"Hi, tita Mommy! You know, just a while ago, Mommy and I bathed in the rain." Madaldal na kwento ng aking anak kay ate Miles habang nakahiga ito sa gitna ng kama at nilalaro ang kanyang paa. Nakasuot na ito ng kanyang pajama at hinihintay na lang ako nito na mahiga sa kanyang tabi. Kararating lang kasi namin, dahil sa labas kami nag-dinner.
Kasalukuyan niyang kausap ang kanyang tita Miles, mula sa laptop, habang ako ay abalâ na nagbibihis sa paanan ng kama.
“"Really? Why did you bathed in the rain? Isn't the weather cold there? What if you get sick?" Narinig ko na tanong ni ate Miles, ramdam ang labis na pag-aalala mula sa tinig nito, ngunit ang makulit kong anak ay bibong humagikhik ng tawa. Nakakagigil itong tingnan dahil sobrang cute ng anak ko.
Kita ko sa mukha ni Ate Miles ang pagnanais nito na mahawakan si Chiyo.
"Don't worry, tita Mommy, because the rain is inside the house, not outside the house." Inosenteng paliwanag ng makulit kong anak. Mula sa kabilang linya ay narinig ko na humalakhak ng tawa si Kuya Xavien, halatang tuwang-tuwa ito sa bibo kong anak.
“What? Is it a real, sweetheart?” Naguguluhan na tanong ni ate Miles.
“Chiyo, could you please, change the topics.” Malumanay kong wika,
“Mommy, doesn’t want to talk about the rain, tita mommy.” Habang sinasabi ito ng anak ko ay nanatiling seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. Samantalang kami ay halos hindi na mapaknit ang ngiti sa ‘ming mga labi. Para kasi itong matanda kung magsalita.
“Maurine!” May halong babala na tawag sa akin ni Ate na parang ibig nito na i-paliwanag ko sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi ni Chiyo.
“It's nothing, Ate.” Ani ko na ngayon ay tapos ng magbihis.
“Did you know, tita mommy, Mommy is like a superwoman! She quickly goes down the stairs without walking, dumulas siya pababa ng hagdan”-
“Chiyo!” Ani ko sabay damba dito, dahil sa lambot ng kama ay pareho pa kaming tumalbog. Tuwang-tuwa ang anak ko kaya nangibabaw ang malakas nitong tawa sa buong silid.
“Why so naughty, Sweetie, hm? I told you it’s our secret!” Ani ko habang kinikiliti ito ng halik. Wala ng ginawa ang anak ko kung hindi ang tumawa.
Tuwang-tuwa naman si Ate Miles habang pinapanood kaming mag-ina.
“May hindi ka ba sinasabi sa akin, Maurine?” Maya-maya ay tanong sa akin ni Ate Miles, wala na akong nagawa pa kundi ang sabihin dito ang totoo.
“I forgot may sinaing kasi ate, kaya ayun, sunog, then, suddenly gumana ang water spray system, kaya nabasa kaming mag-ina.” Paliwanag ko dito, pero ang makulit kong anak ay kasalukuyang gumagapang papasok sa loob ng aking damit.
Natatawa na lang ako ng magsimula itong dumede. Ito kasi ang nakaugalian niyang gawin bago matulog. Dahil first time mom ako ay hindi ko alam kung paano siyang patitigilin sa pagdede sa akin.
“My god, Maurine! Ano bang nangyayari sayo? Nang dahil diyan sa katangahan mo ay mapapahamak pa kayong mag-ina.”
“I admit, Ate, mali talaga ako, I’m sorry, siguro dahil sa kakaisip ko sa mga problemang kinakaharap ko.” Ani ko sa malungkot na tinig.
Narinig ko na nagpakawala ng mabigat na buntong hininga si Ate Miles at nakikita ko ang awa mula sa mga mata nito.
“Bakit kasi hindi mo pa tanggapin ang inaalok ko sayo? Para din naman sa kinabukasan ninyo ni Chiyo ang iniisip ko.” Seryosong saad ni ate Miles, ngayon ako naman ang nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga.
“I’m sorry, Ate, pero sana naman sa pagkakataong ito ay hayaan mo akong magdesisyon para sa aming pag-ina. Nasa tamang edad na ako at gusto kong ipakita sa lahat na kaya kong maging isang mabuting ina sa anak ko.” Mahaba kong paliwanag, lumambot ang ekspresyon sa mukha nito at mukhang nauunawaan naman niya ang nararamdaman ko.
“Well, kung iyan ang desisyon mo ay igagalang ko. Pero pag hindi mo na kaya ay nandito lang ako, remember, kailangan din kita sa kumpanya natin kaya hangga’t kaya ko pa na gampanan ang lahat ay pagbibigyan ko ang nais mo.” Nakakaunawa niyang sagot.
Napangiti ako sa tinuran ni Ate Miles, sadyang malawak talaga ang pang-unawa nito pagdating sa akin.
“Umuwi na kayo dito dahil kung hindi, tuluyan na akong magtatampo sayo, imagine, hindi ka na nga naka-attend ng kasal ko at sa pangalawang pagkakataon na manganganak ako ay wala ka pa rin sa tabi ko!?” May hinanakit nitong pahayag, maging ako ay nalungkot din kasi hindi ko nasaksihan ang pinakamahalagang araw sa buhay ng aking kapatid.
“Soon, ate uuwi na kami ni Chiyo, hindi ko pa pwedeng sabihin para surprise.” Natatawa kong sagot, kaya nanghaba ang nguso nito.
Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap ay kaagad na kaming nagpaalam sa isa’t-isa.
Honestly, naiinggit ako kay Ate Miles, dahil meron siyang isang Xavien Hilton, at buo ang kanilang pamilya. Samantalang ako ay nabubuhay na lang sa mga pantasya ko na balang-araw ay makakatagpo din ng isang lalaki na handa akong panagutan at buong pusong tatanggapin ang aking anak.
But for now ay na kay Chiyo ang buong atensyon ko.
Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko ng makita kong tulog na ang makulit na bata sa loob ng suot kong t-shirt. Buong pagsuyo na hinagkan ko ang noo nito saka may pag-iingat na niyakap ang munting katawan nito.
Kay hirap ipaliwanag ng nararamdaman ko sa tuwing pinagmamasdan ko ang mukha ng aking anak. Pakiramdam ko ay sasabog na yata ang puso ko dahil sa labis na kaligayahan.
Batid ko na napaka imposible nito, pero lihim pa rin akong na nanalangin na sana ay ipagkaloob ng Diyos sa aming mag-ina ang ama ng aking anak. Naniniwala ako na walang imposible sa Kanya, alang-alang sa anak ko.”