Kabanata 26

1486 Words
Hindi ko na matandaan kung ilang beses na akong nag pabalik-balik sa loob ng banyo. Ang alam ko at nasusuka ako pero bakit pagdating sa loob ng banyo ay wala naman akong maisuka!? Frustrated na ako, at hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa sarili ko. May gusto akong gawin na hindi ko naman alam kung ano?. May hinahanap ako pero hindi ko naman alam kung ano? Nagugutom ako pero pagnasa harapan ko na ang pagkain ay naduduwal naman ako. Naiinis na sinabunutan ko ang aking sarili hanggang sa tuluyan na akong naiyak. “Maurine, nasabi sa akin ng kasambahay mo na may sakit ka raw?” Si ate Miles na biglang pumasok sa loob ng aking silid, sakto naman na parang ba-baliktad na ang sikmura ko kaya nagmamadali akong lumuhod at sinubukan na muling sumuka, pero wala naman akong maisuka. Pag-angat ko ng aking mukha ay sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni ate Miles. Kinabahan akong bigla at napalunok ng wala sa oras dahil sa matiǐm nitong tingin na wari moy inaarok ang buong pagkatao ko. Dahan-dahan akong tumayo, lumapit sa maliit na lababo, nagtoothbrush bago naghilamos. Kasalukuyan kong tinutuyô ng towel ang aking mukha habang humahakbang palabas ng banyo. Tahimik akong naupo sa gilid ng kama, maging ang ate ko ay nanatili ding tahimik na wari mo’y nagpapakiramdaman lang kaming dalawa. “Sino ang ama, n’yan?” Maya-maya’y tanong nito sa akin. Naumid ang dila ko, at alumpihit na ako sa aking kinauupuan. Hindi ko kasi alam kung paano sasagutin ang tanong nito sa akin. “Answer me, Maurine.” Matigas na saad ni Ate Miles na wari moy nauubusan na ng pasensya. “H-Hindi ko kilala…” nauutal kong sagot, habang nakatitig ang mga mata ko sa marmol na sahig. “What!?” Literal na umawang ang bibig ni Ate, hindi makapaniwala sa naging sagot ko, muli na naman akong napalunok ng wala sa oras. “My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano ka nabuntis ng hindi mo nalalaman kung sino ang ama n’yan!?” Naibulalas nito sa akin, habang ako ay nanatiling tahimik sa aking kinauupuan. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayo!” Disappointed na naibulalas ni ate bago ako nito tinalikuran. Nasapo ng mga kamay ko ang aking mukha at dito ay pinakawalan ko ang aking mga luha. Maging ako ay hindi rin makapaniwala sa mga nangyayari sa akin. “Sa oras na malaman ko kung sino ang ama ng isa sa mga anak mo, patawarin ako ng Diyos, pero mapapatay ko sila!” Ito ang matinding banta na iniwan sa akin ni ate Miles bago siya tuluyang lumabas ng silid. Ramdam ko ang matinding pagpupuyos ng kalooban nito. Pero ano pa bang magagawa ko? nangyari na ang lahat at tulad ng mga nauna ay mag-isa ko na naman itong haharapin. Hindi na maampat ang luha sa aking mga mata, ito lang naman ang kaya kong gawin ang umiyak. “Mommy! Tita Mommy, told me that you need me here. Why are you crying, Mommy?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Chiyo, nang masilayan ko ang inosente nitong mukha ay tila gumaan ang dibdib ko. Mabilis na pinunasan ang mga luha sa magkabilang pisngi ko. Nakangiti na binuhat ko si Chiyo at iniupo ito sa aking kandungan. “Listen, Sweetie, magkakaroon ka na ng kapatid, dahil may baby sa loob ng tiyan ni Mommy.” Malambing kong wika sabay dampi ng isang banayad na halik sa matambok nitong pisngi. Proud pa ang pagkakasabi ko nito sa aking anak, kahit na nandyan pa ang yaya nito. Sa tabi nito ay isa pang katulong na may dalang tray na merong lamang mangga at Ice cream. Namilog ang asul na mga mata ni Chiyo kasunod nun ay tuwang-tuwa ito. "Does this mean I’ll have a playmate, Mommy? I want a baby brother.” Magiliw na wika ng aking anak, kaya nanggigigil na hinalikan ko ang matambok nitong pisngi. Hindi ko na pinansin ang naging reaksyon ng mga katulong. Alam ko naman kung ano ang tumatakbo sa utak nila, na isa akong disgrasyada. "I also want a baby boy." Nakangiti kong sagot bago masuyo itong niyakap. Sa isang iglap ay nawala ang lahat ng mga alalahanin ko sa buhay. Ate Miles is right, kailangan ko talaga si Chiyo sa tabi ko upang kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. ————-//////———— “Oh, saan ka na naman pupunta!?” Naiinis na tanong sa akin ni kuya Harold. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa isang mamahaling hotel. Dito kasi napili ni kuya Xav na ganapin ang meeting sa pagitan namin ng mga board member ng Remirez Ceramic Corp. Para daw masigurado niya ang kaligtasan ng kanyang mag-ina dahil kabuwanan na ni Ate Miles., At syempre para mailayo na rin daw ako sa kapahamakan, lalo na at buntis ako. Naging personal bodyguard ko tuloy si kuya Harold mula ng malaman ni Ate na buntis ako. Sa ngayon ay hindi ako pinapansin ni Ate Miles dahil iniisip niya na kilala ko daw ang lalaking nakabuntis sa akin, pero pinagtatakpan ko lang daw ito. Hindi ko kasi masabi sa kanya ang eksaktong namagitan sa amin ng lalaking ‘yun dahil nahihiya ako. Isa pa, baka mapatay ako ni Ate sa oras na malaman niya na ginusto ko rin ang nangyari sa amin ng lalaking ‘yun. “One moment, please, kuya Harold, it’s so nice talaga here.” Namamangha kong saad habang panay ang tingin sa kabuuan ng malaking hotel na ‘to. Lalo na ang salaming sahig nito na parang akala mo ay aquarium. My gosh ang daming isda sa ilalim! Nagmukha tuloy akong bata na parang akala mo ay ngayon lang nakakita ng higanteng aquarium. Nang mag-angat ako ng mukha ay mas lalo akong namangha dahil mula sa likod ng makapal na salaming pader ay nakikita ko ang malawak na hardin. Napapaligiran ang hardin ng mga sariwang bulaklak. Subalit ang mas lalong umagaw sa atensyon ng lahat ng tao sa paligid ay ang mga upuang natatakpan ng puting tela habang may kulay kremang ribbon na nakadisplay sa bawat sandalan ng mga upuan. Mukhang may magaganap na kasalan, isang mahalagang okasyon na kay tagal kong pinangarap na maranasan. Ngunit, batid ko na napaka imposible nitong mangyari. Malungkot na pinagmasdan ko ang munting altar sa unahan na napapaligiran ng magagandang bulaklak. “Bakit, malungkot ka? Gusto mo rin bang ikasal? Sabihin mo lang at pakakasalan kita ngayon. Pagkatapos kasal ay iuuwi din kita agad sa inyo.” Ani ni kuya Harold na lumapit sa akin at tumayo sa tabi ko. Mas lalong sumamâ ang loob ko, dahil sa sinabi nito. “Oh my god, kuya, shut up! Dahil kahit bulag ako ay never kong papatulan ang pagmumukhang ‘yan!” Naiimbyerna kong sagot sabay talikod. Hindi naman sa nilalait ko ito, dahil gwapo rin naman si kuya Harold, abnormal nga lang! Ang lakas kasi nitong mang-asar. “Wala kang utang na loob, pakakasalan ka na’t lahat nagrereklamo ka pa!” Sermon nito sa akin, see!? Hindi pa man nangyayari ay isinusumbat na kaagad sa akin! “Kung ikaw rin lang, di bale na lang kuya , buburuhin ko na lang ang sarili ko sa pagtanda kaysa ang makasama ang isang abnormal na katulad mo!” Pang-aasar ko dito, sabay bira ng takbo. “Hoy gwapo ‘to! Teka! Saan ka na naman pupunta!?” Sigaw nito sa akin habang hinahabol ako. Mabilis akong nakapagtago sa stockroom na nadaanan ko. Natawa pa ako ng makita ko nilampasan ako ni kuya Harold habang nagmamadali itong tumatakbo. Mabilis akong lumabas sa aking pinagtataguan. Ngunit ng makita ko na pabalik siya sa aking direksyon ay mabilis kong tinahak ang isang pasilyo na hindi ko alam kung saan patungo. Maaga pa naman, at syempre para makaganti sa makulit na ‘yun ay pahihirapan ko siya sa paghahanap sa akin. Mabilis kong binuksan ang isa pang pinto at kaaga na nagtago sa gilid ng pintuan. Natawa pa ako ng makita ko mula sa salamin ng pinto ang pagdaan ni Kuya Harold. Nang maramdaman ko mula sa aking likuran ang mga yabag na papalapit sa ‘king kinatatayuan at nagkunwari akong may hinahanap sa loob ng aking bag. Baka mamaya kasi ay mapagkamalan pa akong luka-luka na naglalaro ng tagu-taguan. Dahil sa babâ ako nakatingin ay tanging kalahating katawan lang ng lalaki ang nakita. Nakasuot siya ng short trunks habang nakapaa, halatang galing ito sa pag-swimming. Saka ko lang napagtanto na nasa swimming pool area pala ako. Subalit, natulos ako sa aking kinatatayuan ng nahagip ng mga mata ko ang kalahating tattoo ng lalaki mula sa likod nito. Isang alaala ang biglang lumitaw mula sa aking balintataw. “Oh my god! Ang tattoo!” Ang naibulalas ko kasabay ang pagdagsa ng matinding kilabot sa buong pagkatao ko!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD