Three years later..
“I’m sorry, Mr. Hilton, nakakalungkot mang sabihin but you have diagnosed with ovulatory disorders. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo nagkakaroon ng anak.”
Nang marinig ko ang sinabi ng doctor ay biglang bumigat ang dibdib ko, pakiramdam ko ay parang tinaningan nito ang buhay ko.
For several years ay umaasa ako na magkaroon ng anak pero umabot na ako sa edad thirty five ay hindi pa rin kami makabuo ni Stella.
At ngayon, nasagot na ang lahat ng mga katanungan sa utak ko. Ang dahilan kung bakit hindi ako magkaanak, dahil isa akong baog!
Bigla, naging blanko ang utak ko at natulala ako sa kawalan, binalot ng iba’t-ibang emosyon ang puso ko kaya hindi ko na alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko sa sinabi ng doctor.
“B-Babe, it’s okay, you know marami pa namang paraan para magkaanak tayo. Huwag kang mawalan ng pag-asa, nandito lang ako, hindi kita iiwan.” Madamdaming pahayag ni Stella, habang patuloy na hinahagod nito ang likod ko. Sinisikap niya na pagaanin ang loob ko.
Nang mga oras na ito ay para na akong isang bingǐ, nanatili lang na nakatulala sa kawalan.
“Paanong nangyari na naging baog ako? Gayong wala naman sa lahi namin ang baog!?” Nahulog sa malalim na pag-iisip ang utak ko at halos wala na akong pakialam sa aking paligid. Ni hindi ko na nga naririnig ang mga sinasabi pa ng doctor tungkol sa sakit ko. Kaya halos sila lang ni Stella ang nag-uusap.
“Mauna ka ng umuwi sa bahay.” Ani ko kay Stella, ang tinig ko ay walang buhay na para bang tinatamad na magsalita. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ng nobya ko, nagmadali na akong tumayo at malaki ang mga hakbang na lumabas ng clinic.
“Babe, saan ka pupunta!?” Nag-aalala na tanong ni Stella na hindi ko na binigyang pansin pa. Malaki ang mga hakbang na nilisan ko ang hospital na ‘to. Ewan ko ba, pero parang naaasar ako sa mga matang nakatingin sa akin. Batid ko na mga walang alam ang mga tao sa paligid ko tungkol sa kalagayan ko, pero pakiramdam ko ay pinagtatawanan nila ako.
Ang labis na ikinababahala ko, sa oras na malaman ito ng buong mundo, siguradong malalagay sa malaking kahihiyan ang buong pamilya ko.
“Ahhhh!” Halos mapatid ang litid ko sa lakas ng sigaw ko, sinundan ito ng mga nabasag na bote.
Hindi pa ako nakuntento ay buong lakas na hinagis ko sa pader ang center table. Nagkawatak-watak ito at kung saan-saan tumilapon ang ilang bahagi nito. Nagkalat din ang mga basag na bubog nito sa sahig.
I hate this life! Mas mabuti pang mamatay na lang ako! This is not me! I can’t accept this na isa akong inutil!” Nanggagalaiti kong sigaw, namumula na ang buong mukha ko at halos tagaktak na ang pawis sa buong mukha ko.
Pakiramdam ko ay sasabog na yata ang dibdib ko dahil sa matinding sama ng loob.
“Ahhhh!!!” Muli, isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko habang malakas na hinahampas ang dibdib ko gamit ang nakakuyom kong kamay.
“A-Ang sakit, bakit ako pa?” Tila nawawalan ng pag-asa na naitanong ko sa kawalan. Nanghihina na lumuhod ako sa sahig, pakiramdam ko ay wala ng magandang bukas pa naghihintay sa akin.
Nahihirapan akong huminga at halos naging impit na lang ang bawat pag-iyak ko.
Paano na humantong ako sa isang nakakatawang sitwasyon?
“Imagine? Si Andrade Quiller Hilton ay isang inutil? Baog? Baog ako! Baog ang puta** i*a!” Parang siraulo na paulit-ulit ko itong sinisigaw habang pinagtatawanan ang aking sarili.
Tuluyan na akong umupo sa sahig at ipinatong ang mga siko ko sa ibabaw ng aking mga tuhod.
Ilang sandali pa ay isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko habang nakatitig sa sahig.
Medyo malabo ang tingin ko dahil sa mga namumuong luha sa aking mga mata.
Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Mas mabuti pa na naging masama na lang ako.
Si Xavien na babaero ay may triplets na anak at ngayon ay buntis na naman ang asawa nitong si Miles.
Maging ang kakambal kong si Storm na ngayon ay dalawa na ang anak. Samantalang ako ay kahit isa hindi makabuo.
Mabilis kong pinalis sa aking utak ang salitang iyon, dahil sa tuwing naririnig ko ito at parang hinihiwa ang puso ko. Bukod pa run ay dinudurog nito ang pagkatao ko.”
Labis na dinamdam ni Andrade ang resulta ng kanyang laboratory test, hindi niya matanggap ang katotohanan na kailanman ay hindi na siya magkakaroon pa ng anak.
Malaki ang naging epekto nito sa kaisipang aspeto ni Andrade, dahil tuluyang sinira ng kanyang kondisyon ang malaking tiwala niya sa sarili.
Binago nito ang pananaw niya sa buhay, kasama na roon ang malaking pagbabago ng kanyang ugali.
Si Andrade ay kabaligtaran ng ugali nang kanyang kakambal na si Storm. Si Storm ay mainitin ang ulo, samantalang si Andrade ay laging mahinahon at mahaba ang pasensya.
Kung masama ang ugali ni Storm ay mabait naman si Andrade. Sa kabila ng pagiging sugapa niya sa mga negosyo ay hindi siya madamot sa kanyang mga kapatid.
Higit na nakalalamang si Andrade sa mga magandang pag-uugali kaysa kay Storm. Subalit ang lahat ng magandang katangian na ‘yun ay tuluyang naglaho.
Na labis na ikagugulat ng lahat lalo na ng kanyang buong pamilya.