Kabanata 34

1020 Words
Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpabalik-balik ng lakad dito sa loob ng silid ko. Nakapagbihis na ako ng corporate at papasok na sana sa opisina. Pero pakiramdam ko ay parang kay bigat ng mga paa ko, ni hindi ko ito magawang maihakbang palabas ng pintuan. Ewan ko ba kung bakit ngunit tila may humihila sa akin pabalik sa tuwing tatangkain kong humakbang. Ang nakakatawa pa ay kung bakit ilang beses na akong nagtanong sa mga katulong kung lumabas na ba ang mag-ina mula sa silid na ginagamit ng mga ito. Dapat magalit ako sa babaeng ‘yun. Dapat ay pahirapan ko s’ya pero bakit tila ako ang pinahihirapan nito!? Buong magdamag akong hindi makatulog dahil sa kakaisip sa magandang katawan ni Maurine. Lalo na ang maamo nitong mukha na halos hindi na mawaglit sa aking isipan. Napalunok ako ng maalala ko ang nakakaakit nitong itsura kahapon. Lalo na ang malusog niyang dibdib na parang ang sarap yata nitong pisil-pisilin. “S**t! Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit pagdating kay Maurine ay nagiging pervert na yata ako. Samantalang noon naman ay halos wala na akong ganang makipags*x kay Stella. Pero ang hindi ko makalimutan na nangyari sa akin ay ng makaniig ko ang isang babae sa loob ng kubo. Noong araw na nadukot ako ng mga armadong lalaki. Nakakalungkot lang na hindi ko na nakita pa ang babaeng ‘yun. Ngayon lang yata bumalik ang hilig ko ng biglang sumulpot ang single mother na ‘yun. According to her ay wala siyang asawa at mag-isa niyang itinaguyod ang anak nitong si Chiyo. Paano ko naman paniniwalaan ang sinasabi nito? Gayung kita mismo ng dalawang mata ko ng buhatin ng ama nito si Chiyo. Matanda na ako para magpaloko pa sa isang desperadang babae. Pagkatapos mamuntong-hininga ay nagdesisyon na ako na lumabas ng silid upang pumasok na sa trabaho. “Daddy! Where are you going?” Nasa punong hagdan na ako ng marinig ko na tinawag ako ng munting si Chiyo. Napangiti ako ng tumatakbo na lumapit ito sa akin. Ang cute talaga ng batang ito at siguradong pagsisisihan mo sa oras na hindi mo makita ang mala anghel nitong mukha. Nakadama ako ng matinding pananabik na muli itong kargahin. Walang pakialam na binuhat ito kahit pa magusot ang suot kong suit. “Yes, Sweetie, daddy’s need to go to work.” Parang hindi ko kilala ang aking sarili sa tuwing nakikipag-usap sa batang ito. Pakiramdam ko ay amang-ama talaga ako sa kanya. “Daddy, you always take care, hm? D-don’t let your back get soaked with sweat. Mommy, told me na always magbabaon ng panyo.” Nakangiti kong pinagmasdan ang cute nitong pagnanalita habang isinisilid ang nakalulon na tela sa bulsa ng aking suit na nasa tapat ng dibdib ko. Pagkatapos na isilid ang panyo, tinapǐk pa ng maliit nitong kamay ang aking bulsa. Naantig ang puso ko dahil sa malasakit nito sa akin. Masarap pala sa pakiramdam na meron kang anak na nag-aalala sayo. “Wow, my baby really loves me, daddy’s love you so much, my Princess.” Kusa itong lumabas sa bibig ko, nagulat pa nga ako sa sarili ko. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ngumiti. This time ay mula sa puso ang ngiting sumilay sa mga labi ko. Isang ngiti ng pagtanggap. Yes, from now on, anak ko na si Chiyo, at sisiguraduhin ko na hindi na ito mababawi pa sa akin ng ama nito. “Chiyo! Where are you? Saan mo nilagay ang panty ni mommy!?” Lumalim ang gatla sa noo ko ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Maurine, mula sa loob ng silid na ginagamit nilang mag-ina. “Put me down, Daddy, Mommy needs my help.” Ani Chiyo habang pilit na nagpapababâ. Napilitan tuloy akong ibaba ang bata. Mabilis namang tumakbo ang namumula nitong mga paa. Kinabahan akong bigla kaya sinundan ko ito habang nakaalala sa likod ng bata. Natatakot kasi ako na baka madapa ito. Mabilis na tumakbo papasok ng kwarto si Chiyo. Subalit, pagdating sa pintuan ay napatda ako sa aking kinatatayuan dahil tanawing nadatnan ko. Magulo ang silid ng mag-ina, nagkalat kasi ang mga laruan ni Chiyo sa kung saan. Ngunit, hindi iyon ang labis na ikinagulat ko, kundi ang ina nitong nakatopies lang ng tuwalya na umabot hanggang kalahati ng hita nito ang haba. Halatang bagong ligo ito dahil basâ at magulo pa ang buhok nito. Napalunok ako ng wala sa oras ng bigla siyang tumuwad. Dahil may pilit na sinisilip ito mula sa ilalim ng kama. Ewan ko ba pero parang sinaniban yata ng demonyo ang utak ko at kung ano-ano ng kahalayan ang lumilitaw sa isip ko. Bawat hugis ng maputi at bilugan nitong mga hita ay pinagnanasaan ko na yata. Hanggang sa tumagal na ang pagkakatitig ko sa matambok nitong puwet. “Chiyo, where did you put Mommy's panty ba?” Maarte nitong tanong habang dinadpot isa-isa ang mga laruan sa sahig at pilit sinisilip ang kailaliman ng kama. “Don’t know, Mommy.” Sagot naman ng makulit na si Chiyo sabay kibit ng balikat. Maging ito ay naghahanap din dahil pati ang loob ng kanyang laruan ay sinisilip nito na para bang makikita dito ang hinahanap ng kanyang ina. “I saw you, Sweetie, you touched my undies. Now, tell me where it is?” “‘Told you, don’t know, right daddy? Chiyo didn’t touch mommy’s undies.” Tila naghahanap ng kakampi ang magaling na bata. Pero ang mukha nito ay parang matanda na akala mo ay problemado sa kanyang ina. “What?” Naguguluhan na tanong ni Maurine, marahil nagtaka ito kung bakit nabanggit ako ni Chiyo dahil until now ay hindi pa rin alam ni Maurine na kanina pa ako nakatayo dito sa may pintuan. “What are you talking- huh?” Muling tanong ni Maurine bago patiwarik na sumilip sa pagitan ng kanyang mga hita. Nanlaki ang mga mata nito ng makita niya ako, para itong natuklaw ng ahas, kasabay ng pamumula nang buong mukha nito. Habang ako ay parang estatwa na nagliliyab ang buong pakiramdam dahil sa nakakaakit nitong hitsura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD