Manila International Airport
“Nasa airport na kami Mom, don’t worry, sa mansion na kami di-diretso ni Stella, yes, mom, I promise.” Nakukulitan kong sagot sa aking ina. Kararating lang namin dito sa Pilipinas galing Montenegro.
Hindi pa man kami nakaka-sakay ng eroplano ay panay na ang tawag sa akin ng aking ina. Para itong isang teenager na takot matakasan mula sa isang date.
Hindi ko na mabilang sa daliri kung ilang beses itong tumawag sa akin para lang ipaalala na dumiretso sa Mansion.
Akmang papatayin ko na sana ang tawag ngunit nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng isang babae sa gilid ko. Kamuntikan ko pang mabitawan ang aking cellphone mabuti na lang ay mabilis ang naging reaksyon ng aking katawan.
“Oppss, sorry!” Pagkatapos na walang pakundangan na banggain ng babaeng ito ang tagiliran ko ay parang balewala lang na nag sorry sa akin. Saka walang pakialam na nagpatuloy sa paglalakad.
Sinundan ko ng isang matalim na tingin ang likod ng matangkad na babaeng bumangga sa akin. Nakakatawa lang isipin, sa kabila ng galit na nararamdaman ko ay kung bakit sa malaking balakang pa nito napako ang tingin ko.
Masyadong maikli ang miniskirt na suot ng babae kaya bumaba ang tingin ko sa maputi at bilugan nitong mga hita. Napalunok ako ng wala sa oras at bigla akong naalarma ng magreact ang aking p*********i. Naninigas na ito ng husto at parang gusto ng lumabas mula sa kanyang hawla.
“Huh? Kung makareact ay parang akala moy hindi baog.” Kastigo ko sa aking sarili, lihim pa akong napasinghal para sa aking sarili.
Natulos ako mula sa aking kinatatayuan ng mapunta ang atensyon ko sa isang munting bata. Nakaupo ito sa ibabaw ng maleta na hila ng babae sa kanyang tagiliran.
Saglit na nagpanagpo ang mga mata namin ng bata, at ewan ko ba, pero labis akong nahihiwagaan sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Parang may kung anong damdamin ang humaplos sa puso ko ng ngumiti sa akin ang munting anghel na ‘to.
Kusang lumitaw ang mga ngiti sa labi ko ng kumaway pa ito sa akin. May kung anong nagtulak sa akin na habulin ang mag-ina, dahil ang puso ko ng mga oras na ito ay tila hindi na mapakali. Subalit may ilang dipâ na ang layo nila sa akin.
“No, Please…” kusa itong lumabas sa bibig ko sa hindi malamang dahilan. Halatang nagmamadali ang babae dahil mabilis ang bawat hakbang nito.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at kung bakit kailangan kong habulin ang mag-inang ito.
Para akong naliligaw sa isang madilim na lugar at ang tanging liwanag lang na nakikita ko ay ang liwanag na nagmumula sa mag-ina. Sinikap ko na hawiǐn ang mga tao sa aking harapan na nagsisilbing sagabal sa daraanan ko.
Habang sinusundan ko ang mag-ina ay nakapako lang ang tingin ko sa mala anghel na mukha ng batang babae. May kung anong mahika ang humihigop sa akin na lapitan at hagkan ito. Parang naghimagsik yata ang dibdib ko ng iangat ng bata ang kanyang kamay na wari mo ay nais nitong abutin ang kamay ko.
Sumikdo ang puso ko at binalot ito ng kakaibang emosyon. Ang puso ko? Tila puno ito ng pananabik na mahagkan at maikulong sa ‘king mga bisig ang batang babae. Walang kamalay-malay ang ina ng bata sa mahiwagang damdamin na nag-uunay sa ‘min ng anak nito.
Konti na lang, at maaabot ko na sana ang mag-ina, ngunit naudlot ito ng may biglang humila sa braso ko.
“Babe!” What happened? Sinong hinahabol mo?” Si Stella na bigla na lang sumulpot sa likuran ko at mahigpit na kinapitan nito ang kaliwang braso ko. Mabilis ko siyang nilingon, na dapat pala ay hindi ko na lang ginawa, dahil sa muling paglingon ko sa direksyon ng mag-ina ay tuluyan ng naglaho ang mga ito.
Hindi mapakali na inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Nagbabakasakali na makita ko silang muli. Pero bigo ako, at matinding panghihinayang ang nararamdaman ko.
Damn! Ano ba ang nangyayari sa akin?
Bakit hanggang dun na lang ang pagnanais ko na maabutan ang mag-ina na ‘yun gayong hindi ko naman sila kilala. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago muling lumingon sa direksyon na tinahak ng mag-ina. Ang weird pero talagang hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Walang salita na tinalikuran ko si Stella at tinungo ang exit ng airport.
“Hey, what happened? Hindi na kita maintindihan, kanina basta mo na lang akong iniwan. And now tatalikuran mo na lang ako na parang akala mo ay hindi nag-eexist sa harap mo!?
Tila nauubusan na tanong ni Stella habang nakasunod sa aking likuran. Ramdam ko sa tinig nito na anumang oras ay magsisimula na itong mag-eskandalo.
“Not here, Stella.” Matigas kong saad na may halong babala, I know her napakaingay nito, at sa oras na inabot ito ng selos ay wala siyang ibang pinipiling lugar. Dahilan kung bakit mas gusto ko na lang ang mamalagi kami sa loob ng bahay kaysa ang ma-eskandalo.
Malaki ang hakbang na lumabas ako ng airport halos wala na yata akong pakialam kahit maiwan ito. Ngayong araw ay merong dinner meeting na magaganap sa pagitan ng pamilya ko at ng pamilya ni Stella. Pag-uusapan dito ang tungkol sa aming kasal at pati na rin ang tungkol sa benepisyo ng aming mga kumpanya.
This is not an ordinary wedding, it's also about a business. Tradisyon na ng aking pamilya ang i-pagkasundo kami sa mga babaeng may konektado sa negosyo. Napaswerte na lang ang mga kapatid ko dahil sila mismo ang nakahanap ng tamang babae para sa kanila.
Sa edad kong ito ay wala na akong pakialam kung sino man ang ipakasal sa akin, kaya kahit pangit ang ugali ng fiancee ko ay tinanggap ko na lang din. Naisip ko rin naman na walang magtatagal sa aking babae dahil sa kapansanan ko.
Lahat naghahangad ng isang masayang pamilya, pero sa Lahat naghahangad ng isang masayang pamilya, pero sa kaso ko ay malabong magkaroon ako ng ganung klaseng pamilya dahil isa akong inutil.”
Pagdating sa labas ng airport ay biglang natigil sa paghakbang ang mga paa ni Andrade. Natulos siya sa kanyang kinatatayuan ng mula sa di kalayuan ay binuhat ng isang lalaki ang batang babae na kanyang hinahabol.
Subalit, ang higit na gumimbal sa kanya ay ng makita niya ang mukha ng ina ng bata.
Tila bumigat ang dibdib ni Andrade ng makilala niya ito, dahil ito ang dalagitang nangako sa kanya na magpapakasal sila pagdating nito sa tamang edad.
Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi, kasunod nito ang pagdilim ng kanyang mukha. Mabigat ang mga hakbang na tinungo ni Andrade ang sasakyan at mabilis na sumakay dito.
Mula sa kanyang mga mata ay nanlilisik na sa galit ang mga mata ni Stella, lalo na ng makita niya kung sino ang tinititigan ng kanyang nobyo.
Matalim ang tingin ni Stella kay Maurine, at nagkataon naman na lumingon si Maurine sa direksyon ni Stella. Marahil ay naramdaman nito ang mga titig ni Stella.
Tila nilamon ng inggit ang puso ni Stella ng matitigan niya ng husto ang magandang mukha ni Maurine. Iniisip niya na bukod sa maganda ang babaeng ito ay di hamak na mas bata sa kanya, kaya tila nakaramdam ng kabâ si Stella. Na baka maging sagabal ang babaeng ito sa relasyon nila ng kanyang nobyo.