"A source revealed a major secret about one of the children of business tycoon Mr. Cedric Hilton. Andrade Quiller Hilton, the fourth child of the Hilton siblings and current CEO of Steel Quiller Corporation.
Mr. Andrade is known to be elusive to the public as to why his life has remained private.
The world was stunned when news broke about Mr. Andrade's infertility, explaining why, despite his long-term relationship with famous model and businessman's daughter Stella Cruz, they have not been able to have a child."
Nanlaki ang mga mata ni Maurine ng mapanood niya ang balita tungkol kay Andrade. Biglang umusok ang kanyang bunbunan at mabilis na nag-init ang kanyang ulo. Kulang na lang ay batuhin niya ng buto ng mangga ang malaking flat screen tv nila dito sa salas.
“Aba’t gagong ‘to!”
“Mommy, who’s gagho?” Tanong naman ni Chiyo na seryosong nakatingin sa kanyang mukha. Parang gusto tuloy niyang batukan ang sarili, dahil nakalimutan niya na kasama nga pala niya ang anak. Dahil kasalukuyan silang naglalaro na mag-ina.
“Huh? No, Sweetie, I said Kwago.” Nakangiting paliwanag ni Maurine sa kanyang anak na pilit inililigaw ang bagong natutunang salita ng kanyang anak.
“Mommy, you told me that we’re going to move into daddy's house?” Nanghahaba ang nguso na tanong ni Chiyo habang pilit na umaakyat ang makulit na bata sa sofa. Tinulak naman ito ni Maurine paitaas gamit ang kanyang kanang paa para tuluyan itong makasampa sa kinauupuan niyang sofa.
“I’m sorry, Sweetie, pero hindi pa tayo pwedeng lumipat sa bahay ni Daddy, kasi hindi pa tapos gawin ang bahay ni Daddy.” Pagsisinungaling nito para hindi na mangulit pa ang ang kanyang anak.
“Bedtime na, Sweetie, mauna ka na sa kwarto susunod si mommy.” Utos nito sa kanyang anak, pagkatapos nitong humalik sa kanyang pisngi ay humakbang na ito palapit sa kanyang yaya.
“Wala kang bayag, Andrade! Mabuti pa si Kuya Xavien, handang ipaglaban si ate Miles. Pero ang gagong ito ay mas gugustuhin pang maging kahiya-hiya sa paningin ng lahat para lang matakasan ang responsibilidad sa kanyang anak!” Nanggagalaiti na wika ni Maurine ng wala na ang kanyang anak sa paligid.
“Huh? Baôg!? Sa oras na magkita tayo, sisiguraduhin ko talaga na matutuluyan kang maging baôg sa akin! I swear! Because I’m going to crack your egg! Hrrrr…” nanggagalaiti na wika ni Maurine.
“Huh? Kuya Harold kumusta si Ate?” Masayang tanong ni Maurine na makita nito ang pagpasok ng isa sa may pintuan ng Villa. May dala itong mga prutas na halatang galing pa sa probinsya dahil nakalagay ito sa isang bayong.
“Huh? Kailan ka pa natuluyan?” Tulad ng inaasahan ni Maurine ay kahit kailan talaga hindi ito matinong kausap. Kaya naman nanghaba na ang nguso ng magandang si Maurine.
“Maayos na ang lagay ng ate mo, nagbilin siya sa akin na bantayan daw kita habang hindi pa siya makakalabas ng hospital.” Ani nito na may halong pang-aasar. Mas lalong hindi na maipinta ang mukha ni Maurine, dahil naiinis siya sa tila batang pagtrato sa kanya ng mga ito.
“Para sa inyo ni Chiyo, nang malaman ni Nanay na nandito na kayo sa Pinas, ay ipinadala kaagad niya itong unang ani ng kanyang mga tanim na rambutan at mangga.” Ani nito sabay abot ng bitbit nitong bayong sa isang katulong.
“Kuya aalis ka na agad? Why don’t you sleep here and bukas ka na lang umuwi?” Si Maurine habang namimili ng mangga mula sa dala ni Harold.
Nang makapili ito ay kaagad itong dinala sa kanyang bibig subalit mabilis na itong napigilan ni Harold.
“Ay hugasan mo ‘yan! Huwag mong sabihin na hindi ka na maarte ngayon? kundi PG ka na ngayon?”
“What do you mean PG? Mukha kasing masarap.”
“Patay gutom.” Napalis ang ngati sa mga labi ni Maurine, tumalim ang tingin niya kay Harold na wari moy gusto na niya itong sakalin. Habang ang mga katulong sa paligid ay natatawa sa matino nilang usapan.
“Sige na kuya umalis ka na, hindi mo na kailangan na magpaalam, dahil quotang-quota ka na sa akin!” Nanggigigil na saad ni Maurine. Mas lalo lang siyang napikon ng tapikin ni Harold ang kanyang ulo sabay sabi nang, “magpakabait ka dito, hm?” Pakiramdam ng dalaga ay ginawa siya nitong aso.
Mabilis pa sa alas kwatro na nakatakbo si Harold palabas ng bahay dahil siguradong makukurot na naman siya ng malditang si Maurine.
“Madapa ka sana! Pangit!” Nanggagalaiting sigaw ni Maurine. Marahil kung hindi lang siya buntis baka hinabol na niya ito para batukan. Natatawa ang mga katulong sa kulitan ng dalawa.
“Ma’am, Maurine, bagay kayo ni Sir, Harold, akala ko noong una asawa mo si Sir.” Nakangiting pahayag ng katulong, tila umusok ang ilong ni Maurine sa sinabi ng kanyang kasambahay. Pinandilatan niya ito ng mga mata kaya napaatras ang katulong sa takot.
“Tsismosa ka rin eh, noh? Rendahan mo ‘yang bibig mo at baka itali kita sa pangit na ‘yun.” Naiinbiyerna na saad ni Maurine kaya mabilis na natakpan ng kasambahay ang kanyang bibig.
“Bakit ba lahat ng tao sa paligid ko ang lakas ng mga tama, hmp, parang ayoko na yata sa earth!” Bulong pa ni Maurine habang pumapanhik ng hagdan.
Samantala sa Mansion ng mga Hilton.
Wala ng tigil sa katatawa sina Xion At Xaven habang nanonood ng balita. Tila balewala sa kanila ang tsismis na kumakalat tungkol sa kanilang kapatid. Imbes na maalarma ay tila isang malaking biro para sa kanila ang sinasabi sa balita.
Dinukot ni Xaven ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang maong na shorts. Pagkatapos na magdial ay kaagad na pinindot ang loudspeaker upang marinig ng lahat ang sasabihin ng nasa kabilang linya.
“Hey, bro, congrats! Sikat ka na!” Pang-aasar ni Xion.
“Shut up, Xion!” Napipikon na sagot naman ni Andrade mula sa kabilang linya.
“Kuya, anong pakiramdam ng baôg?” Natutuwa na tanong naman ni Xaven kaya pati si Summer na tahimik sa isang tabi ay biglang natawa. Naniniwala kasi sila na hindi totoo na baôg ang kapatid nila.
“Damn you!” Mura ni Andrade bago ito tuluyang nawala sa kabilang linya.
“Kayong dalawa, tigilan ninyo ang kapatid n’yo. Bakit hindi na lang kayo lumayas dito at maghanap ng babaeng pakakasalan niyo?” Taas kilay na saad ng ina nilang si Mrs. Lexie.
“Mom, naman, hindi ka pa rin ba kuntento sa dami ng mga apo mo? Pati kami ay tinutulak mo ng mag-asawa.
Bakit hindi na lang si kuya Timothy ang pilitin ninyong mag-asawa. Di hamak na mas matanda pa siya kaysa sa amin.” Sagot ni Xion bago nang-aasar na lumingon kay Timothy na kasalukuyang abala sa laptop nito na nakapatong sa kandungan nito.
“Shut up.” Sagot naman ni Timothy bago pinukol ng isang matalim na tingin ang kanyang kapatid.
“Oo nga pala, kailan mo balak mag-asawa Timothy? Kapag puti na ang lahat ng buhok mo d’yan sa babâ?” Baling naman ni Mrs. Lexie sa kanyang anak na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.
“Soon, Mom… “ tipid nitong sagot, subalit hindi tinanggap ng ina ang naging sagot ni Timothy.
“Ilang taon ko ng narinig ang soon na ‘yan, baka mamaya naka wheelchair na ako ay soon pa rin ang naririnig ko sayo!”
Muling natawa na naman ang magkakapatid habang si Xaven ay pasimple ng tumatakas dahil siguradong kapag may sermon ang isa lahat sila damay.
“Kumunot ang noo ni Mrs. Lexie ng pagpihit niya sa kanyang likuran ay wala na ang kambal. Muli niyang nilingon si Timothy subalit maging ito ay mabilis ding naglaho.
“Good job, Mom! Lumayas na sila.” Natatawa na saad naman ni Summer.
“Hay, samalat, tahimik na muli ang Mansion.” Natatawa na sabi ni Mrs. Lexie bago mabilis na umupo sa tabi ng anak niyang si Summer upang manood ng inaabangan nilang telenovela.