya namin eh. I heared sabay raw kayong nag re- review? And you are constant Dean's Lister at that?" Hindi lang si Penny ang natutulala sa sinabing iyon ni Mama. Bakas na bakas sa mukha nya ang lito kahit na ang lapad lapad ng ngiti nya kay Mama. Unang una, hindi kami sabay na nag re- review unless nasa campus premises at lalong lalo naman ang pagiging DL. Isang tao lang naman ang constant Dean's Lister sa hapag kainan na ito. Nagkatinginan kami ni Penny. I looked at her sending signals to save me. "O- opo, tita." "Gumagala rin kayo ni Haya, ano? I hope you're enjoying spending time with her kasi she's a bit boring minsan 'no?" biro ni Mama. Dumako ang tingin ko kay Lukas na nasa bandang dulo katabi ni Kuya Jonas. Mukha rin syang nagugulat sa sinasabi ni Mama. For the love of all creatures, Kia looks like she's about to burst laughing any moment from now. Enjoy na enjoy ang bruha sa mga nangyayari! "Oo naman po! She's really fun at times!" sagot ni Penny. Buti na lang at wala nang sinabi si Mama at niliko na lang rin ni Ate Yuli ang usapan. She asked Mama na mag kwento about me. Si Mama naman, game na game i kwento yung mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Inisa isa nya pa talaga sa lahat. Muntik ko na nga lang din awatin dahil hiyang hiya na ako pero buti na lang nag sabi na si Ate Yuli na naka prepare na yung cake for candle blowing. And there, we all went to the side kung nasaan ang cake ko. It's a two tier chiffon black and white film strip cake. Iyon ang pinili ko dahil iyon naman ang highlight ng birthday ko. Nasa tabi ako ng cake at lahat sila ay naka palibot sa akin habang kinakantahan ako ulit ng Happy Birthday. Tonight's one of the most perfect night of my life. Naka tayo pa kaming lahat sa may table dahil sini set up pa daw ang projector. Ang mga kaibigan ko kanya kanya namang lapit para bumati kina Mama o para magpa picture kasama ako. "Ma, si Ate Roan po girlfriend ni Kuya Jule saka si Ate Amelie po," pakilala ko sa mga Ate kay Mama. "Hi po, Tita!" si Ate Ame. "Hello po. Nice to meet you po," si Ate Roan. Ibineso sila ni Mama. "Hello, hello, ladies! I hope you are enjoying tonight." "Of course po," sagot nila. "Ang gaganda nyo naman! Ito si Roan, bagay na bagay kay Julius! Naku, kung may anak lang akong lalaki, irereto ko rito kay Amelie," giliw na sabi ni Mama sa kanila. "Ay tita, sayang nga po." si Ate Ame na sinakyan naman ang biro ni Mama. Nagtawanan silang tatlo. "Haya," tawag ni Lukas sa akin na nasa likod nina Ate kasama si Kuya Jonas. Gumilid sina Ate to give way sa dalawang boys. "Ma," tawag ko ulit. "Ma si Lukas po saka si Kuya Jonas." Tumikhim sina Ate nang lumingon muli si Mama sa dalawa. Panay rin ang tulakan nila ng braso't sulyap kay Lukas. "Hi po," bati nila. "Hello mga pogi!" bati ni Mama saka tinapik ang braso nilang dalawa. "Sino sa inyo ang may gusto sa anak ko?" Nabigla kaming lahat sa tanong na iyon pero alam kong biro lang iyon ni Mama. Tiningnan ko si Lukas pero mukhang kalmado lang naman sya. "Ako po," sagit ni Lukas. Everybody in the circle fell silent sa pag drop ni Lukas ng bom*a na iyon. Para kaming na freeze lahat at nagkaroon ng sari sariling moment para i absorb ang inamin nya. Lalo na ako. Parang lahat ng paru paro sa tiyan ko'y nagliparan na't lahat ng pwedeng yumanig sa akin ay yumanig na. Ito na yata ang pinaka surprise sa lahat ng surprise. Did he just admit to my own mother harap harapan at walang alinlangan na he likes me? Anong nangyayari? Gulat akong napa lingon kay Mama na naka ngiti lang at ang atensyon ay na kay Lukas lang. Nagsinghapan naman iyong mga nasa tabi namin. "Really? Nagbibiro lang ako but okay..." amused na tanong ni Mama. Hindi naman sumama ang timpla ng mukha ni Mama. Instead, para pa syang natuwa. "Opo, Tita. Ako rin po yung nagdadala kay Haya sa labas. Ako rin po yung kasabay nyang mag review. Sorry po for not asking your permission first, " ani ni Lukas kay Mama. Kabado akong nakatingin kay Mama at kay Lukas. I really commend Lukas' bravery for admitting that at okay, fine. Kinikilig ako sa ginawa nya. Kaso talagang nagtatalo iyong kaba at kilig ko. Ito ang first time na may lalaking humarap kay Mama about this at nangangatal ako kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko! "Really? You really like her?" "Opo," walang pag aalinlangan nyang sagot. I looked at Lukas pero sinulyapan nya lang ako. I don't think he's kidding. Seryoso lang syang naka tingin kay Mama, hinihintay kung ano ang sasabihin nya. Mama slowly nodded her head. "That's fine. You guys are adults. You guys know what you are doing. But I like you ha, you are so brave!" Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ni Lukas. "Salamat po..." Mama looked at me and gave me a meaningful smile bago inexcusexang sarili nya papunta kina Tita. Malamang ay para ipamalita kung ano yung nangyari ngayon ngayon lang. "Oh my gosh, ano yun? Anong nangyari kanina?" nagmamadaling tanong ni Ate Yuli papalapit sa amin. "Mare! Ang Lukas pinresenta nya yung sarili nya na gusto nya raw si Haya kay Tita!" kwento ni Ate Ame. Sakto namang nag tawag si Kia na walang ka alam alam na ayos na raw ang projector at mag uumpisa na iyong film viewing namin. Naka upo na kaming lahat sa malapad na mat, kanya kanyang pwesto na nang mag umpisa ang movie. We are watching The Grand Budapest Hotel. One of my favorite movies of all time. Sa kanan ko ay si Kia at sa kaliwa ay si Penny na katabi ni Lukas. "Girl, ikaw na kasi tumabi kay Lukas!" bulong ni Penny. "Hiya hiya ka pa eh si Lukas nga hindi nahihiyang humarap sa nanay mo." Sinulyapan ko si Lukas na diretso lang na naka tingin sa harap. "Okay na yan, Penny." Nararamdaman ko kasi yung tingin ng mga tita ko sa amin. Para bang inoobserbahan kaming dalawa ni Lukas. Minsan naman, napapansin ko rin iyong mga tingin ni Lukas sa akin sa peripheral view ko. Mga nakaw na tingin lang iyon pero yung puso ko, parang tumatalon sa saya. Hawak ang beer na inabot ni Ate Amelie, tuloy tuloy kong pinanood iyong movie. Tradisyon yata talaga sa pamilyang ito na laging kasama ang alak tuwing handaan. Nang mangalahati ang movie, bahagya kong nilingon ulit si Lukas sa pwesto nya pero wala na sya roon. Hinanap ng mata ko si Lukas at nakita ko syang nasa may likuran na. Katabi si Papa. Kung kinabahan ako kay Mama, mas lalong nagpapatong patong naman ang kaba at nerbyos ko sa nangyayari ngayon. Lukas and Papa in one frame. Nasa bandang likod sila't naka upo sa rattan chair side by side pero ang mga mukha nila'y naka harap sa isa't isa. They are both engrossed by their conversation na hindi nila napapansin na pina kakatitigan ko silang dalawa. Umangat ang labi ni Lukas sa kung anong sinabi ni Papa sa kanya. Maybe it isn't too serious because if it is, he wouldn't be smiling like that. Papa, on the other hand, also looks amused at the guy beside him. They both look very light. Maya maya pa'y parehas na silang tumatawa. I wish I have my camera with me so I cound capture that exact moment. Ang sarap nilang tingnan. Nag panic ako nang biglang bumaling ang tingin ni Lukas sa direksyon ko. I didn't look away. I just looked at him saka binigyan sya ng isang ngiti. Nauna syang kumalas ng tingin at muling bumalik sa pakikipag usap kay Papa. Muli kong ibinaling ang tingin sa nag pi- play na movie sa harap ko. Hindi ko na nasundan. Ayos lang naman dahil hindi naman ito ang unang beses na mapapanood ko ito. I could watch the movie for countless times but the scene that I just witness might be the only time that I get to see that. "Anong pinag usapan nyo ni Papa?" tanong ko kay Lukas nang tabihan nya ako pagkatapos nilang mag usap ni Papa. Nag kibit balikat sya. "That's secret." "Wow. May secret na agad kayo ni Papa?" mangha kong sabi saka tumango sya. Hindi na rin talaga ako nagugulat sa pagka people person ni Lukas. Maski na ang Papa ko na tahi- tahimik ay napapa tawa nya. "Bakit ang chill mo? Di ka ba natakot humarap sa mga magulang ko?" tanong ko sa kanya. "Bakit naman ako matatakot sabihin sa kanila na gusto kita? Malinis naman yung intensyon ko sa 'yo?" aniya. Tinaasan ko sya ng kilay. "Why didn't you tell me first?" For the past months, we both know na we already passed that 'crush' phase. Walang proper confession na naganap but we know. Hindi pa rin naman ako nagmamadali na lagyan ng label iyong mayroon kami. I like how things between us are going. I like him. Lukas makes me feel a lot of things. Nararamdaman ko yung paru- paro pag palapit sya, yung natutunaw ako pag ngingiti sya at pag na e- excite ako pag kasama sya. But at the same time, he's like my safe person like I could always depend on him. "Na gusto kita? I think I showed you that."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD