Kabanata 20

1332 Words
“Tito!” Masayang tawag ni Chiyo kay kuya Harold, tuwang-tuwa naman ang isa at kaagad na ibinuka nito ang mga braso sa ere. “Wow! Ang cute ng baby ko!” Bulalas naman ni Kuya Harold bago mabilis na binuhat ang aking si Chiyo. Nanggigigil na hinalikan ito sa pisngi. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na you can call me daddy.” Kunwa’y nagtatampo na saad ni kuya Harold, of course Chiyo is my daughter kaya wala rin itong balak na magpauto. “I can’t call you daddy, because you have small and black eyes, and I have blue eyes. Sorry, Tito.” Ani ng bibo kong anak, she’s so adorable every time she speaks. Natawa ako sa sinabi ng aking anak lalo na ng lumingon sa akin si Kuya Harold. “Hello kuya Harold, ilang taon na rin ang lumipas simula ng huli tayong nagkita, miss me?” Maarte kong bati sa kanya. Subalit, nagtaka ako kung bakit imbes na sumagot ay pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. “What? Don’t tell me nagandahan ka sa akin?” May halong pang-aasar ko dito. Parang nahihinuha ko na kung ano ang tumatakbo sa utak nito. “Tinitingnan ko lang kung may nagbago ba sayo, hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago, maarte ka pa rin.” Pambubuska niya sa akin at talagang i-pinagdiinan pa nito! Sa inis ko ay nahampas ko ‘to sa braso. Tuwang-tuwa naman ang baliw na ‘to. Mula noon hanggang ngayon ay asar talo pa rin ako sa lalaking ito. “I swear! Pinagsisisihan ko kung bakit ikaw pa ang tinawagan ko para sumundo sa aming mag-ina, dito sa airport. I’m so allergic sa pagmumukha mo kuya!” Angil ko dito sabay irap ng mata. “Tsk, let’s go, baby, iwan na natin ‘yang maingay mong mommy.” Natatawa na bulong nito kay Chiyo. Pumasok na ang dalawa sa loob ng sasakyan kaya napilitan na rin akong sumunod. Subalit hindi pa man ako nakakasakay ay natigil ang mga paa ko sa paghakbang ng maramdaman ko ang mga matang nakatitig sa aking direksyon. Pumihit ako paharap sa aking likuran at nagulat ako ng sumalubong sa akin ang matalim na tingin ng isang babae. “Huh? Anong problema ng babaeng ito at kung makatingin ay parang gusto na niya akong patayin?” Anya ng masungit na tinig mula sa isipan ko. “Hoy Kai! Bakit di ka pa sumasakay?” Nagtataka na tanong sa akin ni kuya Harold na ngayon ay katatapos lang nitong ilock ang seatbelt ni Chiyo. “Tingnan mo naman kung makatingin sa akin ang babaeng ‘yun, parang ang laki ng galit sa akin.” Matigas kong sagot habang nakikipag tagisan ng titig sa mukhang malditang babae. “Hoy, saan ka pupunta?” Naguguluhan na tanong ni kuya Harold. Mabilis itong umikot papunta sa direksyon ko at kaagad na kinapitan ang kaliwang braso ko. “Ano ba kuya! Let me go nga!” Ani ko dito habang pilit na binabawi ang braso ko mula sa pagkakawak nito. “Tumigil ka, Maurine! Umandar na naman ang pagiging maldita mo. Isusumbong kita sa ate Miles mo.” Banta sa akin ni kuya Harold kaya medyo lumay-low ako. “Eh, kasi naman, look at her! Wagas kung makatingin, parang akala mo, ang laki ng kasalanan ko sa kanya, I don’t know her!” Naiinis kong sagot. Masama ang loob na pumihit ako paharap sa kotse ni kuya Harold at tahimik na sumakay. “It’s really hard talaga ang maging maganda lagi na lang akong pinag-iinitan.” Mahangin kong saad, yes, I am confident na maganda ako, dahil iyon ang sabi ng mga taong nasa paligid ko. “Baby Chiyo, huwag kang magmamana sa mommy mo, ha? Ouch!” Hindi na nasundan ni kuya Harold ang sasabihin nito dahil kaagad ko siyang nakurot sa tagiliran. “Subukan mo! Subukan mo…” ani ko na may halong banta, habang pinangdidilatan ito ng mata. Honestly, namiss ko talaga si kuya Harold, pero hindi ko lang ipinapahalata dito dahil siguradong maluluto na naman ako sa pang-aasar nito. Tawang-tawa naman ang mokong na parang akala mo ay kinikiliti. “Mommy, are you fighting?” Seryosong tanong ni Chiyo ko. Matamis na ngumiti ako dito saka masuyong hinagkan ang kanyang pisngi. “No baby, best friends kami ni Tito, and this is our way of how we are to each other.” Malumanay na paliwanag ko sa aking anak bago lumingon sa labas ng bintana. Subalit hindi ko inaasahan ang pagmumukha ng isang babae mula sa kabilang sasakyan. Halos may dalawang dipâ ang layo ng aming mga sasakyan at kasalukuyang nasa red pa ang traffic lights. Umangat ang parang iginuhit nitong kilay habang masama ang tingin nito sa akin. Aba syempre hindi magpapatalo si Maurine Kai, bukod sa pinandilatan ko ito ng mata ay tinaasan ko rin siya ng kilay sabay irap. Kilay sa kilay ang labanan, magpapatalo ba ako? Kita ko kung paano umusok sa galit ang babae. Di na yata nakatiis ay dumungaw pa ito sa bintana ng kanyang kotse. “How dare you, b***h!” Galit na sigaw nito sa akin kaya naman napangiti ako dahil effective pa rin ang paraan ko para mapikon ang isang taong kinaiinisan ko. “Oh hi, b***h, nice to meet you!” Nang-aasar kong sagot sabay kaway dito. Sinigurado ko na hindi nawawala ang magandang ngiti sa mga labi ko para mas lalo itong mapikon. “Maurine.” Saway sa akin ni kuya Harold habang hawak ang magkabilang tenga ni Chiyo. Hindi ko ito pinansin dahil tuwang-tuwang pa ako na asarin ito. Nagsimula ng umandar ang aming mga sasakyan kaya naman umakto ako na mag pa-flying kiss sa malditang ito. Subalit sakto naman na bumaba ang salamin ng bintana sa driver seat kasabay nito ang matigas na boses ng isang lalaki. “My god Stella! Stop it!” Tila napipikon na wika ng isang lalaki hanggang sa tuluyan ng tumambad sa aking paningin ang mukha ng driver nito. Napatda ako sa aking pwesto at ang planong flying kiss ko ay naudlot kaya nanatiling naka-O- ang aking mga labi habang nakabuka ang palad sa tapat ng aking bibig. “Huh? M-Mr. Blue eyes!” Naibulalas ko, subalit sakto naman na bumilis ang takbo ng aming mga sasakyan. Magkaiba ang landas na tinatahak namin, sila ay papasok sa loob ng underpass habang ang aming sasakyan ay kasalukuyang tinatahak ang overpass. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo para sa aming dalawa at parang naging slow motion ang lahat ng magpanagpo ang aming mga tingin. Malayo na ang narating namin subalit nakatitig pa rin ako sa labas ng bintana na parang akala ko ay nakikita ko pa rin mula roon si Mr. Blue eyes. “I’m sure it’s him, hindi ako maaaring magkamali! I know him! Kahit ilang dekada pa ang lumipas ay hindi mabubura ang imahe niya sa aking isipan. But, why does he look angry? It seems he doesn’t want to see me, and who’s that girl? Did he get married?” Halos pabulong kong bigkas sa mga katanungang ito habang nakatulala lang ako sa labas ng bintana. Marahil ay hindi na ako nakilala ng lalaking iyon, kaya wala akong makita ni anumang reaksyon sa mukha nito. So sad, but I need to accept the reality, at ang reyalidad na ‘yun is wala ng kami. Because I have Chiyo, and he has his own life. Tila nadurog ang puso ko dahil sa isipin na’yun. Bigla, nanlalabo na ang mga mata ko hanggang sa hindi ko na ito napigilan pa. Kusang pumatak ang mga luha sa aking magkabilang pisngi. I thought, I forgot him, pero ng muli ko siyang nakita ay biglang nabuhay ang nararamdaman ko para kay Mr. Blue eyes. Now, I realize na hindi ito basta paghanga lang, and also not a puppy love, dahil talagang minahal ko si Mr. Blue eyes. But sad to say, kami ‘yung tipo na pinagtagpo pero hindi itinadhana...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD