"Lukas, bakit nandito ka?" gulat kong sabi sa kanya na nasa labas ng bahay namin.
My blockmates allowed me to go home early para raw makapag pahinga ako. Mabuti na rin iyon. Ayoko rin naman na kada dadaan ako eh pagtitinginan at pag uusapan ako.
I've had enough for the day. The last thing I wanna hear are the chatters of other people about me.
"I just knew what happened kanina sa booth nyo. I am so sorry, Haya. Hindi ko alam na gagawin ni Irah 'yun sayo," aniya.
Of course there's no way that he would know about it. She acts like an angel in front of him.
"Hindi mo kasalanan, Lukas. Don't say sorry to me."
Lukas walked closer to me. "But she acted like that because of me. I'm partly responsible for the mess so I'm sorry this happened to you, Haya."
"It's... fine. Both of us are really not at fault here. Pero, how did you know what happened?"
"May blockmate ako na nag send sa akin nung video kanina. He's at the food stall next to yours kaya nakita nya and he filmed the whole thing."
Umakyat na naman ang kaba ko nang ma banggit ni Lukas na may nag record ng nangyari. I'm afraid that it will reach our profs. Baka magkaroon pa kami ng warning for misconduct or ma pa sailalim sa disciplinary measure. Sana huwag naman. Ayaw ko na rin lumala yung issue.
Masakit na sya sa ulo as it is.
Lukas must've noticed the uneasiness and tension in my body. "Don't worry, pinakiusapan ko na yung kaibigan kong IT para i take down ang kahit anong video na kakalat about that incident."
A wave of relief flooded on me nang sabihin ni Lukas iyon. I'm so glad he thought of that.
"Kanina, after kong malaman na ganun yung nangyari, I called Yuli." Lumingon ako sa kanya. "I called to thank her for defending you againts Irah."
"Anong sabi niya?"
"Wala naman. She just ranted about Irah saka pag nakita daw nyang kasama ko pa si Irah, ako na daw yung sasampalin nya."
I smiled to that. Typical Ate Yuli.
Inabot nya sa akin iyong bitbit nyang plastic bag. "Here, peace offering. Tanggapin mo na because I would really feel bad kapag hindi mo tinanggap."
Pamilyar ang naka imprenta sa plastic bag.
"Waffles?" He nodded.
"Yup! I got you your favorite and my favorite."
"You really don't have to bring me anything pero salamat. I'll enjoy this."
"Have you talked to Irah?" tanong ko.
Sumeryoso ang mga mata nya at umigting ang mga panga nya. "I have. Pag out ko sa kanya agad ako dumiretso."
"What did she say?"
"She said she was so jealous, insecure, and threatened. Haya, I was so... mad about what she did to you. How can she do that?"
"Because she likes you. Umaasa pa rin sya."
"Alam mo, akala ko I already made clear to her na friendship lang ang kaya kong ibigay and she accepted it. I thought she's already moved on pero hindi pa pala yet I maintained our frienship. Kaya siguro... galit ako sa ginawa nya pero hindi ko kayang magalit sa kanya."
"Kasi pakiramdam mo kasalanan mo?"
"Yeah. Pakiramdam ko pina asa ko sya kahit hindi naman yun yung intensyon ko."
"Lukas, look at me." I crossed the space between us and cupped his face with my hands. "Hindi mo kasalanan. Okay? Don't blame yourself for this. You already made yourself clear to her and it's not your fault if she didn't understand that."
"Thank you, Haya," he said and I warmly gave him a smile.
Nang maka hinga kami sa mabigat na moment na iyon, we both started walking towards the little forest stream na malapit sa amin. Literal na malapit dahil pag dumaan sa likod ng bahay nila Kia at maglakad lang ng kulang kulang dalawang minuto ay makakarating na roon. May araw pa naman kaya't nag aya si Lukas na dumaan.
Mabato ang daanan kaya't hawak ni Lukas ang wrist ko while he's leading the way.
I've been here before with my cousins noong summer. Ngayon na lang ulit ako makaka balik.
Sinalubong kami ng kalmadong agos ng tubig at malamig na simoy ng hangin. Naupo kami sa magkatabi na malaking bato.
