Kabanata 32

1464 Words
“Paano mo nagawa sa akin ito, Stella!?” Galit na tanong ko kay Stella. Kasalukuyan siyang kausap sa cellphone. Batid ko na siya ang nagpakalat ng tungkol sa sekreto ko. “Ako ang dapat na magtanong niyan sayo, Andrade! Pagkatapos ng mga ginawa kong sakropisyo sayo, ito pa ang iginanti mo sa akin!? Tinanggap kita ng buo, kahit na alam kong may kulang sayo! Dinamayan kita sa bawat paghihinagpis mo noong nalaman mo na isa kang baôg! Ako! Ako lang ang nasa tabi mo, Andrade. Tapos malalaman ko na may anak ka sa ibang babae!? Niloko mo ako! Pinalabas mo lang na isa kang baôg para sa oras na pumutok ang baho mo ay madali mo ulit akong maloloko! How dare you!? Ang sama mo! Ang sama mo!” Nanggagalaiti nitong wika na sinundan ng malakas na hagulgol. Ramdam ko mula sa tinig nito na labis siyang nasaktan. Nilamon ako ng matinding konsensya, but I swear, hindi ko rin alam ang totoo. Kung paano akong nagkaroon ng anak gayong isa akong baôg. “I swear, Babe, wala akong alam sa mga nangyayari. Ikaw ang kasama ko na pumunta tayo ng clinic, that time, and besides, sayo pa mismo galing ang doctor na tumingin sa akin. And now you're accusing me of fooling you?” Nasagad na ang pasensya ko. Naiinis na ako sa girlfriend kong ito ang bilis niyang magduda at magbintang sa akin. Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na pakinggan ang side ko. Sandaling, tumahimik si Stella mula sa kabilang linya. Matagal bago muli siyang nagsalita. “Just give me a time, Andrade, you hurt me so much,.” Pagkatapos sabihin ‘yun, nawala na ito sa kabilang linya. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Nanghihina na ibinaba ang cellphone sa ibabaw ng lamesa saka pabagsak na umupo ako sa swivel chair. Nang mga oras na ito ay marami akong tawag na natatanggap mula sa mga kaibigan ko. Pero ni isa ay wala akong sinagot. Honestly, matinding kahihiyan ngayon ang kinakaharap ko at parang gusto ko ng maglaho na lamang dito sa mundo. Lalo na ng pagtawanan ako ng aking mga kapatid. Marahil, hindi sila naniniwala na talagang baôg ako. Kahit wala silang alam ay talagang nainsulto ang p*********i ko sa ginawa nila., Parang natatakot na akong lumabas ng aking opisina. Dahil wala na akong mukhang maihaharap. Kinakabahan man ay binuksan ko pa rin ang laptop upang malaman ang mga iba pang balita tungkol sa akin. Subalit, nagulat ako ng tumambad sa akin ang larawan ni Chiyo, at ayon sa balita ay ginamit ko lang daw ang batang ito upang pagtakpan ang pagiging infertility ko. Bumangon ang matinding galit sa puso at kaagad na dinampot ang cellphone at tinawagan ang kapatid kong si Winter. “Do something, kuya, i-shutdown mo lahat ng kumpanya na nagpalabas ng larawan ni Chiyo!” Matigas kong saad, nanginginig ang katawan ko sa galit at parang gusto ko ng pumatay ng tao. “Bago ka pa tumawag nagawa ko na ‘yan, Bro. Look, bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon ang batang ‘yun. Nang una ko siyang nasilayan ay may kakaibang damdamin na akong naramdaman. Sa nakikita kong problema na kinakaharap mo ngayon, mukhang ang mag-inang ‘yun ang tanging solusyon sa problema mo. You know the media, masyadong gutom ang mga ‘yan pagdating sa pamilya natin.” Bigla akong natahimik dahil sa naging pahayag ng aking kapatid. May punto nga naman siya, at maging ako ay may naramdaman sa batang iyon ng una ko itong nakaharap.. Hindi ko na namalayan na wala na pala sa kabilang linya si kuya Winter dahil sa lalim ng iniisip ko. Winter is a smart man, sa tuwing gagawa siya ng isang desisyon ay laging number one sa kanya ang aming pamilya. I am so lucky dahil lahat ng mga kapatid ko ay may kanya-kanyang papel sa aming pamilya. Si kuya Zac na nakamonitor sa negosyo ng bawat isa sa amin. Si Summer na naka assign para sa mga tauhan at bodyguard ng buong pamilya. Si Winter na nakabantay sa mga network o anumang balita na tungkol sa aming pamilya na lalabas sa sosyal media. At si Storm na itinalaga ng aming Ama na siyang haharap sa mga kalaban sa negosyo ng aming pamilya. Ganun din ang iba ko pang mga kapatid na nanatiling simple pero may mabibigat na obligasyon. Ito ang dahilan kung bakit mahirap tibagin ang pamilyang Hilton. “Sir, may naghahanap sa inyo sa labas.” Ani ng secretary ko na hindi ko man lang namalayan ang biglang pagpasok nito sa loob ng aking opisina. “Kung media, palayasin n’yo!” Irritable kong utos, “babae, Sir, Maurine po ang pangalan at may kasamang bata.” Nag-aalangan nitong wika, bigla akong napatayo mula sa aking kinauupuan. At muli na namang sumagi sa utak ko ang sinabi ni Winter. “Dalhin mo sila dito sa opisina ko.” May pag-aatubili kong utos. Mabilis na nawala sa aking harapan ang secretary ko. Makalipas ang halos kinse minuto ay muling bumukas ang pinto ng aking opisina. Sumalubong sa akin ang matalim na tingin ng ina ni Chiyo. “Daddy!” Masayang sigaw ng batang si Chiyo bago ito nag tatakbo palapit sa akin. Ewan ko ba pero maging ako ay tila nasabǐk na mayakap din ang munting bata na ‘to. Ibinuka ko ang aking mga kamay at kaagad na binuhat ito kahit na hindi ko siya kinikilalang anak. “Do you know, daddy, I cry too much. I forced mommy na puntahan ka namin.” Nagsusumbong na wika ni Chiyo, napakasarap pakinggan ng maliit nitong boses. “Why?” Malumanay kong tanong habang nakatingin sa cute at maganda nitong mukha. “Because, I miss you.” Bibo nitong sagot, bago mahigpit na yumakap sa akin. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba ang batang ito o hahagkan. Natatakot kasi ako na umasa siya na ako talaga ang daddy nya. Sa huli ay mas pinili ko na lang na hagurin ang likod nito habang nakadikit ang pisngi ko sa kanyang noo. “Chiyo, you wait outside for now because your daddy and I need to talk.” Ani ng ina ni Chiyo sumenyas ako sa aking assistant kaya lumapit ito sa akin at kinuha ang bata mula sa mga bisig ko. Nang makaalis ang assistant ko kasama si Chiyo ay akma na sanang lalabas ang aking Secretary pati ang dalawang security personnel na naghatid sa mag-ina. Nang maudlot ang kanilang paghakbang. Naalarma ang mga ito ng lumapit sa akin si Maurine at walang pakundangan na tinuhod nito ang pagitan ng aking mga hita. Napayuko ako at dumadaing sa sakit habang sapo ang aking p*********i. Mabilis na niyakap ng secretary ko si Maurine habang ang dalawang security ay nakahawak sa magkabilang braso nito. Pilit nilang pinipigilan ito na huwag makalapit sa akin. “Baôg pala ha? Gago ka! Pagkatapos mong sisirin at basagin ang pinakaiingatan kong hiyas ngayon ay ipagsisigawan mo sa buong mundo na baôg ka!? Ay magaling kang lalaki ka! Bitawan n’yo ko! Dahil sisiguraduhin ko na talagang mababaôg sa akin ang lalaking ito!” Nagwawala na ito sa galit at pilit na kumawala mula sa mahigpit na pagkakayakap ng aking secretary. “Ma’am, huminahon po kayo, baka matakot ang anak n’yo kapag nakita na nag-aaway kayo.” Paalala ng aking secretary, kaya napansin ko na nagpakawala ito ng isang marahas na buntong hininga. Halatang nagpipigil talaga ito ng galit. S**t! Ano bang problema ng mga babaeng ito? Akala ba nila ay biro lang ang pagiging baôg ko!? Bakit halos iisa ang iniisip ng dalawa na niloloko ko lang sila? “Ganyan ka ba talaga ka duwag!? Handa kang gawin ang lahat matakasan mo lang ang responsibilidad mo sa anak ko!? Kung hindi lang dahil kay Chiyo ay hindi ako maghahabol sa pagmumukha mo! But don’t worry, hindi mo na kailangan pang alisan ng dignidad ang sarili mo. Dahil magmula sa araw na ito ay ito na rin ang huling araw na makikita mo pa kami.” Matatag niyang pahayag, sabay talikod sa akin. Mabilis akong sumenyas sa aking mga tauhan kaya kaagad na humarang ang mga ito sa pintuan. “Umalis kayo d’yan!” Asik ng mataray na babaeng ito sa aking mga tauhan. “Pagkatapos mong sirain ang kasal ko at kaladkarin ang pangalan ko sa matinding kahihiyan. Do you think ay hahayaan kitang umalis? Huh? You will pay the consequences ng mga action mo babae.” Imbes na matakot sa matinding banta ni Andrade ay lihim na napangiti si Maurine. “Don’t worry, daddy, dahil sisiguraduhin ko naman na sa huli ay mamahalin mo rin si Maurine Kai.” Ito ang naging tugon ni Maurine, subalit nanatili lamang ito sa kanyang isipan, habang nanatiling seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD