“Dalawang buwan bago ang schedule ng kasal n’yo, I think, sapat na ang panahon na yun para mapaghandaan ang lahat.” Si Mommy na nakangiting lumingon sa akin, ngunit ng makita niya ang ekspresyon sa mukha ko ay biglang napalis ang ngiti sa labi nito.
Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko na nagkatinginan silang dalawa ng kapatid kong si Summer. Marahil ay naninibago sa akin ang mga ito, dahil kung iyong susuriin ay para akong may sariling mundo.
Ako ‘yung ikakasal pero tila ako pa ‘yung walang pakialam sa kanilang mga pinag-uusapan.
“Son, are you alright?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Mommy, kaya naman nabaling sa akin ang atensyon ng lahat.
“He’s tired from travel, Tita, kaya wala sa mood ngayon si Andrade. Pero nagkasundo kami tungkol sa aming kasal. He told me na ako na raw ang bahala sa lahat, since na ako ang bride ay dapat daw na naaayon sa gusto ko ang lahat.” Nakangiting paliwanag ni Stella bago lumingon sa akin saka matamis na ngumiti. Ginagap pa nito ang kamay ko na kung iyong titingnan ay napaka-sweet niya sa akin.
We used to it this always, siya ang laging sumasalo sa mga ganitong sitwasyon.
I’m thankful to my fiance dahil lagi niya akong inuunawa kahit na wala na akong time sa kanya. Halos sa mga negosyo na lang kasi umiikot ang mundo ko. Binibigay ko ang lahat ng gusto n’ya para wala lang kaming pag-awayan.
Nagkasundo rin kami na walang ibang makakaalam sa totoong kalagayan ko, kaya hinahayaan ko na lang na siya na ang bahalang magdesisyon sa lahat.
Kung noon ay nagkukumahog ako na makasal kami, ngayon, parang wala ng halaga sa akin ang lahat ng ito. Kung ako nga ang tatanungin eh, parang ayoko ng mag-asawa.
Pero, alang-alang kay Stella kaya pinipilit ko na lang ang sarili ko na makiayon sa lahat ng gusto nito.
Nilingon ko ang aking ina pati si Ate Summer saka malungkot na ngumiti sa kanila.
“Since, nagkasundo na kayo sa petsa ng kasal, mauna na akong umalis, may kailangan pa kasi akong asikasuhin.” Ani ko sabay tayo, lumapit ako kay Mommy at sa aking kapatid upang hagkan sila sa pisngi. Tanging sila lang ang nandito sa dinner meeting na ito dahil ang ibang mga kapatid ko ay puro mga nasa out of town kasama ng kanilang pamilya.
Pagkatapos na magpaalam sa mga magulang ni Stella ay kaagad ko na silang tinalikuran.
“Hindi ka man lang ba mag-papaalam sa mga pamangkin mo?” Tila may tampo na tanong sa akin ni Summer kaya naudlot ang akmang paglabas ko sa pintuan ng mansion. Malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko ngunit mabilis kong itinago ang emosyon na ‘yun.
Bumalik sa kaseryosohan ang ekspresyon ng mukha ko nang pumihit ako paharap kay Summer.
“I’m sorry, maybe next time na lang siguro, nagmamadali kasi ako ngayon.” Ani ko bago muling pumihit paharap sa pintuan.
“You can’t me fool, Quiller, kahit na hindi mo sabihin sa akin ang dahilan ng malaking pagbabago mo ay malalaman ko pa rin ‘yan.” Matigas na saad ni Summer, tanging si Mommy lang at Summer ang tumatawag sa akin ng Quiller. Hindi na ako sumagot pa bagkus ay tahimik na umalis ako sa harapan nito.
She’s right, malaki na talaga ang pinagbago ko, dahil ngayon ay tila allergic na ako sa bata. Hindi katulad noon na makita ko lang ang mga pamangkin ko ay pinanggigigilan ko kaagad ang mga ito. May time pa nga na itinakas ko sila mula sa kanilang mga magulang para makasama ko lang sila buong maghapon.
I love kids, pero noon ‘yun, ngayon, ayoko ng makakita ng bata dahil parang ang dating nito sa akin ay tila isang malaking insulto sa p*********i ko.
Saglit akong nahinto sa aking paghakbang ng maalala ko ang batang babae na nakita ko kanina sa airport. Ewan ko ba kung bakit parang masyado yata akong intresado sa batang ‘yun.
Lalo na ng makita ko ang pagkakahawig ng mga mata nito sa aking mata.
Para na tuloy akong siraulo na nag-i-imagine na marahil kung may anak ako ay baka kamukha ko ito. Nang masilayan ko ang mukha ng batang ‘yun ay wala akong maramdaman na anumang galit sa puso ko. Naghangad pa nga ako na makadaupang palad ang mag-inang ‘yun.
Pero ng maalala ko ang eksena sa labas ng airport ay bigla akong natauhan. Natigil ang mga pantasya ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig. At isang nang-uuyam na ngiti ang lumitaw sa labi ko.
Marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago muling nagpatuloy sa paghakbang.”
Malungkot na hinatid ni Summer ng tanaw ang kanyang kapatid, batid niya na may dinaramdam ito.
“Ikaw na ang bahala sa kapatid mong ‘yan anak, ewan ko ba sa batang ‘yan kung bakit hindi marunong maglabas ng kanyang mga problema.
Masyado akong nag-aalala sa bunso mong ‘yan. Isang buwan ko lang siyang hindi nakita ay malaki na kaagad ang kanyang pinagbago. Para na siyang ibang tao kung kumilos.”
Malungkot na pahayag ni Lexie ang ina ni Summer, maging ito ay nakatingin din sa kanyang anak na si Andrade.
“Don’t worry, Mom, pag-aaralan ko ang mga aktibidad ni Quiller baka sakaling may makuha akong clue sa mga nangyayari sa kanya.” Kalmadong sagot ni Summer bago kinabig ang ina sa baywang nito.
Masuyong niyakap ni Lexie ang kanyang unica hija bago nagdesisyon na bumalik na sa dining room kung saan naroon ang kanilang mga bisita.
—————————-
“Ouch! It hurts! Bakit ba kasi hindi na lang natin tapusin ang lahat ng ito?” Reklamo ni Stella sa kanyang ina, habang hawak ang bahagi ng kanyang braso na tinurukan ng nurse.
“Dalawang buwan na lang, Iha at ikakasal na kayo ni Mr. Hilton, kaya konting tiis na lang. alam mo naman na sa kanila nakasalalay ang ating kumpanya.” Ani ng ina ni Stella habang panay ang paypay ng kanyang mamahaling abaniko.
“Baka naman hindi na ako nito magkaanak, mommy? Hindi pa man ako nabubuntis ay gumagamit na ako ng injectable? You know Mom, may pangarap din akong magkaanak.”
“Bakit hindi ka na lang kasi magpabuntis kay Andrade? Sa oras na magkaroon kayo ng anak ay mas malaki ang habol mo sa kayamanan nila.” Tila nag-init ang ulo ni Stella dahil sa tinuran ng ina nito, kaya naman hindi na maipinta ang kanyang mukha.
“Ayoko! You know naman, Mommy, I love, Henry, at nangako ako sa kanya na pagkatapos ng tatlong buwan ay hihiwalayan ko rin si Andrade. Para kami naman ang magpakasal.
Hindi ko lang kayo matiis ni Daddy kaya pumayag ako sa nais ninyong mangyari na pakisamahan ko ang Hilton na ‘yun!” May halong hinanakit ang tinig ni Stella, pero dahil mahal niya ang mga magulang ay hindi niya magawang magalit dito.
Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ng ina ni Stella habang matamang nakatitig sa mukha ng kanyang anak.
“Just do your promise, mommy, sa oras na maikasal na ako kay Andrade ay hahayaan n’yo na kaming magsama ni Henry.” Pinal na ang pagkakabigkas nito ng dalaga na may halong warning.
Muli, namuntong hininga na naman si Mrs. Mildred at sumusuko na sumagot ng “ Fine! Pero siguraduhin mo na maging maayos ang lahat at matuloy ang kasal ninyo ni Mr. Hilton.”
Matalim na ngiti ang lumitaw mula sa mga labi ni Stella habang ang kanyang mga mata ay tila nangangako para sa kanyang ina.