"Are you still going to attend the SPU Fair?" tanong nya.
Siguro iniisip nya na I'll pass the Fair because of what happened.
"Yep. I decided to still go. Actually, up until earlier troubled ako kung pupunta pa ba ako. Part of me wants to run away, part of me wants to experience the Fair. Pero naisip ko, I should just get over with it. Pakiramdam ko kasi pag iniwasan ko, it would be more harder for me to bounce back."
He nodded. "That's nice to hear. Akala ko kasi you'll be affected too much by this."
"I am. Still. The emotion still lingers but I will be fine."
Lukas dropped down his head. "Sorry."
Nginisihan ko sya. "Kulit! Hindi mo nga kasalan okay?"
"Okay."
"Stop saying sorry. Isa mo pang sorry and I'll push you here."
"Okay, okay, hindi na."
"Lukas?"
"Hmm?"
"What happens tuwing SPU Fair?" I asked him para may hint man lang ako what to expect for tomorrow.
"Basically, it's like a performance of different bands sa quadrangle ng SPU. May entrance fee but all of the proceeds are going to St. Pio Foundations," aniya.
"Wow, that's nice! We're chillin' while we are actually helping."
"Yep!"
"Should I wear dress? Hindi ba mukhang too much para sa SPU Fair? What do you think?"
"You can wear anything, Haya. You don't have to ask me," sabi ni Lukas. "Wear the dress that you like. I'm sure it would look beautiful on you."
Those words... Parang may bumara sa lalamunan ko't hindi ako makapag salita. Para akong na comfort. It's like I've been longing for that words to hear for too long and to finally hear it, pakiramdam ko I am surrounded with warmth.
"R- right. I can wear anything I like." I bit my lips to prevent all the emotion that is gushing out on me.
"Why? May nasabi ba akong mali?" nag aalalang tanong nya. Lukas looked at my face.
"No! Wala. I'm just looking forward for the Fair. Now that I know na this is for a cause, mas gusto ko lalo na pumunta."
Lukas smiled at me. "Mag e-enjoy ka roon."
Ate Yuli circled around me, seryosong tinitingnan kung okay ba iyong damit ko. I am wearing a sleeveless square neck black bodycon dress na pinatungan ko ng cropped denim jacket para appropriate pa rin naman sa school's dress code.
"Okay lang ba? Hindi ba pangit?"
Pabiro akong hinampas ni Ate Yuli. "Beh! Ang ganda ganda mo!"
I smiled at the compliment.
Marami na ang tao nang makarating kaming tatlo ng bandang ala singko ng hapon. Sina Kuya Jonas at Kuya Jule, Lukas ay nasa OJT pa while Ate Roan's going with kuya. Sa gate pa lang, may pila na para sa pag avail ng mga ticket at medyo mahaba na rin ang pila.
After we got our tickets, dumiretso na kami agad sa quadrangle. I was fine earlier pero para akong nangangatal sa kaba ngayon.
Kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko kung paano tumingin at tumitig ang mga estudyante sa akin nang makita nila kaming naglalakad pa quadrangle and it makes me think of all of the unwanted thoughts that I have been suppressing since yesterday.
What if they talk bad about me? What if it's really my fault? What if they think I'm too thickfaced to show up here?
Buti na lang Kia held my hand and gave me an assured smile to snap me out of it.
"Chin up, sis. Don't let their stare ruin your day," aniya saka bahagyang pinisil ang kamay ko.
Dahil may mga d**o naman sa quadrangle, umupo kami sa napili naming pwesto to save the spot. Pati ang mga bag namin inilapag namin so yung mga wala pa could have a spot later.
Mayroon ng mataas na flatform roon at nag se- set na ng equipment ang mga staff. Kumpleto din sa lighting at pa mega speakers.
This honestly feels like a concert to me.
Nag CR sina Ate at Kia kaya't naiwan akong mag isa.
"Haya!" Penny sat right next to me na kadarating lang. Hawak pa nya ang panyo nya na ipinupunas nya sa noo at leeg nyang may pawis. "Kaloka yung pila sa gate. Kala mo may pila ng ayuda at nagtutulakan pa sila!"
"Pupusta akong isa ka sa naki tulak."
"Syempre, of course! Palalampasin ko ba yung opportunity na yun?"
Si Penny yung tipo na iwanan mo lang, may kalokohan na namang gagawin dahil bored sya. Nung nakaraan nga lang sinurrender nya iyong bag ni Aki sa Lost and Found dahil tinawag syang Penelope by accident kaya ito si Aki laging Penelope na ang tawag kay Penny to get into her nerves.
"Penny... kumusta pala yung stall kahapon pag alis ko?"
Kinakabahan ako baka pag alis ko pala wala ng bumili sa stall namin edi malulugi kami. Nakaka guilty na nga yung umalis ako ng maaga tapos kung malulugi pa kami ng dahil sa akin, ano na lang talaga mukhang maihaharap ko sa kanila?
"Ay girl! Ubos ang paninda kahapon! Parang kinulang pa nga actually!" tuwang tuwa na sabi ni Penny.
"Huh?" nagtatakang tanong ko.
Penny laughed. "Oo girl! May mga jokes na ano daw bang lasa nung corndog at bakit nag hysterical yung Irah. Saka si Klair sabi nya lahat ng nanood ng sampalan required bumili ng corndog."
"That's good to hear."
Nawala yung guilty feeling ko nang malaman ko na ganon pala yung nangyari kahapon. Nakakatawa lang din na ginawa nilang marketing strategy yung nangyari kahapon.
They really turned the crisis into an opportunity. Our profs must be so proud.
"Tapos alam mo ba? May nag upload ng video right after the incident? You probably don't know kasi taken down na sya ilang minuto pa lang."
Lukas really took care of it, huh.
Tumango ako. "Yeah, Lukas told me kahapon."
Tumaas ang kilay nya. "Magkasama kayo ni Lukas kahapon? Wait- that's not the chika. Anyway, ang dami mong naging fan sa video na yun!"
Huh?
"Anong... Huh? Bakit?" naguguluhan kong tanong.
Anong fan? Wala ngang ka amaze amaze roon?
"Girl, very unbothered queen behavior raw yung sagutan mo kay Irah! Nag mukha daw walang breed si Irah girl!" tuwang tuwa na kwento ni Penny.
That was not my intention but okay, I guess?
"Wala naman kasing madudulot na maganda pag pinatulan ko pa. Ayaw ko naman na lumala pa lahat."
"Ay, dapat sumampal ka kahit isa lang. Dapat ibalik mo rin kung anong binigay sa 'yo. Universal law yun, Haya."
Dumating mula sa comfort room sina Ate Yuli at Kia at naupo sa tabi namin.
"Anong chika meron mga beh?" si Ate Yuli.
"Sabi ko ate dapat sinampal rin nya si Irah."
"Di bale, ako na gumawa. Wag talagang magpapakita yung babaeng yun sakin dahil nasa una sya ng listahan ng mga sasampalin ko kapag nakita ko," galit na namang sabi ni Ate.
Napalingon kaming lahat sa gulat nang may lumapit sa amin at biglang tumabi sa inuupuan namin.
Hinampas ni Ate Yuli si Ate Amelie na kararating lang. "Grabe ka! Mag announce ka naman kung nandyan ka na!"
Nangunot ang noo ni Ate Ame saka hinawakan ang braso nyang hinampas ni Ate Yuli. "Ano na naman ang ginawa ko?"
"Muntik na ka kitang ma sampal akala ko si Irah ka!" sabi ni Ate.
"Tingin mo lalapit pa yun eh sinampal mo na ng mabigat mong kamay?" Bumaling si Ate Ame sa gawi ko. "Kumusta pisngi mo Haya?"
"Okay na, ate. Hindi naman namaga ng malala," sagot ko and then ate nodded.
"Aware na yun ate na may invicible TRO sya sa atin."
"Makita ko lang talaga na samahan pa rin ni Lukas yung babaeng yun parehas ko silang pag sasa- sampalin, " sabi ni Ate Yuli.
