Kabanata 33

1077 Words
“Wow, Daddy, is this your house?” Bulalas ng makulit na si Chiyo habang nasa bisig ito ng kanyang ama. Nakababa na ng sasakyan ang dalawa samantalang ako ay nanatili pa rin sa loob ng sasakyan. Marahil ay napansin ni Quiller na hindi pa rin ako bumababâ ng sasakyan kaya tumigil ang mga paa nito sa paghakbang. Nagtataka na pumihit paharap sa akin. Mas gusto ko siyang tawagin na Quiller para unique dahil napag-alaman ko na Andrade ang tawag sa kanya ng lahat. Finally, may pangalan na rin si Mr. Blue eyes ko at hindi lang siya isang pantasya, totoo s’ya at siya pa ang ama ng aking anak. Para lang akong nasa isang fairytale na nagkatotoo ang aking prince charming. Walang ano-ano ay natulala ako sa kawalan. Napawi ang ngiti sa labi ko, napalitan ito ng lungkot. Masyado akong nadala ng aking pantasya at tila nakalimutan ko ang ipinagbubuntis ko. Parang isang crystal na nabasag ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Quiller sa oras na malaman niya na buntis ako. Nakaramdam ako ng lungkot at naisip ko na si Chiyo pa nga lang ay hindi na nito matanggap, pano pa kaya ang ipinagbubuntis ko? Sa isang iglap ay ginising ako ng katotohanan at iminulat nito ang mga mata ko sa totoong reyalidad ng buhay. Ang dahilan kung bakit ako nandito ay dahil kay Chiyo hindi para sa sarili ko. “Oh, come on, Maurine wake up. You weren’t born yesterday. So, stop daydreaming.” Kastigo ko sa aking sarili, namuntong hininga na lang ako. “Hey! What are you waiting for? New Year!?” Sarkastikong tanong sa akin ni Quiller. Na siyang bumasag sa pananahimik ko. Mabigat ang mga paa na bumaba ako ng sasakyan. Nilampasan ko lang siya ng hindi pinapansin at diretsong pumasok sa loob ng Mansion nito. “Anong problema ng Mommy mo?” Nagtataka na tanong ni Quiller sa aking anak. “Pera, Daddy.” Balewala na sagot ng aking anak habang nakayakap sa leeg ng kanyang ama ang maliit nitong braso. Kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon ay matatawa ako sa anak kong ito. Noong nasa US pa kasi kami, sa tuwing tatanungin ako ng anak ko kung ano ang problema ko. Ang sagot ko ay pera, dahil kayod kalabaw ako dun para lang may panggastos kami sa pang-araw-araw. “I see.” Seryoso namang sagot ni Quiller ramdam ko ang matiǐm niyang mga titig sa aking likuran. Pagdating sa ikalawang palapag ng bahay ay ipinasa ni Quiller si Chiyo sa isang katulong. Nakita ko na ipinasok nito sa loob ng guestroom ang aking anak. Akma na sanang susunod ako sa kanila ng bigla namang hawakan ni Quiller ang kaliwang braso ko. “T-Teka! Wala sa usapan na magsasama tayo sa i-isang kwarto ha!” Naibulalas ko. “What!? Huh?” Ani nito sabay hila sa aking papasok sa loob ng isa pang silid. Honestly, kinakabahan ako, pero nandun pa rin ang matinding excitement. “Hindi ka na ba makapaghintay kaya ka namumwersa!?” Tanong ko dito sa sarkastikong tinig. Lumalim ang gatla sa noo ko ng tuluyan kaming makapasok sa loob ng silid, dun ko lang nalaman na isa pala itong library. “What are you talking about? We need to clarify kung ano ang magiging papel mo sa bahay ko. Aakuin ko ang responsibilidad sa anak mo, but”- “Dapat lang because she’s your child.” singit ko sa sinasabi nito, lalong tumalim ang tingin niya sa akin. “Pero kailangan mong magtrabaho sa bahay na ‘to bilang katulong.” “Hell! No! Itong ganda kong ‘to?! Aalilain mo lang!? Wow! As in wow!” Naibulalas ko ng wala sa oras habang pinangdidilatan ito ng mata. Naningkit ang kanyang mga mata at kita ko kung paano nagdilim ang mukha nito. Marahil ay sanay siya na laging sinusunod kaya siguro na insulto ito. “Then you may leave this house, pero maiiwan dito ang anak ko.” Ma-awtoridad niyang pahayag. Imbes na masindak ay tinaasan ko lang ito ng kilay. Nanatili akong nakatayo sa harap nito habang magkasalikop ang aking mga braso sa tapat ng dibdib ko. “Woah! Ngayon anak mo na? Samantalang kung tanggihan mo ay hanggang dun na lang!” Nang-uuyam kong saad. Akala ba niya ay uurungan ko sya? “Huwag mong ubusin ang pasensya ko Maurine, dahil sa oras na maasar ako sayo baka ipatapon kita sa labas ng bahay. At sisiguraduhin ko na hindi mo makukuha sa akin si Chiyo.” Ito ang matinding banta niya sa akin. Naningkit ang mga mata ko, nakipagmatigasan ako ng titig sa kanya habang ang mga kamay ko ay nanginginig na nakakuyom dala ng matinding galit. “Then do it! If you think na masisindak mo ako ay nagkakamali ka. Hangin ka lang kung ikukumpara sa bagyong pinagdaanan ko.” Pagkatapos ng mahabang litanya ay marahas kong inangat ang malusog kong dibdib sa tapat nito kaya para na akong modelo na nakaliyad ang likod. Umangat ang kaliwang kilay ko at taas noo na pumihit patalikod dito. Dignidad na lang ang meron ako, pati ba naman ‘yun ay hahayaan ko pang tapakan ng ibang tao? Oo, disgrasyada ako pero hindi ako puta, at ang lahat ng mga nangyari sa akin ay isang aksidente lamang. Wala akong magagawa kung sa ganoong paraan ipinagkaloob sa akin si Chiyo at ang anak kong hindi pa naisisilang sa mundo. Magka ganun pa man ay buong puso ko silang tinanggap ng walang anumang pagsisisǐ.” “Blag!” Natauhan bigla si Andrade ng ibagsak ni Maurine ang pintuan, saka lang niya napagtanto na kanina pa pala siya nakatulala sa magandang cleavage ng dalağa. Bukod pa run ay naagaw ang atensyon niya ng malaki nitong balakang. Halos hindi ito tinigilan ng kanyang mga mata hanggang sa tuluyan itong nawala sa kanyang harapan. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Andrade. Napahawak siya sa kanyang sentido, dahil tila biglang sumakit ang kanyang ulo. Subalit dagli siyang natigilan ng maramdaman ang kakaibang damdamin na lumukob sa kanya. “S**t! Hindi ang ulo ko ang sumakit kundi ang aking pusôn! Anong ginawa sa akin ng babaeng ‘yun? Bakit ganun na lang ang reaksyon ng p*********i ko sa loob ng aking pantalon?” Wala sa sarili na tanong ni Andrade habang nakatitig sa namumukol niyang ari. Napalunok siya ng wala sa oras, parang may nagtutulak sa kanya na sundan ang babae ay suyuin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD