“S**t!” Napamura ako ng wala sa oras ng sumigid ang kirot mula sa sintido ko. Bigla kasi ang ginawa kong pagbangon, akala ko kasi ay totoo ang lahat ng mga nangyayari sa akin. ‘Yun pala, nadadala lang ng matinding panaginip ang aking emosyon maging ang katawan ko.
Napabuga ako ng marahas na buntong hininga, nang muling nagbalik ang alaala ng gabing nadukot ako. Halos wala akong matandaan sa mga nangyari dahil sa matinding kalasingan.
Isa lang ang naalala ko, at iyon ay ang babaeng nakaniig ko sa loob ng kubô.
Aminado ako na hinahanap-hanap ko ang presensya ng babaeng ‘yun. Noong gabi na may nangyari sa amin, pakiramdam ko ay hindi ako inutil. Dahil makailang beses akong tinigasan sa babaeng ‘yun.
Ang labis na ipinagtataka ko lang, halos parehas ng nararamdaman ko sa babaeng naka one night stand ko ang nararamdaman ko ngayon para sa babaeng nasa kubô.
Ni minsan ay hindi nawaglit sa isip ko ang mga eksenang naganap sa aming dalawa. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko man lang naalalang itanong ang pangalan ng babae.
Natigil ang pagmumuni-muni ang utak ko ng biglang tumunog ang cellphone na nakapatong sa side table ng kama. Kunot-noo na dinampot ko ito at kaagad na sinagot ang tawag.
“My gosh, Andrade! Kahapon pa kita hinihintay dito sa hotel, pero hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagpapakita sa akin!” Naririndi na ako sa bunganga ni Stella. Wala na siyang ginawa kundi ang bungangaan ako at tanungin kung nasaan ako. Pakiramdam ko ay para na akong nasasakal sa ginagawa niya sa akin.
I swear, I love her, pero kung ganito naman ang mangyayari sa akin araw-araw ay mukhang mas pipiliin ko pa ang maging single na lang forever.
“I’m coming, Babe.” Malumanay ko pa ring sagot, subalit hindi pa sapat sa kanya ang naging sagot ko dahil nagpatuloy pa ito sa walang tigil na kadadakdak. Really, it’s annoying!
Sa sobrang inis ko ay hinayaan ko na lang siyang magdaldal, pero tumayo na ako at tinungo ang banyo. Basta ko na lang iniwan ang cellphone sa ibabaw ng kama. I’ll just let her to speak to much, mapapagod din s’ya at kusang titigil.
Like what I am expecting, paglabas ko ng banyo ay naka off na ang phone ko at kusang naputol ang tawag. Tinatamad na nagbihis ako, at ni hindi na ako nag-effort na suriin ang sarili ko mula sa salamin. Ni pakialam yata sa sarili ko ay wala na rin ako nito.
Honestly, wala ako ngayong gana na lumabas ng aking condo, pero I don’t have a choice because on third day is my wedding day. Maybe for my fiance, it’s her special day, pero kung ako ang tatanungin. I feel it’s like an ordinary day.
Sapagkat wala akong makapa na anumang excitement mula sa dibdib ko. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong makisama sa lahat para mabigyan ng magandang kasal ang nobya ko, because she deserve it.
Pabagsak na umupo ako sa driver seat at kaagad na minaneho ang mamahalin kong sasakyan. Habang sa aking likuran ay nakasunod ang aking mga bodyguard.
Simula ng madukot ako ay domuble pa ang dami ng bodyguard ko kaya mas lalo lang akong nasasakal. Well, it’s Summer’s decision, kaya hindi na ako makapag reklamo.
Matuling pinatakbo ang aking sasakyan, at makalipas ang halos isang oras na biyahe dahil sa matinding traffic ay humimpil ang kotse ko sa tapat ng kilalang Hotel na isa sa pag-aari ng kapatid kong si Winter.
Basta ko na lang hinagis ang susi ng kotse sa aking tauhan at seryoso ang mukha na pumasok sa entrance ng Hotel.
Very creative ang style ng hotel, hindi lang pang high class ang dating nito kundi pang world class talaga. Dahilan kung bakit maraming turista ang dumayo pa dito para lang mag check in.
Masyadong malawak ang bakuran nito, at ang higit na humahatak sa atensyon ng mga tao ay ang salaming sahig nito dahil sa ilalim ng sahig ay tila isang aquarium. Mung titingin ka sa sahig ay makikita mo ang ibat-ibang klase ng lamang dagat. And of course para din ito sa mga divers.
Ang hotel na ‘to ay napapalibutan ng dagat. Dahilan kung bakit kilala ito sa tawag na floating hotel. Pero ang entrance ng hotel ay nakakonekta sa lupa bilang malawak na bakuran nito.
“Tell me, saan ka galing kagabi? Nag-inom ka na naman ba!?” Ito kaagad ang bungad sa akin ni Stella, kaya napa buntong hininga ako ng wala sa oras. Hindi pa man kami kasal ay nasasakal na ako sa ugali nito dahilan kung bakit may pag-aalinlangan sa utak ko na ituloy ang kasal.
Pero siya lang ang tanging babae na nakakaunawa ng kalagayan ko. Tanggap niya ang pagiging inutil ko na hanggang ngayon ay nanatili na lihim sa lahat.
“I’m sorry, Babe.” Malumanay kong sagot subalit inismiran lang ako nito.
“Kung hindi lang kita mahal baka matagal na kitang hiniwalayan. Nakakasama ka ng loob, Andrade. Dapat nasa tabi kita, kasamang nag-aasikaso ng lahat para sa kasal natin. Pero ano? Parang lumalabas na ako lang ang may gusto sa kasal na ‘to.
Tell me, mahal mo pa ba ako?” Madramang tanong nito sa akin, pero ewan ko ba kung bakit tila biglang umurong ang dila ko. Napakasimple lang ng tanong niya pero bakit tila isa itong malaking puzzle na kay hirap hanapin ang nawawalang bahagi nito?
“Of course, you love her Andrade, remember, siya lang ang nasa tabi mo noong mga panahon na nahihirapan kang tanggapin ang kakulangan mo sa sarili mo.” Ito ang dinidikta ng kabilang bahagi ng utak ko, kaya naman lumamlam ang ekspresyon ng mukha ko at masuyo ko siyang niyakap mula sa likuran.
“Of course, Babe, I love you. So please, itigil mo na ang mga pagdududa mo sa akin.” Malambing kong sagot, subalit, tila isa lamang itong singaw na hindi man lang umabot sa puso ko.”