Kabanata 11

965 Words
“Halos isuka ko na pati ang bituka ko, at kulang na lang ay ilublob ko na ang mukha ko sa loob ng bowl. Subalit, kahit anong suka ko ay wala naman akong maisuka. Halos hindi na nga mabilang sa daliri kung ilang beses na akong nagpabalik-balik dito sa loob ng banyo. Kulang na lang ay dalhin ko sa kama ang toilet bowl na ‘to dahil nanghihina na rin ang mga tuhod ko. What’s wrong with me ba? I don’t remember na kumain ako ng nakasasama sa sikmura ko. I think kailangan ko yatang magpalaway kay kuya Harold sa noo. Simula kasi ng batiin niya ako kahapon ay nagsimula ng sumamâ ang pakiramdam ko. Muli ko na namang isinubsob ang mukha ko sa inidoro at tulad ng mga nauna ay wala naman akong maisuka. Bigla, para akong natuklaw ng ahas dahil natulala ako sa kawalan. “Oh my gosh!!” Natitilihang wika ng utak ko ng mapagtanto ko ang isang bagay. Parang humiwalay na yata ang kaluluwa ko sa aking katawan. “I’ve been delayed for a month!?” Natigilan ako ng maramdaman ko ang paghagod ni Ate Miles sa aking likod. Nakaramdam ako ng kasiyahan dahil sa wakas ay hindi na siya galit sa akin. Subalit, sa kabila ng kasiyahan na nararamdaman ko ay naroon ang takot. Pinilit kong tumayo at lumapit sa munting lababo. Nang mahulasan ay nagmumôg ako bago umiiyak na humarap kay ate Miles. Nanginginig na ang katawan ko habang pinagpapawisan na ako ng malapot. Nag-aalala na dumukot siya ng panyo mula sa kanyang bulsa at mabilis na pinunasan nito ang pawisan kong mukha. Natigilan siya, nang bigla akong yumakap sa kanya, naramdaman ko na gumanti siya ng yakap sa akin sabay hagod sa likod ko. “A-Ate... b-buntis ako...” lakas loob kong sabi at mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Natatakot kasi ako na baka murahin o ipagtabuyan niya ako. Sa oras na mangyari ‘yun ay hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa aming mag-ina. Dala ng matinding emosyon ay napahagulgol na ako ng iyak sa dibdib ni Ate Miles. “Don’t worry, I’m here for you, a-alagaan natin siya at bibigyan ng magandang buhay. Hindi ka nag-iisa, you have my full support.” Ramdam ko ang matinding pagmamahal sa akin ni Ate Miles. Nang marinig ko ang sinabi niya ay dagling naglaho ang lahat ng takot at pangamba sa puso ko. “Now tell me, sino ang ama ng pinagbubuntis mo?” Seryoso niyang tanong sa akin, natigilan akong bigla, nagsimulang maging tensionado ang katawan ko. Mabilis pa sa alas- kwatro na lumayo ako kay ate Miles, habang panay ang pisil ng kanang kamay ko, sa kaliwang kamay ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi ko kilala ang ama ng aking anak? Paano ko ba ipapaliwanag sa kapatid ko na isang aksidente ang pagkaka-buntis ko? I know her, kahit sabihin ko sa kanya na hindi ko kilala ang lalaking nakabuntis sa akin ay sigurado ako na hindi siya maniniwala. Inaalala ko rin na kapag sinabi ko kay ate Miles na isang one night stand ang nangyari sa akin ay baka isipin nito na isa akong pakawala o babaeng mababa ang lipad. “Maurine.” Mapanganib niyang bigkas sa pangalan ko, mas lalong nilukob ng matinding takot ang puso ko kaya natataranta na ako. “P-pakiusap ate, huwag mo na akong pilitin na sabihin sa iyo kung sino ang ama ng anak ko, para sa ikatatahimik ng lahat. Pangako magbabago na ako, magsisikap din ako na makatapos ng pag-aaral kahit na buntis ako. Nakikiusap ako, huwag mo na akong pilitin.” Pagmamakaawa ko sa kanya at napaluhod pa ako sa harap nito. Tuliro na ang utak ko dahil sa mga nangyayari sa akin, naging magaan lang ang dibdib ko ng mahigpit akong yakapin ni Ate Miles. Hindi ako makapaniwala na sa murang edad ko ay isa na akong dalagang ina. Wala akong ibang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa aking kapatid. Pero ano itong sinapit ko? Nabuntis ako ng maaga, ang masaklap ay hindi ko pa kilala ang ama ng aking magiging anak. Kanina pa nakaalis si ate Miles, ngunit nanatili pa rin akong nakatulala sa kawalan habang pilit na iniisip ang mga dapat kong gawin para sa pinagbubuntis ko. Handa na ba ako sa responsibilidad na ‘to? Handa na ba akong maging isang ina? Natatakot ako, yeah, I’m a strong woman, noon ‘yun, dahil sarili ko lang naman ang iniisip ko. But when it comes to the child ay tila may pag-aalinlangan sa puso ko. I wish I’ll become responsible mother to my child, kasi naman, nag-aalala ako na baka madamay ang anak ko sa mga katangahan ko sa buhay. Kahit kasi anong iwas ko sa gulo ay lagi na lang akong nasa-sangkot dito ng hindi ko namamalayan. Napabuntong hininga ako ng wala sa oras dahil isa pa sa pinoproblema ko ay ang sasabihin ng ibang tao. Sigurado na huhusgahan kaagad ako ng maraming tao. Marahil ay sasabihin nila na ang aga kong lumandi. Malungkot na pinahid ko ang aking mga luha bago wala sa sarili na hinaplos ang impis kong tiyan. Ilang sandali pa ay kusang lumitaw ang isang matamis na ngiti sa mga labi ko dahil kahit papaano ay masaya pa rin ako sa ipinagbubuntis ko. I’m so excited na masilayan ang mukha ng magiging anak ko. “What if mukhang unggoy nga ang tatay nito!?” Nanlaki bigla ang mga mata ko ng maalala ko ang sinabi ni Pauline. “Hmp! I don’t care, kahit ano pa ang itsura ng anak ko ay buong puso ko siyang tatanggapin! And of course, naniniwala ako na kamukha ka ni Mommy!” Nakangiti kong saad habang patuloy na hinihimas ang aking puson.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD