Aya's P.OV
Blagggg!!!!!!...
Malakas na bumukas ang pinto at alam kong sila ang may gawa non.
Mga fredmen..
" Sino ang nakatira dito?" Tanong ng taong sumipa sa pinto namin. Alam kong madami sila base sa apak ng mga paa na narinig ko. Nakatalikod ako sa gawi ng pinto kaya hindi ko sila makita ng maayos at gustuhin ko mang lumingon ay pinigilan ko dahil nga magpapangap ako ng bingi sabi ni mama.
" Manganggang angaw mgang nginoo." Ngungong sabi ni mama at pinigilan ko ang hugalpak ng tawa sa boses niya, talagang pinanindigan niya ang pagiging ngungu.
" Anong sinasabi mo?" Tanong ng Isa sakanila.
" Ang ngabi ngo manganggang angaw mgang nginoo."
" Bakit ganyan ka magsalita?" Nagtatakang saad nila mukang walang naiintindihan kay mama.
" Mangingya nga mga nginoo ang angoy ngungu" malungkot pang sabi niya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan kong mapahagalpak ng tawa.
" Pinagsasabi mo jan!" Naiinis na sabi nila.
" Mangingya nga ---" magsasalita ulit sana si mama ng pinutol ito ng Isa sa kasamahan nila.
" Ngungu ata Yan sir" sabi pa nung isa.
" Ngungu? E bakit di siya bungi?" Nagtatakang tanong pa nito.
" Ngangi ngo ngingi ngo hingi ngo ngahat ngang ngungu e ngungi. "
"Huh"
" Sir ang sabi ata niya hindi lahat ng ngungu ay bungi" pagtatama pa nung isa.
" Eh ano pala ? "
" Wangang ngila at ngangala" sagot naman ni mama. Grave di lang pala maganda,sexy at matalino si mama talented pala siya sa ganito.
" Anong sinabi niya? " Tanong ulit.
" Walang dila at ngalangala"
" Pano nangyari yun?" Nagtatakang tanong pa nito.
" Sir may ganon po talagang tao na pinanganak ng ngungu" pagpapaliwalanag pa nong isa.
" Pano ko masisigurado na hindi ka nagpapanggap?"
" Ngong ngusto niyo ngingnan ngyo pa ngang munganga ngo nga ngimang ngaon nang wangang sepilngyo." Grave kunti nalang at diko na ta mapapanindigan ang pagiging bingi. hanep ba naman kasi si mama magsalita halos wala na akong maintindihan mas malala pa siya sa ngungu.
" Kong gusto mo raw sir silipin mo daw yung bunganga niyang limang taon ng walang sepilyo."
" Ano!!! At bakit ko naman gagawin yun?" Galit na sagot pa nito.
" Banga ngan----- "
" Manahimik kat wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo!"
Pasigaw pa nitong sabi.
Tumahimik si mama pati nadin yung nagsalita at ramdam ko ang baling ng tingin nila saakin. Mejo pinagpapawisan na ako dito dahil nadin sa takot na baka mabuko.
" At sino naman tong Isang to?"
" Angak ngo sir" sagot ni mama
" Anak niya daw sir"
" Ano? Anak mo to? " Ramdam kong tinuro niya ako. " Sa tanda mong yang nag anak kapa talaga"
" masarap eh" bulong pa ni mama at napapikit ako ng ng marinig yun.
" Anong sabi mo?"
" Eh .. ang ngabi ngo, ungo angak kongo siya"
"Sabi niya sir anak po talaga niya ang bruhang Yan."
" Anong pangalan niya?" Tanong pa nito.
" Pangita" sabi ni mama
" Pangita? Ang pangit pangit niya" nang insulting sabi pa niya.
" Ikaw ngadin e nagreklamo ba kami" bulong bulong ni mama.
" Anong sabi mo!!!"
" Nangi nga pangit siya"
" At ano naman ang pangalan mo?" Tanong nito sakanya.
" Ngungita" hahahah mama Ikaw na talaga.
Ramdam ko ang pagkawala niya ng mahabang hining dahil nalang siguro sa wala siyang mapapala dito saamin.
" Wala nabang Ibang babae dito"
" Wanga ngapo sir, pero ngong ngusto ngiyo ango ngalang."
" Kong gusto niyo po daw sir siya nalang daw "
" Hindi kaba nandidiri sa sarili mo!, At Ikaw bakit mo alam yung mga sinasabi niya?" Tanong nito sa kasamahan.
" Ah kasi sir yong kapatid ko ngungu din tulad niya, pero may itsura yun di tulad niyang bruhilda" narinig kong nag bunting hininga yung lalaki.
" Umalis na tayo! Wala tayung mapapala sa bahay ng mga aswang nato!. " Pasigaw pa na utos niya sa mga tauhan pag katapos ay narinig kong nag lakad ulit sila papunta sa pinto at ng wala na akong marinig na yapak dahan dahan akong tumingin sa pinto. At ng makita na wala na sila ay nilingon ko ang nanay kong nakasunod ng tingin sa labas.
Dali dali akong lumapit sakanya.
" Hanep ma ang ganling mo" kinindatan niya naman ako.
" Ako lang to" pagmamayabang pa niya.
" Di ko akalain na talented kadin pala sa pagiging ngungu ma, grave subrang wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo eh! "
" Ano kaba, kasi nga diba ngungu ako kaya dapat ganon"
" Oo nga ma eh halos walang pinagkaiba kapag kumanta ka" agad naman niya akong sinamaan ng tingin tapos kinurot nanaman.
" Aray ma! Araay aray! Ma tama na!"
" Ikaw na bata ka pasalamat kat naisip ko ang ganon kundi prehas tayung nakuha ng mga yun." Pinadidilatan niya ako.
" Aray! Ssorry na ma, nag joke lang naman kasi ako eh"
" Pwes hindi nakakatuwa!"
Akmang kukurutin niya ako pero umiwas na ako ng tuluyan sakanya at dali daling pumasok sa kwarto ko. Di naman niya ako sinundan.
Tumungo ako doon sa salamin at tiningna ang itsura ko, kaya naman pala pinagalanan niya ako ng pangita kanina dahil subrang pangit ko naman talaga sa itsura ko ngayun.
Buhaghag ang buhok, madumi ang damit, at ang mukha na parang e crecremate na. In short.
Ang pangit talaga.
Napabuntong hininga ako, kong tutuusin mas matitiis ko pa ang ganitong itsura kaysa pagkaintiresan ako ng mga demonyung yun. Mga halang kaluluwa ng mga yun. Kahit na mga minorde edad basta natipuhan nila ay walang awa na kukunin nila at pagsasamantalahan tapos papatayin.
Sana katulad namin ni mama malampasan din ng iba ang mga yun, hinhiniling ko nalang sa itaas na wala sanang mapahamak saamin ngayun.
Humiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Maya maya pa ay naramdaman ko nalang ang hinila na ako ng antok.
" Aya anak, gising na" nardaman kong may yumuyug saakin kaya naman dumilat ako at nakita ko si mama. Pungay pungay ang mata na tumingin ako sa bintana at pagtingin Koy madilim na sa labas.
" Aya bumangon kanat maglinis ka ng sarili tsaka kumain kanadin" sabi niya, nakaayos na siya malinis ng tignan at nakasulay nadin ng maayus ang kanyang mga buhok.
" Ma, ang mga fredmen? Anong Balita? " Kinakabahan tanong ko sakaniya. Ngumiti naman aiya saakin.
" Wag Kang mag alala anak, dahil Wala ni isa silang nakuha sa araw nato."
" Ho. Talaga po ba ma" tuwang tuwa ako sa narinig, tinupad ng itaas ang hiling ko na sana walang mapahamak ngayun at sana mag tuloy tuloy pa.
" Umalis ang mga fredmen na walang nakuha kaya naman mainit ang mga Ulo non. Pero wag parin tayung makampanti dahil kilala natin ang yun na di napapakali hanggat di nakukuha ang gusto nila. "
Totoo ang sinabi niya at di ako magugulat kong dadalaw ulit sila para maka tyempo ng mga babaeng mabibiktima.
" Bumangon ka najan " utos niya ulit saakin.
Bumangon ako at tumango bago pumunta sa banyo para maglinis ng katawan tudo koskos ako sa buhok dahil subrang buholbuhol nito at paniguradong mahihirapan akong suklayin ito mamaya. Pagkatapos ng lahat ay kumain nadin ako at dahil gabi nadin natulog lang din ako ulit.