It's exactly what Lukas said.
Palubog na ang gabi at parami na rin ng pa rami ang tao. Umiikot na yung mga disco lights at nag m- mic test na rin iyong mga performers. Allowed ang alak sa school just for the night pero hindi puwedeng bumili sa kaya may stall rin na nagbebenta nun sa may gilid ng quadrangle.
Nakafocus ako sa nag m-mic test sa may stage nang may kamay na tumakip sa mata ko. Kinapa ko kung kaninong kamay pero may nahawakan ako kaya't agad kong nahulaan kung kanino iyon.
"Lukas," tawag ko.
Lukas behind me chuckled saka ibinaba ang kamay nya na naka takip sa mata ko and then tumabi sa akin.
He is widely smiling while looking at me. Instead of his OJT attire, naka casual na sya. Maroon polo shirt, denim pants at white sneakers.
"Paano mo nalaman?" amused na sabi nya.
I reached for his hand at inangat iyon para makita nya.
"Because of this." Itinuro ko yung ponytail ko na nasa wrist nya.
Napa 'Ooh' sya nang sabihin ko iyon at tumango na para bang he approved of it.
"You look good, Hayabear. I told you, it will look good on you," aniya.
Ngumiti ako sa kanya. "Thank you, Lukas."
Thank you for building my confidence up.
Maya maya'y dumating na ang love birds at si Kuya Jonas. Naka tayo na rin kami dahil medyo siksikan na rin dahil napupuno na ng tao ang quadrangle.
It's almost seven at madilim na. Nag announce na rin na mag sisimula na. May apat raw na banda ang mag pe- perform. Two sets per band at three songs per sets. Honestly, hindi ko kilala yung mga mag pe- perform but music is still music. There's no way that I would not enjoy it.
"If you know this song please sing with us!" sigaw ng bokalista ng unang banda na nag pe perform.
A wave of nostalgia flashed to me nang marinig ko ang intro ng When I Met You ng Apo Hiking Society. It is my parent's song for each other. Lagi nilang pinapatugtog iyon sa kotse tuwing magkakasama kami.
'There I was, an empty piece of a shell
Just minding my own world
Without even knowing what love and life were all about.'
"Then you came." Sinabayan ni Lukas iyong lyrics na iyon.
'You brought me out of the shell
You gave the world to me'
"And before I knew. There I was, so in love with you..."
Ipinatong ni Lukas, na nasa likod ko dahil mas matangkad sya, ang dalawang kamay nya sa magkabilang balikat ko and he swayed my body to the rhythm.
Ang lapit ni Lukas. Diretsong diretso sa pang amoy ko ang pabangong gamit nya at ramdam ko rin ang pag hinga nya minsan sa tainga ko.
Parang may nag ru- rumble sa loob loob ko sa ginagawa ng walang kamalay malay na si Lukas.
'You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes I've gone beyond existing
And it all began
When I met you'
Inangat ko ang paningin ko kay Lukas na sumasabay sa pag kanta sa likod ko. Just exactly when I turned my head towards him, nagbaba rin sya ng tingin saka ngumiti.
"Bakit? Crush mo na ba 'ko?" Pasi pang asar nya saka ngumisi pa. He's kind of shouting or else hindi kami magkakarinigan.
Inirapan ko si Lukas saka muling humarap sa nag pe- perform. Biglang may pumutok na fireworks sa stage at gulat na gulat ang buong pagkatao ko nun kaya't pag may pumuputok ukit ay tinatakpan na ni Lukas ang tainga ko.
Inabutan kaming dalawa ni Lukas ng San Mig ni Penny. Sila Ate Yuli pa rin namin pero hindi na namin nakita kung n asaan na yung mga lovebirds.
Sa sobrang siksikan na, maya't maya na dumidikit yung katawan ni Lukas sa akin at pakiramdam ko anytime mag h-hyperventilate ako rito. Buti na lang talaga't nasa harap ako kasi kung hindi makikita nya tala kung gaano ako ka pula ngayon. Kapag rin napapa atras yung lalaking nasa harapan ko, ine extend ni Lukas yung mga kamay nya paharap para hindi ako maatrasan.
Medyo humupa yung hype dahil nagpapalit ng banda yung magpe- perform. Nang maka settle na iyong banda, hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o ano dahil may nakita akong pamilyar na lalaki sa stage.
The guy na galing sa kabilang kwarto ni Ate Amelie na nakausap ko pero hindi ko man lang nakuha yung pangalan at nakalimutan ko ring itanong kay Ate Ame kung sino iyon.
"Jonas ikaw mag hawak nitong phone ko! Dali na!" dinig kong sabi ni Ate Ame.
"Ayoko nga. Nakakangawit nga!" si Kuya Jonas.
"Dali na, mas matangkad ka sa akin eh!"
Kuya sighed. "Akin na." Kinuha ni Kuya Jonas iyong phone ni Ate Amelie saka sya ang nag video.
"Ate Ame!" sigaw ko sa kanya saka agad naman syang napalingon.
"Yes, beh?"
Itinuro ko yung guy na nasa stage na naka upo na sa may drum set. Oh. He's a drummer. "Sino yung nasa drums?"
She squinted her eyes at me. "Ay, bakit beh? Bet mo?"
Umiling ako. "Hindi, Ate. Nakita ko lang sya sa may second floor ng bahay nyo noong birthday mo. Kamag anak mo?"
Tumawa si Ate. "Beh, kapatid ko yun. Si Khalil Atlas."
Oh... I didn't know na may kapatid si Ate Ame. Kaya pala't todo support sya't may pa video pa.
Tumango ako kay Ate Amelie na natatawa habang itinuturo si Lukas sa likod ko saka bumaling at bumulong kay Ate Yulim Nilingon ko si Lukas.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Hmm... Wala naman. Wala lang." He pressed his lips saka lumingon kung saan saan.
"Sure?"
Tumango sya. "Sure. Gusto mo bang lumayo muna dito saglit?"
Kumunot ang noo ko. Si Lukas mukhang hindi mapakali sa kinatatayuan nya.
"Why? Okay ka lang ba?" nag aalala kong tanong.
"Oo, okay lang. Layo lang tayo sa likod kasi ano... medyo nakaka suffocate rito eh."
Lumingon ako sa paligid ko at oo nga. Dikit dikit kami at nagsisiksikan rito sa harap.
"Tara," aya ko sa kanya. Tumingin ako sa mga kasama namin at kinuha ang atensyon nila para magpaalam. "Lilikod lang kami saglit," sabi ko.
Tumango sila Ate Yuli at Ame na tatawa tawa. Nag umpisa na rin tumugtog iyong banda ng kapatid ni Ate Ame.
Hinawakan ni Lukas yung wrist ko saka naglakad na kami paalis.
"Excuse me. Excuse us guys," sabi ni Lukas habang nauuna syang maglakad
Akala ko mahihirapan pa kami sa pag alis sa pwesto namin dahil siksikan ang mga estudyante at mahirap lumabas lalo na't nasa unahan kami pero nakakagulat kasi nung nakita nilang si Lukas yung dadaan, awtomatikong gumigilid sila para maka daan kami tapos binabati pa sya.
Para nyang hinawi yung crowd.
Is this what you call Lukas Orion supremacy?
Nang makarating kami sa likod, naka ngiti lang ako sa kanya, amused kung paano nya nagawa yun. Siguro the first step is to be as friendly as him.
"If you guys like somebody, hold their hand at sabayan nyo kami sa chorus, okay?" sabi ng band vocalist na nag pe-perform.
From holding my wrist, Lukas slowly slipped his fingers on mine and interwined it.
My breathing hitched sa ginawa nya. Sa lahat lahat ng ginawa ni Lukas sa akin, pakiramdam ko dito ako talagang matatanggalan ng kalukuwa.
"In three! Two! One!" sigaw ng vocalist then the beat dropped.
'Put your hand in mine
You know that I want to be with you all the time
You know that I won't stop until I make you mine
You know that I won't stop until I make you mine
Until I make you mine'.
Nakangiti't naka harap sa stage si Lukas habang sinasabayan ang kanta ng Public.
Nabato na lang ako sa kinatatayuan ko habang hawak ang kamay ni Lukas.
What do I do now?
I'm holding hands with Lukas and he's singing Make You Mine.
Hinigit ni Lukas ang kamay kong hawak nya saka iniharap ako sa kanya.
"You need to know." Pag sabay nya ulit sa pag kanta. "We'll take it slow."
Umaabot sa tainga ang ngiti ni Lukas habang we stared at each other for a good couple of seconds until I pulled out from it.
Hindi ko alam paano ako nakawala sa titig nyang iyon. His eyes speaks something to me.
"Hayabear," tawag ni Lukas.
"Hmm?" Lumingon ako sa kanya.
"I saw your portrait before I got here on quadrangle. Ang ganda mo, ang ganda rin ng painting."
"Thanks to Kia. It's her artwork kaya nagkaroon ng justice yung portrait ko."
"It is beautiful because it's you."
I am flattered again with his words.
Lukas' words really works to me as a magic.
Tapos na ang last song of last set pero ang ingay ingay pa rin ng mga tao. Nakatayo pa rin kami sa pwesto namin, hinihintay sina Kuya Jule at Ate Roan dahil na aaya sina Kuya Jonas na mag pares at mami raw muna kami bago umuwi.
Lahat ay sasama, even Penny na dikit na dikit na sa kambal nyang si Kia. Halos parehas talaga ang ugali ng dalawa kaya't magkasundo talaga.
"Ay? Ano 'tong nakikita ko? Oh my gosh!" sigaw ni Ate Amelie.
From a distance, kita na namin sina Ate Roan at Kuya Jule na magkahawak ang kamay at matamis na naka ngiti habang papalapit sa amin.
Oh my gosh talaga!
Wait lang.
Does this mean...
"Oo, mga ugok. Kami na." Kuya Jule announced.
Nagtulakan at alugan kaming mga babae sa kilig nang i anunsyo iyon ni kuya. I looked at Ate Roan at hindi maitago sa mukha nya ang saya at kilig. Parehas sila ni Kuya Jule na ngiti kung ngiti.
Pinagtitinginan na kami ng mga nasa paligid namin dahil ang ingay ingay namin pero we don't really care dahil masaya kami.
Yung tatlong mag besties nagyayakapan na habang tumatalon.
"Welcome to the family, Ate Roan!" si Kia.
After namin kumalma sa pasabog nina Kuya Jule at Ate Ate Roan, nag aya na ang mga boys. Sa kotse ni Kuya, ang tatlong besties ang sakay nya. Kay Kuya Jonas naman sina Kia at Penny. Ako, sa motor ni Lukas.
Umukopa kami ng apat na dikit dikit na square na lamesa sa 24 Hours Pares at Mamihan na pinuntahan namin. Libre daw ni Kuya Jule lahat ng kakainin namin dahil masaya daw sya. Kung puwede nga lang daw mag inuman kaso may duty sila. Even the Besties.
Katabi ko si Penny at si Lukas.
"So, ano? Paano mo sinagot si Julius?" Tanong ni Ate Yuli kay Ate Roan nang maka upo kaming lahat. "Magkwento ka na dahil kanina ko pa gusto ng chika."
"Ano pa ba'ng chika gusto mo Yuli? Nagtanong ako, sinagot nya. Ano pang ikukwento roon?" sabi ni Kuya Jule kay Ate Yuli.
Inirapan sya ni Ate. "Gusto ko nga malalaman kung paano diba?"
"Ito na ba yung MIA kayong dalawa dahil may ganoong ment na pala nagaganap?" paningit na tanong ni Ate Ame.
Namula naman si Ate Roan at nangiti ulit."Ano, oo... kanina habang tinutugtog ng banda ni Khalil iyong Make You Mine. Doon."
Namula ang mga pisngi ko.
Nang marinig ko na mabanggit ni Ate yung Make You Mine awtomatiko akong napa lingon kay Lukas.
Nagtama ang paningin namin at nagkatinginan kami. I know. Parehas kami ng naiisip.
And then we both smiled sa alaalang kami lang ang nakakaalam.