“Labis na nagulat ang mga kasambahay sa Villa dahil sa biglaang pagdating ko na nakasakay sa isang lumang traysikel. Hindi pa sana ako pa-papasukin ng guard kung hindi ako nito nakilala.
“Tay, maupo muna kayo d’yan maliligo lang ako.” Paalam ko sa matandang lalaki na siyang naghatid sa akin. Halatang nahihiya pa ito sa akin. Pasalamat talaga ako at wala ang maglolo ngayon kaya kahit papaano ay kampante ang loob ko. Napag-alaman ko mula sa isang katulong na isinama pala ni Daddy si Chiyo sa kumpanya.
I know my father, hindi niya ipagkakatiwala ang kanyang apo sa mga kasambahay. Pagkatapos kasi ng mga nangyari sa buhay namin ay mahirap na para sa kanya ang magtiwala sa ibang tao.
Naiwan si Tatay sa salas habang inaasikaso ng isang katulong, nag-utos kasi ako dito na ipaghanda ng makakain ang matanda.
Hindi biro ang layo ng ibinyahe namin para lang makauwi ako. Napag-alaman ko na sa parte pala ng Pampanga ako dinala ng mga armadong lalaki.
Hanggang ngayon ay matinding takot pa rin ang nararamdaman ko, pero alang-alang sa anak ko ay sinisikap kong maging matatag.
Pagbukas ko sa pinto ng banyo ay nanlumo ako sa aking nakita. Labis akong nahabag para sa sarili ko. Ang itsura ko ay wari moy pinagkaitan ng tadhana. Magulo ang buhok ko habang ang aking damit ay napakarumi at narun pa ang mantsa ng lupa na dumikit sa katawan ko.
Kaagad kong hinubad ang aking damit at itinapon ito sa basurahan. Natigilan ako ng maramdaman ko ang panlalagkit ng pribadong bahagi ng aking katawan. Ang pamamaga nito at semilya ng lalaking iyon ang siyang patunayan na malaya nitong nakuha ang aking puri.
Ang masaklap pa ay hinayaan ko lang ang lalaking ‘yun na paulit-ulit akong gamitin. At ang higit na mas nakakahiya ay ginusto ko ang nangyari!
“Hysst! Why so stupid, Maurine!? Paano kong magbunga ito? Masusundan si Chiyo ko!
Paano ko itong ipapaliwanag sa lahat?” Para akong baliw na nagsasalita sa loob ng banyo habang nakatapat sa dutsa ang hubad kong katawan. Dahil sa labis na frustration ay humagulgol na ako ng iyak.
“You need to be brave, Maurine, para sa mga anak mo.” Pilit kong pinapalakas ang sarili kong loob, batid ko na hindi magtatagal at magiging dalawa na ang anak ko. Aminado ako na marami akong kapalpakan sa buhay. Pero, hindi naman ako masamang tao para gumaya sa ibang nanay na ipinapaabort ang sarili nilang mga anak dahil lang sa takot sila sa isang responsibilidad.
Malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko bago saglit na sinulyapan ang aking pusôn.
Magmula ngayon ay hindi na ako aasa na mayroon pang lalaki na magsi-seryoso sa isang disgrasyada na katulad ko.
Isinantabi ko muna ang emosyong nararamdaman ko dahil higit na mahalaga na bigyang atensyon ko ang magiging reaksyon ni ate Miles. Hindi pa man nila alam ang nangyari sa akin ay matinding kahihiyan na ang nararamdaman ko. Huh, bahala na..
Mabilis na tinapos ko ang paliligo at pagkatapos kong magbihis ay kumuha ako ng pera mula sa vault ko. Nagmamadali na bumaba ako ng hagdan at kaagad na inabot kay tatay ang pera.
Tuwang-tuwa ang matanda, hindi siya makapaniwala sa laki ng halaga na binigay ko dito. Kaagad din naman itong nagpaalam sa akin habang ako naman ay nagmamadaling umalis ng bahay gamit ang isang kotse ni Daddy.
Ni hindi ko man lang nagawang kumain bago umalis ng Villa. Kailangan ko kasing alamin kung saang presinto dinala ng mga pulis ang aking sasakyan, dahil naiwan sa loob ng kotse ang mahahalagang gamit ko. Dapat maireport ko rin ang nangyaring pagdukot sa akin. Para managot ang mga lalaking ‘yun.
Makalipas ang halos isang oras ay nakarating ako sa police station ng Antipolo, dito ako itinuro ng kabilang presinto na nauna kong pinuntahan. Dahil ito raw ang nakakasakop sa lugar kung saan naganap ang panghoholdap ng mga armadong lalaki.
Nagmamadali ako na bumaba ng sasakyan, at malaki ang mga hakbang na pumasok ako sa loob ng presinto. Subalit, natigil ang mga paa ko sa paghakbang ng datnan ko si ate Miles na nakaupo sa harap ng information desk. Umiiyak ito sa dibdib ng kanyang asawa, si Kuya Xavien.
Pagpasok ko sa pintuan ng presinto, tila i-isang tao na lumingon sa akin ang lahat ng tao sa loob ng presinto. Nang mapako ang tingin sa akin ni Ate Miles at nagliwanag ang kanyang mukha at kahit nahihirapan ay pinilit pa rin niyang makatayo kaya naman hindi na magkandatuto si kuya Xavien na alalayan ang kapatid ko.
Nagmadali ako na makalapit sa kanila upang hindi na ito mahirapan pang humakbang.
“Oh my god! Maurine!” Nasisiyahan na tawag sa akin ni Ate Miles bakas ang matinding pag-aalala mula sa magandang nitong mukha.
“A-Ate!” Naluluha kong tawag sa kanya bago mahigpit na yumakap dito.
“Sinaktan ka ba nila? Tell me, may ginawa ba sila sayo?” Nagsimulang tumapang ang mukha nito at nakikita ko ang galit mula sa kanyang mga mata.
“Sabihin mo sa ‘kin, Maurine dahil hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatay ang mga hayop na dumukot sayo!” Nanggigigil na saad nito, dala ng matinding galit ay mukhang nakalimutan nito na buntis siya. Ito talaga ang labis na hinahangaan ko kay ate Miles, masyadong siyang matapang at talagang wala itong inuurungan.
“Sweetheart, huminahon ka.” Malambing na saway ni kuya Xavien, sa nakikita ko ay masyado itong natatakot para sa kalagayan ng kanyang mag-ina.
“I’m okay, Ate, hindi naman nila ako sinaktan. Nagkaroon lang ako ng mga galos nung tumakas ako.” Nakangiti kong sagot habang mahigpit na nakayakap dito. Ilang sandali pa ay naghiwalay kami. Subalit, hindi ko inaasahan ng hampasin niya ako sa braso.
“Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago! Twenty one ka na Maurine! Pero, hanggang ngayon ay nasasangkot ka pa rin sa gulo!?” Naiinis na sermon sa akin ni ate Miles pagkatapos niyang hampasin ang braso ko.
“Sweetheart naman.” Si kuya Xavien na mukhang kinakabahan na, kasalukuyang itong nakatitig sa malaking tiyan ng kanyang asawa na akala mo ay anumang oras mahuhulog ang kanyang prinsesa.
“Ate, naman, wala akong kasalanan! Na nanahimik ako sa loob ng sasakyan at iyong pangit na ‘yun ang kusang lumapit sa akin at sapilitan akong tinangay.” Ani ko sa malumanay na tinig dahil nag-aalala ako na baka mapaanak pa ito ng wala sa oras.
Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni ate habang malungkot na nakatitig sa mukha ko. Ang mga mata nito ay puno ng emosyon ngunit hindi nawawala ang matinding pag-aalala nito para sa akin.
Pagkatapos kong magbigay ng salaysay ay sabay na kaming umuwi ng bahay. Hindi ko na sinabi sa kanila ang tungkol sa nangyari sa amin ng isa pang bihag. Masyado na kasing pribado ‘yun na hindi na dapat malaman ng ibang tao.
Subalit, batid ko na kailanman ay hindi ko ito maililihim ng matagal mula kay ate Miles. Sana nga lang ay mapatawad pa ako nito.”