Chapter 1

1471 Words
"Haya!" Nabaling ang atensyon ko sa mga pinsan ko na tinawag ako. Nagsi- takbuhan sila papalapit sa akin. Muli kong nilingon yung lalaking tumulong sa'kin, si Lukas, pero naglalakad na sya papalayo sa akin. Nag alangan na akong tawagin s'ya, baka isipin n'yang feeling close ako. I didn't even got to shake his hand and properly introduce myself. Baka isipin n'yang ang rude ko. Hopefully, not. Nakarating na sa kinatatayuan ang mga pinsan ko, looking really worried. Nakita rin naming papalapit na rin sina Kuya at Miko. "Okay ka lang, ate?" Sumandal si Miko sa railings na nasa likod namin habang hinahabol ang kanyang hininga. "Ayos lang, Mik. Sorry pinag alala ko pa tuloy kayo saka pinagod ko pa kayo ni Kuya." Binuksan ko yung maliit na sling bag ko, kinuha yung tissue at binigay sa kanila dahil umaagos ang pawis sa mga balat nila. "Sino yun?" tanong ni Kia pointing her fingers on Lukas's way. "Ah, volunteer na hinatid ako dito kasi hindi ko alam kung saan dito." I looked again on his way pero naka layo na sya. Bumili kami ng Sorbetes habang saglit na nagpahinga sa ilalim ng puno. Maya- maya pa, nag aya na si Kia na umuwi dahil mag lu-lunch na at kailangang nasa bahay na kami. Pagdating namin naka handa na sa lamesa ang mga pagkain. May iilan ding taong hindi pamilyar sa akin na nasa sala kausap nila tito't tita. Nabanggit ni Kuya Jule sa akin na normal lang daw 'yon at welcome ang lahat na maki-fiesta. Kanya- kanya na lang kaming kuha ng mga pinsan ko ng pagkain. May mga ipinakikilala sa akin si Mama, some are family friends but most are relatives asking if I remember them dahil naka bisita na raw sila sa amin sa Metro noon. I just feigned a smile and a nod. I mean, how will I tell them na hindi ganoon ka talas ang memorya ko para maalala sila? Nevertheless, I really enjoyed meeting them and they were really delighted na finally nandito na ang unica hija ni Wilbert at Sonia, my parents. The day went by just like that at nang mag hapon, unti- unti na kaming naglinis ng bahay dahil nakauwi na rin ang mga bisita at kami- kami na lang ang natira. On the other hand, my cousins won't shut up about the baylihan and honestly, I am kind of excited na ma experience 'yun first hand. Sabi nila yun daw kasi kukumpleto ng Fiesta experience ko. Sayawan sya so all we'd do is to probably dance the night away. Gabi na and we are about to go. I am now wearing a casual sleeve-less top, maong pants at rubber shoes para kumportable. Hinihintay na lang namin si Kuya Jule na sunduin kami dahil galing pa sya sa kaibigan nya. Nang dumating sya, he's not alone dahil kasama nya yung bestfriend nya na si Kuya Jonas. Sa Van, napuno lang kami ng asaran dahil kay Ate Yuli. She really dressed up for this night at ang make up nya? It's really on fleek habang kami ay puro casual lang ang suot na taliwas sa advice nya na to wear our best dress. It wasn't really a long ride dahil maya maya pa ay tanaw na namin ang mga bouncing lights sa di kalayuan at rinig na rin ang dagundong ng isang buong tore ng malalaking speakers blasting the typical Disco Remix. Pagbaba namin sa kotse may mga tao na kaagad na bumati sa mga pinsan ko. They're probably their schoolmates or something. Pumasok na kami sa venue, the speakers are blasted even more and the lights are dancing to the rythm, making the venue lively and in the mood for dance and fun. We made our way through a corner where I saw a group of people around our age na nagtatawanan and they seem to be having fun. A cute chinita girl approached us at yumakap kay Ate Yuli. "Yuli! Bakla ka! Talagang awrang- awra ka ha!" "Of course! Ako pa ba, Eli?" Ate Yuli playfully said at biglang nag snap to get their attention. "Guys! Guys! Pinsan ko nga pala, si Haya." I shifted at their direction then smiled and waved shyly, " Hi! Hello! Nice to meet you all po!" They introduced themselves to me, sina Ate Amelie, Ate Roan, Ate Eli, Kuya Dexter at Kuya Sio. Mga close friends nila Ate at Kuya. Nasa iisang corner kaming lahat kasama si Kuya Jonas maliban kay Miko na nagpaalam na pupunta sa mga kaibigan nya. Ate nudges at me. "Wag ka mahiya d'yan sa mga 'yan, sila din makikita mo pag nag enroll ka sa SPU." "Hi! Ako nga pala si Vin! Hi, Haya!" Napaiktad ako nang buglang may lalaking tumabi sakin while extending his hands for a handshake which I gladly accepted. Bigla ko tuloy naalala yung lalaking tumulong sa akin nung nawala ako dahil sa handshake. I really hope he he won't think ill of me. "Hi! Pleased to meet you po." Parehas kaming nagulat at napatingin ni Kuya Vin kay Ate Yuli na pinaghiwalay ang kamay namin saka sununtok ng pabiro si Kuya Vin. "Gago, Vin! Wag mong andaran ng galawan mo 'yang pinsan ko ha," natatawang sabi ni Ate. "What? Nagpapakila lang naman!" Kuya Vin defends. Bottles clinked nang may naglapag ng isang case ng Red- horse sa harapan namin, paglingon ko Si Kuya Jule pala. "Oh. Para mas may energy kayo sumayaw mamaya," sabi ni kuya. "Naks naman Boss Jule! Nice one!" Humiyaw si Kuya Vin saka nagumpisang binuksan ang mga bote saka ibinigay sa amin maliban kay Kuya Jule na mag d-drive. Lumagok ako ng malamig- lamig pa na beer at nalasahan ko kaagad ang pait at tamis na bumalot sa dila ko. Ang tagal ko na rin pala ng huli ko ng inom so I'll enjoy this one. Nang may panibagong music ang tumugtog biglang kinuha ni Kia ang bote sa bibig ko at ibinaba saka hinatak ako papunta sa gitna. Para kaming isang batalyon na sumugod sa gitna at sumayaw sa indak ng musika habang tawa ng tawa sila Ate Roan sa reaksyon ko sa pag hila ni Kia sa akin. Muntik pa kaya akong mabilaukan sa pambibigla niya! I only did light moves dahil hindi naman ako talaga sumasayaw habang sila? Todo bigay na akala mo hindi mauubusan ng energy mamaya. Let me tell you all a story about a mouse named Lorry Yeah, Lorry was a mouse in a big brown house She called herself the hoe, with the money money flow But f**k that little mouse 'cause I'm an albatraoz Wooh! I'm an albatraoz So what? I'm an albatraoz I'm an Albatraoz blasted from the speakers and as if intoxicated, everybody went crazy and started grinding on the dance floor! Natapos ang kanta na at unti- unti ring nagsibalikan sa pwesto ang karamihan pero may iilan pa rin na nagsasayaw sa gitna at babalik pag gusto nilang isayaw yung kanta. It went on like that. Pag balik sa pwesto, agad kong tinungga yung beer dahil na- nunuyo na ang lalamunan ko. Gosh! Para akong nag Zumba! Naupo ako sa bakanteng upuan nang maramdaman ko ang tama ng alak sa akin lalo na nang abutan ako ni Ate Yuli ng isa pa na nakalahati ko kaagad. This time, love song naman ang nag play na music na you can dance with anybody you like kaya nagsayaw ang mga kasama ko while I just remained in my seat. I checked my phone para tingnan ang oras and it's just past twelve in the midnight. The night's still young. "Hey." Nag angat ako ng ulo and I was shocked to see a familiar guy in front of me. "Lukas?" sounding unsure, I called out his name. Lukas, the guy who helped me kaninang umaga ay nasa harapan ko ngayon. He looks so good in his white t-shirt tucked in a maong ripped jeans and white sneakers. "Yep! Buti naalala mo pa ako?" he jokingly said at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. We are just inches apart at naabot ng pang amoy ko ang pabango nya. He smells so soft just as how he looks. "Oo naman! Thank you pala ulit kanina," I said while I faced him and extended my hands on a handshake. "I'm Haya." He reached my hands and held it. Grabe, ang lambot ng kamay nya! Parang nahiya tuloy ako sa kamay ko. And so, we shook hands, something na hindi namin nagawa kanina. Napansin ko na medyo napatagal na pala kaya bigla kaming nagkatinginan at parehas natawa. "Sorry," sabay na sabi namin and upon realizing that, natawa ulit kami. Saglit kami parehong natahimik at rinig ang pagtugtog ng 'Til I found you ng Freestyle. "So... Haya?" he called me. "Hmm?" "May I dance with you?" " Sure. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD